Chapter 03 - Test my fate (May 09, 2015)

4K 195 24
                                    

I was at the gym when I saw her.

Siya 'yun! She was the one sniffing my shirt last night!

Bigla akong naging conscious, I don't know why! Naisip ko kasi na baka manggulo na naman siya. O baka kulitin niya ako to be with her.

Nag-isip agad ako. I was quite notorious in giving women a token once I leave the relationship. Or any connection whatsoever. Hindi ko na alam kung paano nagsimula, pero dati, may ibinigay lang ako sa isang babae na regalo bago kami magbreak, simula noon, I don't know how the story becomes construed, to the point na senyales na pinuputol ko na ang koneksyon ko sa isang tao kapag meron nito.

To make the gossiper's life easier, tinotoo ko na lang.

I looked inside my bag and saw my perfume. Paborito ko ito pero mukhang nagustuhan niya 'yung amoy kaya sige, bigay ko na lang sa kanya.

"Salamat auntie. Sige po, uwi po ako maaga." She said while she's on her phone.

Kumaway ako sa kanya.

Ako ba? She mouthed.

Tumango lang ako. Sino pa ba. 'Di ko alam kung bakit tumingin siya sa likod niya. I almost smiled. I don't know why she radiated a different energy from the girl I picked up from the Moss. Nagkamali ba ako?

I looked at her more carefully and I'm sure she's really the one on my bed.

"Sige po, bye auntie. Bye po."She ended the call. "A-ano?" May lito pa rin sa mga mata niya.

"Oh, ito na." Iniabot ko sa kanya ang Jo Malone. English Pear and Freesia. My favorite scent. "Keep it."

"H-huh?" Pinagmasdan niya ang bote pero hindi pa rin hinahawakan.

And then she started sniffing again.

Oh cool. Siyang-siya nga 'yun. Up until now, I can still hear her giggle.

"Ito na nga kasi. Iyo na." I really wanted her to take the bottle so we can get over it. Siguro naman alam niya ang ibig sabihin kaya ko siya binibigyan nito 'no?

"A-anong gagawin ko diyan?!"

Patuloy pa rin siya sa pag-tanggi.

"Para sa'kin may limitation ang love yourself 'no!" Bigla niyang sinabi after being quiet for a while. Natatawa na talaga ako. May sapi ba itong kausap ko?

"Huh?"

"Wala."

"Ayaw mo ba talaga? I teased. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ayaw niya tanggapin. Hindi pa naman ito masyado bawas ah. If she liked the scent that much for her to giggle at the middle of the night, dapat tanggapin niya na ito.

"Bakit mo nga binibigay 'yan?!"

"Hindi ba gusto mo 'to? Sabi mo gustung-gusto mo 'tong amoy na 'to."

"Oh, eto na." Ako na mismo ang naglagay sa kamay niya dahil nangangalay na ako. "Para hindi na lang t-shirt ko ang aamoy-amoyin mo."

"Ha?!" Aalis na sana ako pero ang taas ng reaksyon niya. Paglingon ko ulit sa kanya, I found her looking so cross and confused na parang wala siyang alam na nangyaring ganun. Talaga ba? Mas lasing pa ba siya sa'kin kagabi?

"Ang sabi ko, if you like how I smell, sana sinabi no na lang. Ibibigay ko naman 'to sa'yo eh. You were creepy last night. Sniffing on my clothes while I was sleeping."

Biglang namula ang mukha niya.

Odd.

If she was so audacious that night, why does she look virginal today?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hunter's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon