Second week na ng school days at masasabi kong stressful na agad. Hays...
Kaya ito kami, nakatambay sa isang bench malapit sa building namin.“Uy mga bakla! May chika ako!” Humahangos na saad ng karrating lang na si Gab
“Ano na naman 'yan?” nabuburyo kong sagot
“May bagong teacher!” Kinikilig na sabi nya
“Tapos?” walang gana namang tanong ni Chelsea. Teacher lang, kilig agad?
“Ang wafu mga bakla!” eh?
“Tss. Gwapo lang kilig ka agad?” Saad ko pa
"Huy babae, baka 'pag nakita mo yun. Pag sisihan mo na sinabi mo yan sa sobrang kilig. Hmmmp! Bahala na nga kayo dyan!" At saka sya nag martsa paalis. Parang bata. Maka dabog wagas.
Tumayo na kami dahil may pila daw at may announcements yung principal.
"Mga bata mayroon tayong bagong guro. Si Sir Bryle Clarkson taga ***" Pakinig kong sabi ni Ma'am Principal. 'Di naman ako makatingin sa unahan dahil hindi ko makita. Ang hirap talagang maging pandak.
"Tanungin muna natin si Sir ah? Alam nyo na ba ang itatanong?!" Tanong ni Ma'am sa amin.
"Opo!" Balik namang sagot nila. Yes, nila lang dahil tinatamad ako mag salita.
"Okay, 1...2...3... go! Sir Taga saan kayo?!" tanong ulit nila d'on sa bagong teacher kuno.
"Taga ***" husky-ing sabi nya. Tapos bigla nilang pinatugtog yung budots kasunod naman nun ang malakas na hiyawan ng mga estudyante. Nagkumpulan pa sa unahan kaya lalo kong di nakita. Buseet!
Pagkatapos bumalik na ulit sa pila yung mga estudyante.
"Uy beh, ang wafu nga ni Sir!" kinikilig na din si Chelsea. Hala! anyare? may nakaka hypnotize ba kay Sir?
"Nasan ba kasi?" nanggigigil kong tanong dahil gusto ko na ding makita at ng mag kaalaman na kung gwapo nga o hindi.
"Wala na eh, di ko na din makita." Nanghihinayang pang saad ni Chelsea.
Bumalik naman kami sa sarili naming mga classrooms matapos ang announcements ng Punong-guro.
"Ellaine, anong subject natin ngayon?" tanong ng katabi ko.
"Oral Communication po." Sagot ko naman sa kanya.
Edi ba wala naman kaming teacher dun dahil nag palitan ng mga teachers at schedule? Pa'no kami mag kaklase neto?
Nagulantang nalang nang may dumating na lalaki at dumungaw sa pinto at nag tanong sa akin. Nasa bungad kasi ako ng pinto eh.
"Hi. Ito ba 'yung Grade 11-Wisdom?" tanong nya sa akin. ' Di agad ako naka sagot dahil... Sh*t ba't ang pogi ng nilalang na ito? .. Ang tangos ng ilong nya. Tapos matangkad, maputi, medyo singkit ang mata. Basta gwapo sya.
"A-ah, O-po." Nauutal na sabi ko pa.
Ngumit naman s'ya sa akin at saka pumasok sa loob ng room namin.
"Goodmorning class!" Nakangiting bati n'ya.
"Good morning Sir. It's nice to see you." Nakatayong bati din namin sa kanya.
"Okay take your seats. Ahm, siguro naman kilala nyo na ako right? at nakakahiya yung kanina. Ahihi." Saad nya at saka humagikhik. Teka parang may mali.
"But, I will introduce myself na rin para naman makilala nyo pa ako. I am Bryle D. Clarkson from *** . At English Major at OralCom subject teacher nyo na ngayon." Nakangiti pa ring sabi n'ya. Ang gwapo talaga nya. "...Mahilig ako sa K-pop, at Fan ako ng EXO. Waah I love Suho." Kinikilig na sabi pa ni Sir at saka nag demo na parang nag flip ng buhok. Para talagang may mali.
"Si Ate sa dulo oh. Yung nasa pinto. Parang kinikilig s'ya sakin kanina nung nag tanong ako. Ate para sabihin ko sa'yo BAKLUSH ako!" Maarteng sabi nya.
Ay ba't ganun? Kung sino pang mga gwapo sila pang mga bakla. Nakuu! Sayang ka Sir. Hmmpp! Kwass na sana kita keya lang sa kasamaang palad Baklush ka!
YOU ARE READING
Short Stories
Short StoryCompiled one shot stories I have written when I was in high school.