20

173 5 0
                                    


_______________________

"i'm s-sorry" nasa kubo na kami ngayon.

"suotin mo muna yung jacket ko" sinuot nya muna ito at tumingin saakin.

"it's my fault"

"mamaya kana mag-salita, please lang sam" hindi si cris ang humihikbing iyon kundi si samantha.

"i-i'm sorry" umiiyak na sabi nya.

"umidlip ka muna habang umuulan pa" napahilamos nalang ako ng mukha, umuulan at hindi ko alam kung may rescuer ba silang pinatawag para hanapin nalang din kami, and i'm thinking kung ligtas naba si cris.

tumila na ang ulan, tiningnan ko naman si sam na naka idlip ata, inalog ko ito at sinabihan na umaba nalang saakin dahil babalik nalang kami.

sana ay walang masamang nangyari kay cris.

medyo maputik na sa dinadaanan namin dahil sa ulan kanina. mabuti at tumila din ito dahil hindi pwedeng doon kami matulog, marami ding lamok doon meron ding ipis at gagamba, hindi sanay doon ang kasama ko ngayon.

nakadating kami sa campsite na parehong basa. naabutan naman namin doon ang mga students na nakatayo.

nahagip naman ng mata ko si cris nakakagising lang ata magulo pa ang buhok nito at naka shorts.

dali dali ko namang binaba si sam at pumunta sa kinaroroonan nya. bahagya pa itong nagulat.

"a-ayos kalang ba?, na-ulanan kaba?"

"kloe"

"hey, baka lagnatin ka naligo kaba?" kinapa ko pa ang noo nito baka kase lagnatin sya, pero naka tayo lang ito sa harap ko.

"kloe"

"may tinatanong lang ako meghan"

"kloe ang totoo nyan ay hindi sya nawala" para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. literal na nilalamig ako ngayon dahil sa nabasa ako kanina.

"w-what do you mean?"

"kloe, nawala si cris kanina dahil pinabalik sya sa campsite para kumuha ng tubig, noong pauwi na tayo ay babalik din sana sila sa gubat pero sinabihan ni Penafiel na wag na"

"nagulat din nga kami nung nakita namin sya kasama nung presidente nila"

napakuyom naman ako ng kamao ko. pero pinakalma ko din ito, wala din naman akong makukuha kung magagalit ako sakanila, pinag-alala ako sa wala. 

"i'm tired"

"kloe" si meghan. pero hindi ko ito pinansin, tiningnan ko muna si cris pero naka tingin lang ito kay sam na inaalalayan ng mga prof.

hindi nya manlang ako tiningnan. kahit isang segundo lang.

tatawagin ko pa sana sya, pero pinuntahan sya ni kian at inalalayan ito papasok sa loob.

napa-iling nalang ako.

"it make sense now"

_________________________________

andito ako ngayon sa batis, mag iisang oras din simula nung alasais ng umaga.

"manipulators"

huminga ako ng malalim at tumayo, hindi naman pwedeng dito nalang ako maghapon.

"cris" tawag ko dito pero hindi ako pinansin, aalis na sana sya pero hinigit ko ang kamay nito.

"bitawan mo ako kloe" hindi ito naka tingin saakin.

"cris, mag-usap muna tayo"

"wala tayong dapat pag-usapan pa kloe" pilit nyang inaalis ang kamay nya sa pagkakahawak ko.

"gusto ko lang naman malaman kung bakit ganito ka sakin, may nagawa ba ako?, cris sabihin mo naman"
napaluwag ang hawak ko sa kamay nya kaya mabilis nya itong nakuha.

"mag-usap kayo nung magaling mong ex"

"what do you mean?"

"what do i mean?, tigilan mo na pang liligaw mo saakin kloe"  hindi ako nakapag salita sa sinabi nya.
"sabi ni kian, ay nagkabalikan na kayo ni sam, kaya mo sya niligtas doon, alam mo bang buong oras akong naghintay sayo sa labas kahapon? nakatulog nako't lahat umulan na't lahat wala kapadin!!, sana manlang tumawag  ka!"

naisipan ko ding tumawag non, pero nung kinapa ko ang cellphone ko ay wala sa bulsa ko, kaya no choice ako kundi pumasok sa gubat.

at sinong loko makikipag balikan kay sam!?

"c-cris, h-hindi ko alam ang mga  pinag sasabi mo patungkol saamin ni sam, at hindi ako naka call sayo kase naiwan ko ang telepono ko" mahinang sabi ko. pero tumawa lang ito

"tigilan mo na ako kloe" tulala akong nakatayo doon nung iniwan nya ako. ni hindi ko alam ang mga pinagsasabi nya. hindi nadin ako nakapag explain dahil umalis sya agad.

ang nasa isip ko lang ngayon ay kailangan kong maka-usap si kian. papalamigin ko muna ang ulo ni cris, mamaya ko nalang sya pupuntahan ulit.

"kian mag usap nga tayo" busy sya sa pag bibiyak ng kahot para sa last na bonfire nila mamaya, dahil bukas ay uwian na.

"wala tayong dapat pag-usapan ate, nanalo nako tumigil kana" pinipigilan kong wag syang sigawan dahil marami din ang estudyante dito.

"mag-usap tayo" matigas na sabi ko sakanya. tumawa lang ito at iniwan ako. wala din naman akong mapapala sakanya.

si samantha.

inis akong naglakad patungo sa babaeng iyon. naabutan ko naman sya kasama ang dalawa sa psychology prof. 

"samantha" nakangiti silang tumingin sakin lahat.

"teka lang ha?" naka ngiting paalam nya sa mga kaibigan.

"hmm?, naparito ka? miss mok-"

"tigilan moko sam, kasabwat kaba ng kapatid ko?, sabihin mo sakin sam" mahinahon lang na sabi ko sakanya pero may diin.

alam nya naman na ayoko sa lahat ang sinungaling.

"hindi"

"wag kang mag matigas please lang, habang mahaba pa ang pasenysa ko please lang sam."

tinaas lang nito ang dalawang kamay nya, kinuha ang bottled water at ininom ito.

at iniwan din ako.

putangina (sorry sa bad words jusko)

dinala nalang ako ng mga paa ko sa batis, kung saan kami naligo.

ang sabi nya ay pupunta ulit kami dito, kaya kailangan kong ibalik ulit ang loob nya saakin, kahit na hindi ko naman ginawa ang mga pinagsasabi nya kanina.

bumuntong hinga naman ako at tumayo mula sa pag kakaupo sa malaking bato.


TAMING KIAN'S ATEWhere stories live. Discover now