Chapter 1

26 4 0
                                    

TW: accident & suicidal thoughts/feelings!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ate Elaine!"


Napatigil ako sa paglalakad at napalingon sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko ng dahan-dahan syang naglakad palapit sakin. Madaling-araw na kaya patay na lahat ng ilaw sa buong bahay tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa pwesto namin.


"Anong ginagawa mo dito, Sammie? Bumalik ka sa kwarto mo dali." bulong ko sa kanya.


"Saan ka na naman ba pupunta ate? Anong oras na ah baka mahuli ka nila mama nyan.." nag-aalalang sabi nya. Napasimangot ako dahil sa sinabi nya.


Alam nya kasing mapapagalitan na naman ako nila mama kapag nalaman nilang umalis na naman ako ng madaling araw katulad nung nakaraang araw. Hinila ko sya palabas ng bahay at iniharap sakin.


"Birthday ni Jeremy... Nagpaalam naman ako sa kanya kanina kaso hindi nya ko pinayagan kaya heto ako tatakas ngayon kaso nakita mo ko.." nakasimangot na sabi ko. Alam ko kasing isusumbong nya ko ulit kay mama lalo na ngayon, "Isusumbong mo ko nuh?"


"Malamang ate! Hindi ka lang mapapagalitan ni mama mag-aalala din ako.. Maiintindihan naman siguro ni Kuya Jeremy kung hindi ka makakapunta diba? Kaya kung ako sayo ate pumasok na tayo sa loob.." sabi nya at maglalakad na sana pabalik pero agad ko syang hinila.


"Saglit lang, Sammie.. Wag mo kong isumbong please nangako ako sa mga kaibigan ko at kay Jeremy na pupunta ako eh! Ganito nalang para hindi ka mag-alala samahan mo nalang ako mabilis lang tayo promise! Please, bunso.. Love mo naman si ate diba?" naka-pout na sabi ko habang nakahawak sa isang kamay nya. Tinignan nya ko ng mabuti kaya nagbeautiful eyes pa ko para effective.


Napabuntong-hininga sya at tumango-tango habang nakangiti. Ngumiti naman ako at niyakap sya ng mahigpit. 18 years old na si Sammie at 20 years old na ko pero kung titignan mo mas matured pa sya kesa sakin. Pagdating namin sa bahay nila Jeremy ay marami paring tao. Lahat ng kaibigan ko pati narin mga tropa ni Jeremy ay nandun.


"Ate tara na.. Anong oras na at isa pa nakainom kana baka lalo kang mapagalitan ni mama nyan." bulong ni Sammie sakin.


Simula nung dumating kami dito ay nakakapit lang sya sa braso ko maliban nalang kung yayayain akong sumayaw ng mga kaibigan ko kaya naiiwan sya dito sa pwesto namin. Medyo na hihilo na nga ko dahil narin siguro sa ingay at sa dami nang nainom ko simula pagdating dito. Tinapik-tapik ko sya sa balikat at ininom yung alak na hawak ko. Maya-maya pa ay inaya ako nung mga kaibigan na babae ni Jeremy kaya naiwan na naman si Sammie sa pwesto namin.


Pagbalik ko ay wala na sya dun kaya sinubukan kong kapain sa bulsa ko yung phone ko para tawagan sana sya kaso naalala ko pinagamit ko pala sa kanya kanina yun para hindi sya ma-bored at hinidi nya din pala dala phone nya. Nahihilo na talaga ako kaya umupo ako saglit at napahawak sa ulo ko. Ilang saglit pa ay nakita ko sina Jeremy pati narin yung ibang mga kaibigan niya kasama si Sammie.


Tumakbo sya papalapit sakin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Nahihilo na talaga ko kaya hindi ko sya masyadong matignan ng maayos, "A-ate u-uwi na tayo please a-ayoko na dito..." mahinang sabi nya.


"Sige tara na *hik* uwi na tayo. Jeremy okay lang ba kung ihatid *hik* mo kami kahit sa tabing *hik* kanto lang namin." sabi ko at hinila na palabas si Sammie kahit pagewang-gewang na ko maglakad.


The Wall Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon