12

264 7 0
                                    

_________________

Cris's POV

"Cris, pwede bang mag-tanong?" si kian, tumango naman ako, kinuha nya ang upuan na malapit sakanya at inupuan ito paharap sakin. ..

"Palagi ko kase kayong nakikitang mag-kasama ni ate, kelan pa kayo naging close?" tumigil naman ako sa sinusulat ko, deadline na nito mamaya jusko naman kian.

"Nung nakaraan, atsaka mamaya mo na ako chismisan kian, deadline nato mamaya oh, mag-sulat kadin kaya ano?" ngumiti lang ito ng pilit at tumayo papalayo sakin, problema non?.

hindi ko nalang pinansin at nag sulat ako ulit, nung hinatid ako kanina ni kloe ay nakatingin si kian sa kamay naming naka holding hands, pero hindi ko iyon pinansin. alam nya naman sigurong nag-kakagusto ang ate nya sa babae.

"ilang araw kanang hindi sumasabay saming mag lunch, palagi mo nalang kasama yung ate ni kian, ano bang ginagawa nya dito? hindi ko alam na pwede pala yung outsider dito" si jerald, namiss ko din pagiging chismoso nito

"jerald mamaya na ok?, nag mamadali ako, buti sana kung tutulungan mo ako dito ano?, shoooo, alis muna" nag patuloy ulit ako sa pag susulat.

"alam mo bang palagi kayong tinitingnan ni kian, at hindi ko alam ha, feel ko-"

"jerald!!! umupo kana anjan na si ma'am" sigaw ni stella.

umiling nalang ako, pag hindi ko ito na pasa kay panot baka ma INC ako!!

nag discuss lang yung prof. namin sa ewan ko kung anong subject dahil busy ako kaka sulat, 5pm ang deadline nito at 4pm na ngayon, jusko naman hindi manlang kase ako ininform nung tatlo,

hindi kanamn kase sumasama sakanila lately

sabat nung utak, oo nga naman, pero kase psh!!.
hindi na ako nakapag lunch kanina kasama si kloe, sinabihan ko nalang sya na mamaya nalang ulit kapag sinundo nya ako, kase importante talaga akong gagawin. naalala ko lang naman ang sinusulat ko ngayon, siguro ay naalala kolang dahil deadline na potek!.

"damihan mo kain mo ghurl" sabi sakin ni meghan, nasa restaurant na kami ngayon kasama syempre si kloe, natapos ko nadin ang sinulat ko kanina. 

eksakto din nung sinundo ako ni kloe, tiningnan ako nung tatlo bago ako umalis, pero habang bumabyahe ay nag chat ako sa gc namin na babawi ako.

hays.

"you ok hmm?" napatigil ako sa pag-iisip nung mag tanong si kloe.

"h-ha?, o-ok lang, may ini-isip lang"

"ubusin mo yan ghurl ha? maraming nagugutom sa pilipinas isa nadon si samantha" luh

"bakit?" tanong ko nalang gusto mo na talagang kausap tong kaibigan ni kloe.

"alam mo na gutom s-hxhsjcisl*-"

"shut up meghan, wag kang makinig sakanya love" natawa nalang ako nung nilagyan nya ng isang buong ulam yung bunganga ni meghan. pft!

"pwe!! ang sama mo kloe, uubusin ko yan oo,  hindi mo ako kailangang madaliin" inirapan nya ito, hindi ko mapigilang mapatawa talaga. "at ano?, tama ba narinig ko?, love? did kloe call you love crissy?" tumango ako.

"hindi naman sya bingi katulad mo psh!" napapansin kong mabilis ngang mainis si kloe no doubt.

"Ay emz!! ang sweet mo naman kaibigan, well crissy is a catch, pag pinakawalan mo yan alam mo na" nag wink pa ito saakin, natawa naman ako.

"subukan mo lang, baka bukas hindi kana makalakad" ang seryoso nya talaga HAHAHSH.

