"Mag break na nga tayo! Nakakasawa ka na!"
I didn't mind kung may ibang tao pang makakarinig sa amin. Totoo namang nagsawa na ako sa kakaselos niya at napagod na rin ako kakaintindi sa kanya. Wala namang punto ang pinagseselosan niya.
"May ibang lalaki ba? Sino yan? Sabihin mo sakin!"
Palagi nalang ba ganito?
"Kaya ba nagsawa ka na sa akin dahil may nakita ka nang mas lamang? Walang makakalamang sa akin Arsyn!" Kapal namang ng pagmumukha niya.
I scoffed and started to walk away. Basta't nasabi ko na ang gusto kong sabihin okay na 'ko.
"You can never find someone better than me! Tandaan mo yan!"
Hindi ko na siya pinakinggan at dumiretso na sa cafeteria kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko. As usual, pagkapasok ko palang ay rinig ko na ang boses ni Ari.
"Lucas naman eh! Parang tanga!"
May mga nagkalat pa na pagkain sa mesa.
"Dugyot niyo naman." Sabay pa silang tatlong napalingon sa akin.
Umupo na ako sa tabi ni Q at pinagmasdan ang patuloy na pag-aaway ni Lucas at Ari.
"Kanina pa yan?" Tumango si Q. Wala si Polly ah?
"Nasa boylet niya." At pumasok nga si Polly kasama ang bago nitong boyfriend.
"Hi Ardi!" Masiglang bati ni Q. Sa lahat ng naging boyfriend ni Polly, kay Ardi lang ako komportable at panatag.
Umupo na sila at kumain nalang kami. Patuloy pa rin ang bangayan ni Lucas at Ari. Baka sila pa ang magkatuluyan dahil diyan.
Tama nga ako at kinabukasan ay nag-aangas at pinapamukha ni Jan na parang wala lang ang breakup namin. Hindi naman ako apektado kaya bakit ako magre-react. He was extremely loud and to be honest, annoying today.
"Diba boyfriend mo yan?"
"Ex." Pagtatama ko kay Lucas.
"Buti naman natauhan ka, bakit mo pa kasi binoyfriend yan e mukha namang ipis."
Nabuga ko ang iniinom na juice dahil sa sinabi ni Lucas. Si Q ang lakas pang tumawa.
"Pangit mo ka bonding Lucas. Akala ko ba friends kayo?"
"Hindi ah! Ang guwapo ko kaya para kumaibigan ng gago."
Buti nalang hindi rinig sa banda nina Jan at baka magkagulo pa. Siraulo din kasi 'to si Lucas at hindi pa napipigilang pumutak ang bibig.
Nang mag ring ang bell ay kanya-kanya na kaming bumalik sa rooms namin. Si Polly at Q ang kaklase ko kaya sabay na kami tatlo.
"Are you okay?"
Napalingon tuloy ako kay Q. Nananantya ang tingin niya sa akin. Tumango ako, "Oo. Hindi naman siya kawalan."
Ang bilis nga ng panahon at hindi ko na namalayan na foundation day na pala bukas. Tatlong araw rin kasi yun at bukas lahat ng building para sa lahat. Kahit kami makakapasok sa college building.
"Diet ako."
Pagtanggi ni Polly ng inaya ni Lucas ng french fries na kinakain. Wala namang klase buong maghapon dahil busy ang lahat sa paghahanda sa ganap bukas.
"Mukha namang hindi." Nabilaukan si Lucas ng bigla itong sinakal ni Polly.
"Ikaw! Manahimik ka nga!"
Dumating na rin si Ari at pinagtulungan nila si Lucas. Pagkabitaw tuloy, namumula na ang mukha.
"Papatayin niyo ata ako!" Reklamo ni Lucas.
BINABASA MO ANG
Stars In The Night Sky
RomansaWhen the night came, the sky burst its own bubbles. The stars. Na kay hirap abutin at mas magandang tingnan lang sa malayo. That's what Arsyn Karie Fuentebella thought, hanggang sa naging abot kamay na niya ang bituin.