Ariel Benecio"Anak, why are you only wearing that simple dress? You should wear something nicer. You have a lot of nice dresses in your closet but you don't wear them."
Nakangiti akong napailing kay mommy. "I like simple, mom."
She sighed. "Okay. If that's what you want," she said raising both of her hands as a sign of giving up. She knew that she could not make me wear those dresses. Ayokong nagsusuot ng mamahalin na damit. Well, most of my clothes were expensive because mom liked to pamper me. Kaya sinusuot ko nalang ang mukhang simple lang tingnan para hindi ako masyado makaagaw pansin. I never liked to be the center of attention.
"Tara na. Late na tayo," sabi ni daddy sa amin pagkalabas niya ng kwarto. Nauna na siyang bumaba ng hagdan at sumunod naman kami ni mommy.
Dad opened the car doors for us. He always treated us like royalties. Nagpasalamat ako kay daddy after I settled on my seat.
After a few minutes, dad parked the car in front of Tita Lee and Tito Sander's house. Meron kasing thanksgiving dinner na hinanda si Tito Sander dahil as usual, may honors na naman ang mga anak niya na mga pinsan ko. Ang tatalino kasi nina Savi, Levi and Kiel. Lagi silang may awards sa school.
Also, Savi and Levi just graduated from high school kaya nagpahanda talaga sina tito and tita para sa kanila.
"We're here. Archie, I don't want to see you using your phone all the time. I want you to bond with your cousins and friends, okay?" sabi ni Mommy Belle sa kapatid kong si Archie. Mahilig kasing tumambay sa phone dahil sa kakalaro. Wala siyang pakialam minsan kung nasaang lugar man kami basta makalaro lang siya sa phone niya.
"Okay," sagot niya saka binuksan na ang pinto ng kotse saka bumaba. Sumunod na rin akong bumaba at dumiretso sa pinto.
Nung makapasok na kami sa loob, bumungad sa amin agad ang mga bisita na busy sa pakikipag-usap sa isa't-isa. It was a semi-formal gathering. Ayaw kasi ni Tita Lee na sobrang sosyal ang mga parties kasi hindi daw siya sanay. Mas masaya daw kasi pag hindi sobrang formal kasi mas masaya yun kasi nakakagalaw ng mabuti ang mga tao which I like it that way too para hindi ako need magsuot ng mga formal dresses.
Hinanap agad ng mga mata ko sina Savi at Jodie pati ang iba ko pang mga kaibigan.
"Bob! Belle!"
Napatingin ako sa mga taong papunta sa gawi namin. Nakangiti silang lahat at mukhang masaya sila na makita kami.
"Dude, long time no see. Grabe, kailan ba tayo huling nagkita?" Tito John joked.
"Oo nga, dude. Sa tagal nating hindi nagkita ay nagsasawa na tuloy ako sa mukha mo," dad joked back.
Natawa silang pareho at pati na rin kaming nakikinig. Alam kasi namin na kahapon lang huling nagkita sina daddy at Tito John. Palagi kasi si tito dumadalaw sa shop ni daddy.
"Okay lang. Atleast may isang tao pa rin na hindi nagsasawa na makita ang mukhang to," sabi ni Tito John saka tumingin sa katabi niya at binigyan ito ng matamis na ngiti. "Diba, mahal?"
"Don't worry, mahal. Malapit na," sagot ni Tita Pat na kinasimangot ni tito.
Sunod na bumati sa amin ay sina Tito Sander and Tita Lee. Sunod ay si Tito Mike at ang huli ay sina Tito Ralph and Tita Gen.
"You look good on that dress, Ariel. Ang ganda mo like your mom."
Ngumiti ako kay Tita Lee. "Thanks, tita. Nasaan po pala sina Savi?"
"Nasa backyard sila. Pumunta kayo doon ni Archie while the oldies will enjoy here," sabi ni Tita Gen.
"Anong oldies?? Ang bata ko pa kaya. Baka kayo lang no," pag-disagree ni Tito John. "Lalo na yang si Ralph. Malapit ng tumanda yan dahil seryoso lagi ang mukha."
BINABASA MO ANG
In the Midst (Daughters Series 1)
Fiksi UmumAriel Benecio's Story. Bob and Belle's daughter. MAH Series' Second Generation. 4 January 2021. Miss Kae (@KaeJune)