10

300 9 0
                                    


naglalakad-lakad ako sa hallway ng makita ako ni kian. ngumuya muna ako bago sya harapin, yeah kumakain ako ng mansanas.

"ate anong ginagawa mo dito?" well, lunes ngayon at 1 week na akong nanliligaw kay cris, kaya ako nandito ngayon sa skwelahan nila ay dahil sakanya, may access naman ako papasok dito, hindi naman nagbago yung guard si mang berto padin, tinatanong nya padin hanggang ngayon sakin si sam.

"to visit the garden" sa tingin ko ay nakumbinsi ko naman sya, tumango tango ito at nagpaalam. minsan ay napag hihinalaan kong parang may gusto ang kapatid ko kay cris. pero isi nawalang bahala ko iyon.

sana naman ay wala, we're not that close but i don't want to hurt him.

"hey, you're here nanaman, wala kanabang trabaho?" it's cris.

"nope" nagpa sched ako ng pang gabi, day off ko ata ngayon?  "kain tayo ng tumaba kanaman" pagbibiro ko. she's kinda cute tho.  ginulo ko ang buhok nya tinapik nya naman ang kamay ko at inayos ulit ang buhok nya.

"tch! kala mo naman sya may laman, eh mas payat kapanga sakin" palagi syang ganyan, pero ang cute nya isa sa mga gusto ko sakanya ay yung naiinis sya.

"come on lavi" hinila ko nalang sya, pero napatigil sya bigla.

"may problema ba?" umiling lang sya at tiningnan ako.

"w-wala, nagiging talkative kana Ms. Buenavista" uh yeah napapansin ko din, pero sakanya lang naman, walang bago. hinawakan ko nalang ang kamay nya at sabay kaming naglakad papuntang cafeteria nila.

ako nadin ang nag order at pinahintay ko nalang sya sa upuan namin,

"ang hilig mo sa chocolate cake magka diabetis ka sana" then she rolled her eyes.

"gusto mo ba? ibibigay ko naman, gusto mo pati sarili ko hmm?" ngumisi lang ito at nilantakan ulit ang icecream nya, ayaw nyadaw kase ng kanin.

"tch! ubusin mo pati plato at kutsara" napatigil naman ako sa pagkain at sumandal, nilapag ko ang kutsara ko at dahan dahang inusog  sakanya ang platong may cake.

sa tingin ko may dalaw sya ngayon.

ngumiti muna ako bago ipatong ang dalawang kamay ko sa lamesa.

"aanhin ko?" nakataas na kilay na sabi nya.

"eat it, it looks like you want it, ang sungit mo ngayon meron kaba?" namula naman sya sa tanong ko at lumunok, napangiti nalang ako.

"wala no!!,  ganto naman ako palagi psh!, hanap ka ng hindi masungit shoo" tinitigan ko lang sya sa ginagawa nya, para nya akong pinagtatabuyan pero hindi sya nakatingin sakin.

"ang cute mo, come on kainin mo na, baka mamaya langgamin pa" wala din syang ginawa, kinuha nya na ito at nilantakan.

"hindi ko alam na andito ka pala?" marahan akong napatingin kay sam, na nasa likod ni cris. ni hindi ko naman sya nakitang papalapit dito, ang bilis nya naman ata? tiningnan ko sya at ngumiti ito sakin

"hindi ko alam na dapat ko pa palang ipaalam yon sayo" bahagyang nawala ang mga ngiti nya nung sinabi ko iyon.

hindi ko alam ang umiikot sa ulo ng babaeng to, nakapag-usap na kami about dito at umayon sya, oo, pero hindi ako sigurado kung totoo.  nag salita naman si cris nung maramdaman nya sigurong hindi ok ang koneksyon namin ni sam sa isa't isa.

"a-alis nalang ak-" pero pinutol sya ni sam,

"much bett-"

"no, aalis tayo" putol ko din sa sasabihin ni samantha, tumayo ako at kinuha ko ang kamay ni cris, pero hindi sya tumayo, "tara na"

"k-kaya ko naman na ang sarili ko kl-"

"tara na" wala syang nagawa at sumabay na sakin, iniwan namin si sam na naka tayo doon, nakita kong mag-sasalita pa sana sya pero inis syang tumalikod at mabilis na nag lakad palayo.

habang nag-lalakad kami ay hindi sya mapakali, dahil siguro kanina, hinawakan ko nalang ang kamay nya at pinisi-pisil, para hindi nasya mag overthink.

"hindi mo naman kaylangang gawin yon kloe, she's still your ex at naging importante din sya say-"

"mas importante ka sakin cris"

"pero-" pinutol ko sya at pinitik ang noo, napa 'aw' naman ito at napa hawak sa noo nya.

"hatid na kita sa classroom nyo, sunduin nalang kita mamaya, wag mo na iyong isipin baka hindi ka makapag focus sa klase nyo mamaya, paki kamusta nalang ako sa kapatid ko" ngumiti ako tinanggal ko ang kamay nyang naka hawak sa noo nya at hinalikan sya dito.

pinapasok ko muna sya sa classroom nila bago umalis, nag thumbs up pako at ngumiti ulit, para hindi sya mag space out mamaya.

ayokong maapektuhan sya dahil doon.

TAMING KIAN'S ATEWhere stories live. Discover now