"Sandali.. sandali nga! Paano kayo nagkakilala?" tanong ni Yna habang nakapamewang.
Nandito kami ngayon sa may tambayan malapit sa school dahil lunch time. Pagkatapos nung nangyari kanina sa classroom ay hindi na nya ko tinigilan sa kakatanong partida sinama nya pa yung lalaking yun ngayon samin.
"Ano kasi.."
"Actually hindi ko sya kilala pero nakita ko sya nung araw na nabuking yung about sa part time natin." putol ko sa sasabihin nya. Hindi ko kasi naabutan yung pagpapakilala nya kanina kaya hindi ko parin alam yung pangalan nya.
"Ah oo nga pala.. ano nga ulit name mo? Sorry hindi ko kasi masyado naintindihan kanina." tanong ni Yna dun sa lalaking kanina pa pabalik-balik ang tingin samin. Ngumiti sya at masayang humarap samin.
"Ah Ethan Castor Perez.. kahit Ethan nalang." pagpapakilala nya.
Tumango naman si Yna at umupo sa tabi ko pagkatapos ay nilahad ang kamay sa harapan ni Ethan para makipagshake hands. Tumingin muna sya sakin pagkatapos ay nahihiyang tinanggap ang kamay ni Yna.
"I'm Shaina Mae Fajardo... Yna for short at ito naman si Alora Elaine Lopez bestfriend ko... Elaine itawag mo sa kanya ayaw nya kasing tinatawag sya sa first name nya." pagpapakilala ni Yna sa'kin.
Tumingin sya ulit sakin kaya nilahad ko yung kamay ko sa harap nya at nakipagshake hands. Ako unang bumitaw dahil naiilang ako sa presensya nya. Hindi sa ayaw ko sa kanya pero nahihiya ako dahil nakita nya kung paano akong nagbalak na magpakamatay nung araw na yun kaya pakiramdam ko jinujudge nya ko ngayon sa isip nya.
"Anong gusto nyong kainin ako na bibili." sabi ni Yna at tumayo. Pipigilan ko sya sana kaso biglang tumayo si Ethan kaya sa kanya napunta atensyon namin.
"Ako na libre ko narin tutal inentertain nyo ko ngayon." sabi nya at may kinuha sa loob ng bag nya. Aalis na sana sya kaso hinila sya pabalik ni Yna kaya napaupo sya ulit.
"Nope. Akin na yung panlibre mo at ako na bibili wag kana tumutol baka magbago pa isip ko." mataray na sabi nya. Tumingin ulit sakin si Ethan bago ibinigay kay Yna yung pera.
Agad syang umalis kaya pareho kaming naiwan ngayon ni Ethan dito. Walang gustong magsalita kaya nilabas ko yung phone para maglaro ng games. Maya-maya pa ay napatingin ako sa kanya ng bigla syang tumikhim.
"Okay kana ba... Elaine?" mahinang tanong nya. Agad kong binalik yung tingin sa phone ko at pinatay iyo bago humarap sa kanya. Sabi ko na nga ba at ayun parin nasa isip nya kaya kanina pa nya ko tinitignan.
"A-ayos lang." nahihiyang sabi ko. Nakita kong tumango-tango lang sya at hindi na muling nagsalita pa. Hindi ako mapakali kaya tinignan ko si Yna sa may maliit na tindahan at hindi parin sya nakakaalis dun dahil sa dami ng bumibili.
"Ahmm.. Ethan yung nangyari pala nung isang araw baka--"
"Wag kang mag-alala hindi at wala akong balak na sabihin sa kanya yun. Wala ako sa posisyon para pangunahan ka at isa pa ang mga bagay na ganun ay hindi pinagsasabi kaya wala kang dapat ipag-alala, okay?" mahinanong sabi nya habang nakatingin kay Yna.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nya. Wala akong balak ipaalam kay Yna 'yun dahil alam kong magagalit sya sakin pagnalaman nya na muntik ko ng gawin yun. Siguradong sisihin nya ang sarili nya dahil iniwan nya kong mag-isa nun.
BINABASA MO ANG
The Wall Between Us
Teen FictionEver since Elaine's younger sister died in a car accident, she has lost her will to live and she thought of committing suicide. Until she meets a new friend, especially Ethan, who will help her to start a new life with them. But does Elaine still wa...