''Okay next''
''Miss ikaw na daw''
''Ahmm G-Good morning everyone, I'm Dale Gonzales, 18 yrs old!'' introduction ko for our first day of class, sobrang kabado ko.
''Say something about yourself ms. gonzales.'' sabi ng prof namin
''uhm *thinking* i like to draw po and 난 너를 좋아해 (i like you)" nagulat ako nung sinabi ko yun, sorry sabog lang.
"What? Nako ha mahilig ka siguro manood ng k-drama'' sabi ng prof namin at nagtawanan ang lahat.
"Okay let's move on and let's start our class"
Umupo na ko ng hiyang hiya. Bigla ako kinausap ng katabi ko, ''Anong kdrama yun te?" sabay tawanan sila ng mga kaibigan nya. Kaya lumipat nalang ako ng upuan dun sa pinakalikod
*Lunch Time*May tumabi sa akin na babae sa canteen kala ko pa naman makikipagkaibigan. "난 너를 좋아해" ginagaya ako ng paasar. Kaya lumipat nalang ako ulit ng upuan at tahimik na kumain. Pagkatapos bumalik na sa room at nagsimula na ang klase. At nag-uwian na.
''Ma, andito na po ko" sambit ko na may pagkadisappointed sa mukha ko.
''Oh kamusta ang First day of school?"
"Wala, Okay lang po'' pagsisinungaling ko sa kanya, di kasi ako open kay mama sa mga nangyayari sa aken.
Pumunta na 'ko sa kwarto ng Tita ko at dun ko na kinuwento ang lahat ng pangyayari. Mas close pa kasi ako sa Tita ko kaysa sa mama ko at sya lang pinagkakatiwalaan ko.
When i don't have nothing to do, i always imagining things that doesn't true. Hindi rin naman ako pinapayagang lumabas kasi strict parents ko that's why nag-iimagine nalang ako. Nauubusan na nga ako ng maiimagine eh.
*The Next Day*
Papunta na ako ng school, naglakad nalang ako dahil malapit na rin naman dun sa binabaan ko yung school namin tapos may kumausap sakin."Hi kamusta k-drama girl?'' sabi nung babaeng nang-asar sakin kahapon.
Hays di talaga ako tatantanan ng babaeng to ha. "Hello okay lang naman'' paplastik kong sinabi.
"I'm Valerie nga pala, Nice to meet you Dale" nakangiti nyang sinabi.
''Nice to meet you din po'' ngumiti din ako pabalik. Mabait din naman pala sya. Magkasabay na kaming pumunta sa room.
"Dale dito kana umupo! Guys si Dale nga pala'' sambit nya sa mga kaibigan nya
''Ah oo si k-drama girl'' ''Oo nga dito kana umupo'' sabi ng dalawa nyang kaibigan na para bang pinagtitripan ako pero sige bahala na si batman."Ah sige'' mahinhin kong pagkasabi. Tahimik akong umupo sa tabi ni Valerie. At parang nagbubulongan sila. Never mind.
''Tara Dale sabay-sabay na tayong maglunch, libre ko'' sabi ni Valerie at parang nagtatawanan yung dalawa nyang kaibigan.
Kaya kumuha na ako ng mga pagkain na medyo madami kasi nga libre diba, nauna na sila kumuha ako yung huli at nagbayad na si valerie pagkatapos umupo na sila sa table. Didiretso na dapat ako sa table namin nang sinabi ng babae na di pa daw ako nagbabayad sabi ko naman ''Ah nagbayad na po sila kasama po ako, libre nya po kase''. ''Anong libre, eh sakto lang yung bayad nila para sa tatlo'' sabi ng babae.
''Ha? Sabi po kasi nila ililibre po ako'' pagtataka kong sinabi.
''Wala magbayad kana dyan, ang dami mo pa namang kinuha''
Kaya yun binayaran ko nalang, andami ko pa namang kinuha. Kaya pala nagtatawanan yung mga kasama nya kanina nakakainis napahiya pa ko. Kaya sa ibang table nalang ako umupo.
''Oy Dale saan ka pupunta?" tanong ni Valerie
''Di mo pala binayaran yun akin? Kala ko ba libre?'' matapang kong tinanong.
''Hala omg hindi pala nasama yung sayo? Sorry ha'' pagkunyari nyang sinabi, sabay tawanan sila ng mga kaibigan nya.
Kala ko pa naman magkakaroon nako ng kaibigan, di pa rin pala. Nakakainis talaga. Bumalik na ako ng room at lumipat ako ng upuan. At may nakatabi akong lalake at tinanong nya ako.
''Okay ka lang ba?''
''Ha? Ah oo naman, bakit?" pagtataka ko kasi bakit nya ako tinanong kung okay lang ako.
"Ah nakita ko kasi kanina pinagtitripan ka nila'' paconcern nyang sinabi.
''Salamat ha, pero oo okay lang naman ako.'' sagot ko sa kanya.
''Dale? Bakit ka lumipat ng upuan? tanong ni Valerie.
''Uhm kas--''
''Ay type mo ba yan? HAHA Dapat kanina mo pa sinabi na sa pogi mo pala gusto tumabi'' malakas nyang sinabi na para bang gumagawa sya ng issue.
''Ah hindi naman, wala na kasing ibang bakante''
''Eh bakit ka nga lumipat? Ah dahil ba hindi ka namin nilibre kanina? Ay siguro sumama ka nalang samin para malibre ka noh?" pagsisinungaling nyang sinabi.
''Ha? Hindi-''
''Okay class-''
Biglang dumating si prof kaya di na ako nakapag-explain.
''Hayaan mo nalang sila'' sabi nung lalaking katabi ko.
*sigh*
TO BE CONTINUED....
BINABASA MO ANG
Unexpected to be with you
FantasiAn introvert girl named Dale, she always bullied because of being introvert and weird. And then one day she find her dream life in other world, that world is really opposite in the world she have. She got friends and she can freely do what she want...