kabanata 8

3 0 0
                                    

KABANATA 8

Trina: so! Sino mas magugulat sating dalawa? Nka top less ka pa? , dito na ba ang trabaho mo ngayon? Ano ka on-call call boy? Bagay pala sayo talaga murahin, isa kang Puta.
Rome: sandali lang trina huh, wag kang mag eeskandalo, nakakahiya.(natatarantang sagot nito)
Trina: at talagang mas inuna mo yang kahihiyan na yan huh, meron ka pala nyan.

At binayaran na ng kaibigan nyang si Alexandra ang  Grab driver ,pagka abot ng  bayad sa driver umalis na ito at nagsabi ng ,

Grab Driver: sige boss ingat po . (sabay iling, “shet! Pano nila nagawa yun? Isa pala akong dakilang accomplice”, iba talaga ang kwento sa tunay na buhay mas exciting”, sa isip nito)

Agad  namang nagtago si Arlene sa kanyang kwarto, kinakabahan nanginginig ang laman nito, takot na takot, na baka mag eskandalo si Trina. si Rome habang naka hawak sa pintuan inaaral kung ano ang gagawin ni Trina na baka mag pang abot sila ni Arlene, naisip nya na pindutin ang  lock ng pinto ni arlene at bigla nya tong sinara,sabay hila sa braso ni Trina na nakatayo lang sa harap nya, blanko ang mukha nito.

Rome: halika sa bahay natin to pag usapan,
Trina: bitawan mo ko, kasi kapag di mo ko bibitawan yang paso dyan sa likod ni Alexandra ang ibabato ko sayo at pagkatapos mangyayare na ang kinaka takutan mo.

Tumalikod si Trina kay Rome, at inalalayan sya ng kaibigan nyang si ALexandra, magsasalita sana ang kaibigan nyang si Alexandra na ready na ready na sana na sabunutan si Arlene, pero nanahimik na lang sya at sumakay sa sasakyan nila, ipinag drive ni Alexandra si Trina papunta sa condo ni Alexandra.

Habang nasa sasakyan sila, sinabi ni Alexandra kay Trina na  meron syang kuha ng video ng nangyare at medyo boring lang kasi walang naganap na sampalan, sayang naman lahat ng plano nila, na pasikatin ang bruhang malanding higad na yun, hinde pa rin nagsasalita si Trina,

Alexandra: huy bakla! Ano na mute na lang ang peg natin bakla?

Pero di pa rin sumasagot si Trina, bumuntong hininga na lang si Alexandra at sabay himas sa kaibigan habang nag dadrive to.Biglang tumulo ang luha ni Trina pero di pa rin sya kumikibo hininaan lang nya ang aircon ng sasakyan, dahil pakiramdam nya sa sobrang lamig para na syang naninigas at mababasag sa isang maling galaw lang nya, una ng lumubog ang kanyang dila hinde nya alam kung nalunok nya ba or dumikit nalang sa ngala ngala nya, ang daming laman ng isip nya ang daming pictures na lumalabas pero di nya maalala kung ano ang mukha ng mga taong kilala nya, pero si Arlene kahit yung maliit nyang nunal sa ilalim ng baba nya tandang tanda nya, lahat naka blurred maliban sa mukha ni Arlene. Nakatingin sya sa daanan pero wala syang makita kundi yung eksena ng pagbukas ni Arlene sa pinto. (“putang ina! Ang saya saya mo pang hayup ka”) yun lang ang laman ng isip nito.

Samantalang si Rome naman tumawag kay Jack. Sinabi nito ang nangyare.
Jack: pano nya nalaman ?
Rome: di ko talaga alam.
Jack: san ka ngayon papunta?
Rome: uwe muna ako.

Subalit, paguwe nya sa bahay wala ng tao at wala na din ang mga gamit ng mga bata. Napaupo na lang din to sa Sofa at nasabi na eto na ang simula.
Si Arlene naman panay ang tawag kay Jack natatanong ng balita, sinabi ni Jack na walang balita, sinabi ni Arlene na tawagan ni Jack si Arlene,

Jack: (“Arlene sorry huh! Alam kong bobo ka pero wag ako di ako bobo, bigyan natin sila ng time mag-asawa “, yun sana ang gusto nyang sabihin pero ) Arlene wag muna hinatayin natin si Rome.
Arlene: pano kung sumugod dito si trina sa bahay ko, pano kung eskandaluhin nya ako.
Jack: minsan talaga kailangan natin harapin consequences ng ginawa nating pagkakamali. Sige na nasa opisina ako. Mamaya na lang huh! Balitaan kita.

Samantalang, nakauwe na sila Alexandra sa condo nya, sinalubong sya doon ng ate Maria ni Trina at mga bata, dahil dun muna pinapunta ni Trina ang mga bata bago tumuloy sa next step.

Maria: Confirmed? (malungkot na tanong nito kay Alexandra).

Tumango si Alexandra, dumiretso lang si Trina sa mga bata at niyakap ito,

Trixie: Mommy ! sabi ni  tita hintayin ka daw namin dito para malaman kung magbabakasyon tayo sa bahay nyo sa probinsya? Totoo po ba yun ? ipapalinis na daw ni lola yung swimming pool?
Trina: yes! Baby! (sabi nito, sabay pumatak ang luha).
Trixie: why are you crying?
Trina: wala baby may sakit si mommy galing ako sa eye doctor, kapag magsasalita ako merong papatak na luha sa eyes ko , may irritation yung eyes ni mommy nasobrahan sa gadgets, sa radiation kaya laging red eyes ni mommy.
Trixie: ahhhhh! Like what happened sakin before, yung sore eyes?
Trina: yes baby, mas malala pa dun.
Trixie: kasi naman not too much gadgets na kasi,
Trina:Yes mommyy! heheh , labas muna ako behave lang kayo dito huh.

paglabas nya narinig nyang pinapanood ni Alexandra sa ate nya ang nangyare kanina.

Trina:Boring ano? walang eksena, di tayo naging famous.

my husband my loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon