CHAPTER 3: HURTFUL TRUTH
Pag-uwi ko sa amin tinig agad nina Mama at Papa na nag-aaway ang narinig ko. Halos lumaki ako nang ganito na sila, palaging nag-aaway sa 'di malamang dahilan.
"Oh, nakauwi na pala ang magaling na prinsesa. Alam mo ba kung anong oras na?"
Sumbat salabong sa akin ni Ate Scarlet.
"Ate pagod po ako. Magpapahinga na po ako."
Paalam ko sa kanya pero agad niyang hinatak ang aking kaliwang kamay.
"Anong pagod?! At bakit amoy alak ka ha? Kalian ka pa natutong uminom? Sabihin mo?!"
Agad na sumbat sa akin ni Ate na nakapukaw ng atensyon ng mga magulang naming nag-aaway
"Oh, andiyan na pala ang magaling mong anak Belle"
Salubong sa akin ni Papa.
"Oo ng Pa, At alam mo bang amoy alak pa 'yang si Rain?"
Sumbong agad ni Ate Scarlet kay Papa.
"Oh, nakita mo na Belle? Mana talaga sa ama niya ang batang 'yan! Natututo na siyang magbulakbol!"
Sumbat din ni Papa kay Mama. Hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin ni Papa. Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa paligid ko.
"Papa...ano pong ibig niyong sabihin? Ba't po ganyan kayo magsalita? Ano po bang sinasabi niyo?"
Nagtatakang tanong ko kay Papa habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Mama.
"Mama? Ano po bang ibig sabihin ni Papa? Ma...sabihin niyo po sa'kin?"
Hindi ako kayang sagutin ni Mama kaya si Ate nalang ang sumagot sa mga tanong ko.
"Hindi pa ba halata Rain? Ha? Hindi ka tunay na anak ni Papa, kasi anak ka ni Mama sa ibang lalaki – sa kabit niya! Bunga ka nang kalandian ni Mama sa ibang lalaki. Kaya hindi na ko magtataka kung malalaman ko na lang isang araw na buntis ka na pala!"
Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari sapagkat nakita ko na lang si Ate na hawak-hawak ang kanan niyang pisngi habang si Mama naman ay nanginginig ang kamay. Biglang nagsalita si Ate Scarlet.
"Sige Ma! Sampalin niyo po ako! Kampihan niyo po 'yang bastarda niyong anak. 'Di ba totoo naman na bunga siya ng kalandian niyo?!"
Sumbat ni Ate kay Mama habang tumutulo ang kanyang mga luha. Samantalang ako 'di ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga nalalaman ko ngayon sa buhay ko/
"Wala kang karapatang sabihin sa'kin 'yan! Dahil 'di mo alam kung anong pinagdaanan ko! Kahit kailan man hindi ko pinagtaksilan ang Papa mo Scarlet! Dahil ginahasa ako at yun ang totoong nangyari maniwala ka man o hindi. Hindi ko 'to nagawang ipagtapat sa inyo ng Papa mo dahil ayaw kong pandirihan niyo ako. Nahihiya ako sa sarili ko dahil ayaw kong layuan niyo ako, ayaw kong iwanan niyo ako."
Salaysay ni Mama habang dinuduro si Ate. 'Di ko alam na ganoon pala ang pinagdaanan ni Mama. Na bung apala ako ng panggagahasa sa kanya noon. Kaya pala 'di man lang ako kayang tingnan ni Papa.
Kaya pala kahit anong gawin kong pagsisikap 'di nila magawang ma-appreciate nina Ate Scarlet at Papa. Kasi 'di nila ako tanggap, 'di nila ako kadugo. Na pabigat at outsider lang ako sa magandang pamilya nila.
"Papa, kaya po ba 'di niyo man lang ako kayang tingnan? Kaya po ba simula pa lang noon ay malayo na ang loob niyo sa akin ni Ate? Kasi 'di niyo ko tanggap?"
Tanong ko sa kanila na agad namang tinugon ni Ate.
"Oo! Kaya mas Mabuti pang mawala ka na! rot in hell Rain! At 'wag ka nang bumalik pa!"
Yan ang napakasakit na salitang binitawan ni Ate Scarlet sa akin. Damang-dama ko ang galit sa mga bawat binitawan niyang salita.
"Ano ba Scarlet! Tama na yan! Tumigil ka na!"
Napatingin ako sa taong nagsabi no'n. First time niya akong ipinagtanggol. At sa mga oras na iyon ay parang nagkaroon ako ng konting pag-asa na matanggap niya, na kahit papaano parte pa rin ako ng pamilya nila.
"Pati ba naman kayo Papa? Kay Rain ka rin ba kakampi? Iiwan niyo na lang ako sa ere nang basta basta?"
Pagsumbat ni Ate kay Papa.
"Hindi sa gano'n anak, pero..."
Pinutol ni Ate ang dapat na sasabihin pa ni Papa sa kanya at sa halip ay magkasunod niya kaming tiningnan lahat bago bumalik ang kanyang mga tingin kay Papa at bigla niya itong sinigawan.
"Tama na Pa! magsama kayong tatlo! Hindi ko na kayo kailangan, kaya kong mabuhay nang wala kayo!"
Saad ni Ate saka tumakbo palabas ng bahay. Tinawag pa siyang muli ni Papa ngunit hindi na siya naabutan pa nito. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Sinundan ni Papa si Ate kaya kaming dalawa ni Mama ang naiwan sa sala.
Biglang napaluhod si Mama habang 'di mapigilang mapaluha kaya agad ko namang tinulungan siyang makatayo at maupo sa sofa. Pinatahan ko siya sa kanyang pag-iyak at inihatid ko siya sa kwarto niya.