Chapter 5

16 4 0
                                    

"Sige iha dahan-dahan mong i-pump yang maliit na bola tapos relax ka lang dyan ah. Babalikan kita after 25 minutes. Okay?" ngumiti sya sakin kaya tumango ako. Pag-alis nya ay syang paglapit nina Ethan at Yna sakin.



Umupo silang dalawa sa magkabilaan ko habang kumakain ng binili nilang chichirya. Napatingin naman ako kay Ethan ng alukin nya ko ng chichiryang hawak nya habang mapang-asar na nakatingin sakin kaya hinampas sya ni Yna sa kamay at tinignan ng masama.



Simula nung malaman kong pwede akong magdonate kay Chacha ay nagpa-screening kaagad ako sa hospital kung ayos lang na magdonate ako at malaking pasasalamat namin dahil pwede ako. Kaya kahapon ay hindi na ko pumasok sa trabaho para makapagpahinga ng maaga.



"Maraming salamat talaga, Elaine ah. Nga pala alam ba ng magulang mo ang tungkol dito?" nag-aalalang tanong ni Yna. Dahan-dahan akong umiling kaya tumango-tango nalang sya. Wala naman sa kanila yun kung ipaalam ko yung tungkol dito 'e. 



"Masakit ba, Elaine?" turo ni Ethan sa may karayom na nakatusok sa may braso ko. Tinitignan nya yun na parang ramdam na ramdam nya yung nakatusok sakin. Tumingin sya ulit sakin kaya tumango-tango at tumawa ng mahina.



Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na yung nurse at tinanggal na yung nakatusok sakin. Pinagpahinga muna nila ako ng mga 10 minutes bago pinakain at uminom ng tubig. Sa bahay muna kaming tatlo nina Yna magpapahinga at pumayag naman si tita na sumama samin si Ethan dahil nandun naman yung tito nya pero maaga ring aalis sa umaga kaya kailangan namin ni Yna ng kasama kinabukasan.



"Ay Elaine ano nga palang sabi ng mama mo about sa part time job mo?" biglang tanong ni Yna.



Nandito kaming tatlo ngayon sa sala habang nakain ng niluto ni Ethan para sa'min. Wala pa si Tito Max dahil nasa trabaho pa sya pero maya-maya ay uuwi narin ito sabi ni Yna habang sina tita at tito naman ay nasa hospital parin para bantayan si Chacha. 



"Ah okay na.. wala naman na silang magagawa dahil iyon ang gusto ko kaya no choice sila at hayaan nalang ako." malumanay na sabi ko. Gulat na tumingin sa'kin si Yna habang si Ethan ay tahimik na nakikinig.



"Seryoso? Hinayaan ka nila? Himala yun ah." natatawang sabi nya. Tumango ako at inabutan sya ng tubig dahil nabulunan pa ito. Hinampas-hampas ko yung likuran nya at umubo ng umubo.



"Oh bakit ganyan ang tingin mo?" nagtatakang-tanong niya habang nakatingin kay Ethan. Napatingin tuloy ako sa kanya at napakunot ng noo dahil sa reaksyon nya.



"Bakit naging himala yun? Chika nyo naman sa'kin yan.." tumingin sakin si Yna na parang humihingi ng permisyon kaya ngumiti ako at tumango sa kanya.

The Wall Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon