Chapter 7: Repeating Talk

355 22 0
                                    


Ariel Benecio

Tumunog ang bell kay napatingin ako sa pinto. Ang ibig kasing sabihin nun ay may taong pumasok sa loob ng shop.

Nakita kong pumasok si lola. Tinanggal nito ang suot niyang shades saka tumingin sa paligid na para bang may hinahanap. Nung mapunta ang tingin niya sa akin ay napangiti siya. Naglakad si lola papunta sa akin habang hawak ang mamahaling bag niya. Ang ganda at ang gara ng suot niya, as usual. Hindi kami napagkakamalan na magkapamilya tuwing kasama ko siya dahil ang simple ko manamit compared sa kanya.

"Ariel," sabi nito pagkatigil niya sa harapan ko. Nasa likod kasi ako ng counter dahil ako ang cashier ngayon sa shop.

"Hi, lola."

Binati ko siya saka yumuko para bigyan siya ng halik sa pisngi. Nakipagbeso ako sa kanya na kinatuwa niya.

"Napadalaw po kayo, la?"

"I want to ask you to bond with me today. I haven't spent time with you lately. You are always busy with your work."

"Busy po talaga kami rito sa shop, lola. Nagkasakit kasi ang dalawa naming employees kaya kami ni daddy ang gumagawa ng trabaho nila."

Ngumiti siya saka hinawakan ang pisngi ko. "Your dad is so blessed to have you." Napangiti ako dahil sa sinabi ni lola. "Speaking of your dad. Where is he?" sabi ni lola saka tumingin sa paligid na parang hinahanap si daddy.

"Baka nasa likod po siya at gumagawa ng—"

"Mommy!"

Napatingin kami pareho ni lola kay daddy na kakagaling lang sa likod. Ang lawak ng ngiti ni daddy habang papalapit kay lola.

"Nakakatuwa namang isipin na dinadalaw ako ng maganda kong mother-in-law."

Napataas ang kilay ni lola kay daddy. "Excuse me, Roberto. I came here to visit and invite my granddaughter for lunch. I did not come here for you."

"Para na talaga kayong si lola. Marunong akong inisin. Sinapian niya siguro kayo, no?" Napangiwi si daddy na kinatawa ko.

"Well, good thing I learned that from her. And you know well how to irritate me, too."

Napailing nalang si daddy.

"So, are you just going to shake your head? Are you not going to greet me at all?" taas-kilay na sabi ni lola.

"Amoy pawis ako," sabi ni dad na kinataas ng kilay ni lola.

Natawa si daddy saka lumapit kay lola at binigyan ito ng halik sa pisngi. "Iba talaga kayo magpakita ng pagmamahal sa akin. Nakataas ang kilay, nanlilisik ang mga mata o kaya ay nagsusungit."

I grew up seeing my dad and my Lola Scarlet getting into each other's nerves. But at the end of the day, I could tell that they loved each other. They just showed it in a very weird way.

Hindi pinansin ni lola ang sinabi ni daddy. Bumaling lang siya sa akin. "Can I borrow Ariel for today?"

"It's up to Ariel kung gusto niyang sumama sainyo o kung gusto niyang mas makasama ang gwapo niyang daddy."

Bago pa magkasagutan ang dalawa ay nagsalita na ako. "Will you be okay here if I leave, dad?"

"Oo naman. Nandyan naman sina manong."

"Okay. I will go with lola then," sabi ko na kinatango ni daddy.

Lumapit ako sa kanya saka humalik sa pisngi niya para magpaalam tapos kinuha ko ang gamit ko bago lumabas kasama si lola.

Sumakay kami sa kotse na dala ni lola. She did not know how to drive dahil may driver naman siyang kasama lagi. I asked her one time if gusto niyang matuto, but she said that she did not need to learn how.

In the Midst (Daughters Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon