"Good morning ma'am. Excuse daw po sa mga selected players." Saad ng isang estudyanteng nasa pinto ng classroom namin.
"Players! May training ata kayo." Tawag pansin ni ma'am sa mga kaklase kong players. Lima lang silang selected eh.
Nagsilabasan naman silang lima. Yan! Lumabas na kayo dito, para naman mabawasan ang mga maiingay at magugulo. Pagkalabas nila, nagsalita na ulit si ma'am.
"Ano nga huling sinabi ko?" Tanong ni ma'am.
"Dalawang sugnay po ma'am" sagot nung isang kaklase ko. Nagpatuloy lang si ma'am sa pag didiscuss hanggang sa mag time na.—
"Ate! Mag rerecess kayo?" Tanong kay ate Mayne na nag susuklay. "Oo beh. Sama ka?" Balik n'yang tanong. "Oo, wait lang. Kunin ko lang pera ko." Sabi ko at kinuha ang pera ko sa wallet na si Chanyeol. Yiee, I love channy kaya.
—
"Last day na ng training nila." Mahinang sabi ni Yvonee na katabi ko habang nag lalakad kami sa hallway.
"Oh tapos?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
"Di mo ba mamimiss yung crush mo?" Natatawang saad ng bruha.
"Psh, ewan ko sa'yo." Humagikhik naman s'ya sa sagot ko. Baliw!Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nadaan pa namin ang principal's office.
Nang makarating na kami ng canteen, bumili na agad kami ng pagkain at doon na din ito kinain.
—
Pabalik na sana kami ng classroom nang madaan namin sarado ang daan sa tapat ng principal's office. Patay! Saan kami dadaan? Sa field? Hala ka. May nag tetraining kaya doon. Pa'no kung matamaan kami ng bola? Or worst baka yung bat pa yung tumalsik samin.Pero walang choice ang mga lola mo kaya do'n din kami dumaan. Pagkarating namin ng field, may mga naglalaro nga. Baseball pa! Asar!
"Uy mga beh, pakibilisan baka tamaan tayo ng bola." Sabi ni Ate Mayne. Nagunahan naman kami kaya lang sa kabutihang palad nahuli ako. Sisingit pa sana ako sa kanila pero nag siksikan sila kaya ayun, nasa huli talaga ako. Takte! Pag ako tinamaan ng bola. Lagot kayo sakin!
"Esha!"
"Esha!" Napalingon ako sa mga naglalaro nang may tumwag sa napakagandang pangalan ko pero iba ang sumalubong sakin. Yung bola! Iiwas na sana ako pero tumama na iyon sa tagiliran ko.
"A-ahh." Inda ko. Ngina! Ang sakit mga preee!
Napa upo ako dahil sa sakit. Ang lakas ng impact nung pagkakatama sakin. Kita kong si Claude ang pumalo nun, nakita ko pang papalapit sya sa first base, pero mali. Papunta s'ya sa'kin.
"Uy, Esha. Okay ka lang?!" Sigaw ni Yvonee, malayo na sila. Lalapit pa sana s'ya kaya lang nakalapit na sa'kin si Claude.
"Hey! Eshallyna! You okay?" Tanong ng lintik na si Claude. Putcha! Mukha ba akong okay? Kita na ngang tinamaan ako ng bola. Sarap mong halikan este sapakin. Kung di lang kita kwass na-rape na kita este nabugbog na kita. Sangina Esha! Umayos ka nga!
Dahan-dahan akong tumayo habang hawak pa din ang tagiliran ko at hinarap s'ya.
"Mukha ba akong okay? Ha?!. Hayp ka Claude, ang sakit nun." Sumbat ko sa kanya. Pake ko? Pagkatapos nya akong saktan!
"Haha. Sorry, I didn't mean it." Aba!
"Nag so-sorry ka? Pero tumatawa? Ga*o!" Inis na singhal ko.
"Hahaha. Well, bakit parang ako yata ang tinamaan?" Nangunot naman ang noo ko.
"Anong ikaw?! Eh ako nga di ba?" Naiinis pa rin ako dahil masakit pa rin talaga sya. Hinihilot hilot ko pa rin ang tagiliran ko."I mean, ako. Tinamaan sa'yo." Napatigil ako. Letseee! Tinamaan ka ng magaling Claude!
YOU ARE READING
Short Stories
Cerita PendekCompiled one shot stories I have written when I was in high school.