"ang sama mo talaga hmpk!" hinampas naman bya si kloe.

"tama na ngayan, parang mga highschooler kayong dalawa" ngumuya ako, uubusin ko talaga to shems! hindi ako naka pag lunch kanina.

"nasabi sakin ni kloe na hindi ka nag lunch kaya ubusin mo yan, kung gusto mo ice cream order tayo, ano sayo kloe?"

"si crrishh" ngumunguyang sabi nya, ang cute HAHAHA

"respeto sa single no? oo, uso yon" ang hyper talaga nitong si meghan, nasabi nya pala kanina na apat kaming ililibre nya pero walang may dumating dito na anino nang kung sino man.

"nga pala, diba sabi mo apat tayo?" napatingin sya sakin at napatigil sa pag-kain

"on the way na daw, pero alam kong naliligo pa iyon, alam nyo naman dapat advance tayong mag-isip" ngumuya ulit sya ng cake.

"there she is, hindi ko alam na si Amy yung tinutukoy mo, kelan pa kayo naging close?"

hindi sya pinansin ni meghan dahil naka tulala ito sa babaeng papunta sa gawi namin.

"pst, sino si amy?" bulong ko.

"her greatest enemy" bulong nyadin

"baliw, di ko naman sinabing bubulong kadin" ginulo nya ang buhok ko.  aba't!!

"Hi!" masiglang sabi ni amy i guess?, "you must be crissy hmm?" lahad nya nang kamay saakin, tinanggap ko naman ito nakipag kamay sakanya at ngumiti

"you're pretty, good catch claw" she winks at kloe,

claw?

"stop calling me that name amy" natawa lang ang babae.

natapos na kaming kumain sa restaurant at hindi ko alam kung saan nanaman kami pupunta, ang isa sabi mag cicine para double date daw, yung isa naman gusto pumunta sa may mga rides date din naman daw tawag don, kaming dalawa ni kloe ay nakikinig lang, hinahayaan lang namin silang mag decide.

"saan mo gusto pumunta lavi?" hinawaka  ni kloe ang kamay ko at pinalapit ako sa kanya.

nahihiya pa ako, baka kase mamaya makita nung dalawa baka kulitin nanaman kami.

"k-kahit saan hehehe" bakit kase ang lapit nya gagi, pwede namang lumayo ng unti

"hmm how bout sa gaming center dito sa mall hmm?" bulong nya.

"tara nalang nga sa gaming center!!, hirap mong intindihin amy hmp!" napa tingin kaming dalawa kay meghan nung sumigaw ito, natawa nalang kami ni kloe sa inaasal nilang dalawa, kumawit naman si amy sa kamay ni meghan at naglakad sila papunta sa gaming center at sumunod naman kami.

masaya kaming naka uwi kanina, si kloe ay nakikinig lang saamin pati si meghan na busy sa kakalaro ng basketball ay hindi naman nakikinig saamin, sa gaming center pa talaga namin napiling mag usap, andaming tanong ni amy sakin T_T akala  mo naman nasa boy abunda kami, na h-hot seat din ako at the same time. hindi ko panaman kase alam ang isasagot ko sakanya dahil hindi panamn kami ni kloe.

tinanong nya din kung kailan ko sasagutin ang babae, pero si kloe ang sumagot non, siguro ay napansin nyang hindi ako mapakali kanina pa, sabi nya she's willing to wait basta ako ang hihintayin nya. kase alam nyang worth it akong hintayin. hindi naman daw sya nag mamadali ayaw nya din akong madaliin, dahil lahat ng bagay ay nadadaan sa proceso, mas matagal na paghihintay mas worth it. at kung ano man daw ang magiging desisyon ko ay yun ang susundin nya.

kinilig naman ako ng kaunti oo kaunti lang -_- mwehehe!, basta kaunti lang bahala kayo jan hmp!




TAMING KIAN'S ATEWhere stories live. Discover now