"Oh p're. Naka move on ka na?" Dinig kong tanong ni Nate sa kaibigang si Clyde.
"Yeah. I'm over her, but I know it's still broken." Ani Clyde habang nakaturo sa kaliwang bahagi ng dibdib niya.
"So, what's your plan?" Tanong ni Nate. Nagkibit balikat naman ito at ngumiti pero hindi ito umabot hanggang mata. "Don't know. Maybe, I'll wait for someone who'll fix this."Hayys. Clyde, kung napapansin mo lamang ako, ako na mismo ang mag piprisintang bumuon muli n'yang nawasak mong puso. Pero wala eh, invisible ako sa paningin mo at nakakalungkot isipin na 'di mo ako gusto.
"Eh bro, bakit 'di mo na lang ligawan yung babaeng nagugustuhan mo? Naka move on ka namna na 'di ba?" What? May nagugustuhan na s'yang iba? Waaah. Iyak Mira.
"Well yeah. Naisip ko na rin 'yan. And I'm waiting for the right time." Miraaaa iyak naa. Wala ka ng pag asa sa krass mo.Nakangusong umupo naman ako sa upuan ko. Dumating na kasi ang aming napakagandang guro sa komunikasyon.
At nagsi pasok na rin ang aking mga kaklaseng walang ibang ginawa kundi ang dumungaw doon sa parang balkonahe na animoy naghihintay ng mga manliligaw sa ibaba."Magandang umaga!" Bati n'ya sa amin. Tumayo naman kami at bumati rin. "Magandang umaga rin po, binibini." Dalaga pa ang aming guro. Baka nais n'yong ligawan. Hihihi.
"Maari na kayong maupo." Umupo kami at nanahimik. "Anong aralin ang huli nating tinalakay noong nakaraang araw?" Tanong nito, itinaas ko naman ang akin kamay ganoon din ang aking mga kaklase."Yes, binibini." Tawag nito sa isa kong kaklase. Sumagot naman siya at sinabi ang araling aming pinag aralan. At iyon ang dalawang antas ng wika at mga uri nito.
"Mahusay. Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng isang aktibidad ngunit ito ay parang isang laro lamang. Ang larong ito ay ang 'BUUIN MO ANG NAWASAK KONG PUSO'." Hindi magkamayaw ang mga kaklase ko sa pag hiyaw. Natawa naman ang aming guro sa inasta ng mga ito.
"Tahimik na. Ngayon, magtungo na sa inyonh grupo at aking sasabihin ang mechanics." Pumunta naman ako sa aking kagrupo at nag ipon ipon kami.
"Ang inyong mga lider ay mag tatalaga ng limang miyembro na gagawa ng lahat. Kayong mga lider ay didiktahan ang inyong mga members kung nasaan ang mga piraso ng pusong nakatalaga sa inyo. Kayo namang mga members ay pipiringan at wala kayong ibang gagawin kundi ang makinig sa inyong lider at gawin ang inuutos nila. Maliwanag? Ang kukunin nyo lamang na piraso ng puso ay ang kulay na nakatalaga sa inyo." Nagsi tanguan kami sa sinabi ni Ma'am.
Lumapit naman sa amin ang aming lider. "Sa akin lamang kayo makikinig ha?" Sumangayon kami at saka niya kami piniringang lahat. Bird box lang?
"Maayos na? Okay, magbibilangako ng lima. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima go!"
"Ella! Lakad ka ng diretso! Sige. Sige! Abante pa, kaliwa, kaliwa! Upo ka upo! Sige kapain mo sa sahig." Dinig kong sigaw ng lider namin. Twpos tinawag naman iyong sunod.
"Hans, ikaw naman. Lakas ka, 2 hakbang lang. Sige kanan, kanan! Upo! Una una ka ng konti. Sige pa! Yes!"
"Myrrh! Ikaw na!" Siga wnung lider namin. Nagulat pa ako nun ha. "Lakad ka pauna, tapos kaliwa naman. Hala, Clyde bakit sinipa mo yung piece?!" Sigaw nung lider namin. Ayy, sinila ni Clyde yung piece na dapat pupulutin ko? Takte ka Clyde.
"Myrrh! Kaliwa ka pa." Sinunod ko ukiy pero may nabangga ako.
"Myrrh, upo ka. Tapos kapain mo sa sahig!" Ginawa ko naman. "Ay Myrrh! Kinuha ni Clyde. Kunin mo sa kanya!" Ay putakteng nakadapo sa sanga!Nagkapa kapa naman ako tapos may nahawakan akong paa.
"Hey. Hindi yan yung piece. Paa ko yan!" Reklamo nya. Aba!"Eh malay ko ba. Nasa iyo daw yung piece. Akin na nga." Naiinis na sabi ko. Paano ba naman, bakit sya pa?
Naramdaman ko naman may nag tanggal nung blindfold ko."I will give it to you kung..." Pabitin nyang sabi. Aba't nagawa pang mambitin ng gwapong nilalang na ito.
"...kung papayag kang, ikaw ang bumuo ng nawasak kong puso..."
"Buuin mo lang ang nawasak kong puso. Ibibigay ko sa'yo 'to kasama ng pag mamahal ko."
Wtf! Kelan pa naging corny ang isang ito? Clyde, is that you?
YOU ARE READING
Short Stories
ContoCompiled one shot stories I have written when I was in high school.