Chapter 1: PERFECTLY IMPERFECT

3 0 0
                                    

CHAPTER 1: PERFECTLY IMPERFECT


Isang napakalakas na kalabog ng pinto ang naghudyat upang gumising na ako. Agad naming iniluwa ng pinto ang Ate ko.

"Hoy Rain! Gumising ka na diyan! Nakalimutan mo na naming gumising ng maaga. Hindi mo ba alam na magluluto ka pa?!"

Yan ang agad na singhal sa akin ni Ate Scarlet, ang nakakatanda kong kapatid.

"Opo Ate, bababa na po ako pagkatapos kong maligo"

Agad na tugon ko sa kanya. Inirapan niya lang ako bago lumabas ng pinto.

Isang buntong hininga lang ang agad na kumawala sa kin. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong pumunta sa kusina at naghanda ng pagkain.

"Oh anak, ikaw ba ang nagluto ng lahat ng ito?"

Tanong sa akin ni mama na kakababa lang sa kusina para sana magluto ng breakfast. Walang alam si Mama na inuutusan ako ni Ate para gawin ang mga gawaing bahay. Pero okay lang naman sa akin iyon, masaya ako na pagsilbihan ang aking pamilya, lalo na si Mama.

"Opo Ma, tara po kain tayo!

Agad kong pinagserbihan si Mama ng makakain. Di ko namalayan na nakababa na pala si Ate kasama si Papa.

"Ate, Papa, kumain na rin po kayo. Ako po ang nagluto ng lahat ng ito"

"Malamang tss. Kung hindi pa gigisingin di pa kikilos."

Parining patama sa akin ni Ate sabay irap na hindi naman nadinig at nakita ni Mama.

"Ahm...Ate tara! Kain po tayo"

Pag-aalok ko kay Ate na kumain na ngunit inayawan nya ito at sinabing sa school nalang daw siya kakain.

Agad ko namang tiningnan si Papa at aayain din sana siyang kumain pero agad niyang pinutol ang dapat kong sasabihin.

"Hindi na, nagmamadali ako. Kailangan ko nang umalis"

Yan lang ang sinabi sa kin ni Papa ng hindi man lang ito nagtangkang tingnan ako.

"Pa, sabay na po ako sa inyo. Baka ma late pa poako sa school eh"

Saad ni Ate kay Papa na agad naman nitong pinahintulutan.

Nang makaalis na sila Papa ay agad naman akong nilapitan ni Mama at yinakap ng mahigpit.

"Anak, 'wag ka nang umiyak. Busy lang talaga ang Papa mo kaya ganoon siya sa'yo"

Pag-aalo sa akin ni Mama. Ni hindi ko man lang namalayan na unti-unting tumutulo ang mga luha at umiiyak na pala ako.

"Okay lang po ako Ma. Sige po pasok na rin po ako sa school"

Sa paglabas ko palang ng gate ng bahay naming ay nandoon na pala si Lae, ang boyfriend ko. Nakatayo at halatang hinihintay ang paglabas ko.

"Oh beh, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa ba?"

Paunang bati ko sa kanya sabay halik sa pisnge.

"Hindi naman beh, halos kakadating ko lang din. So ano? Tara na?"

Saad niya sabay akbay sa akin at sumakay na kami ng kotse niya papuntang paaralan.

*******

Sa pagpasok ko palang ng room namin ay agad na akong sinalubong ng bestfriend kong si Summer.

"Good morning gurl! Good morning Lae! Wow ha! Ang aga-aga pa linalanggam na ako sa ka-sweetan niyong dalawa. Hahaha~"

Siya si Summer Tan ang bestfriend ko. Ang pinakamagandang babae sa buong Uni. Ang swerte ko talaga at naging matalik ko siyang kaibigan.

"Gurl naman oh! Eh ikaw? Sino nan ga bang nagmamay-ari ng puso mo?"

Pang-aasar ko sa kanya sabay kiliti sa kaniyang tagiliran.

"Naku! Kilalang-kilala mo siya gurl! Haha...at ang sarap niyang hmmm..."

Sagot niya sa akin sabay kagat ng mga labi niya. Agad naman akong napa-isip kung sino ang tinutukoy niya. Parang wala naman akong kilalang nanligaw sa kanya ngayon ah. Sino kaya ang tinutukoy niya?

"Ahm...sino gurl? Wala talaga akong maiisip eh, sirit na"

Pagtatapat ko sa kanya.

"'Wag na gurl. Find it out by yourself nalang, baka mabigla ka pa eh."

Di ko alam, pero parang may bahid ng pang-aasar ang pagkakasabi niya noon sa akin o sadyang praning lang ako.

"Sige gurl, 'wag ka ng mag-isip pa. upon a tayo, tam ana yan at mukha ka ng siraulo eh"

Umupo na kami at nakinig hanggang matapos ang klase. Agad akong nagtaka nang 'di man lang ako hinintay ni Lae. Kahit na isang text man lang mula sa kanya ay wala akong natanggap. Ano kayang nangyari sa kanya at bigla nalang siyang nagmamadaling lumabas kanina, ni hindi man lang nagpaalam sa akin kung saan siya pupunta.

Hindi naman siya dating ganito ah, bakit kaya?

Tinawagan ko siya ngunit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko halos nakailang miscall na rin ako sa kanya pero wala talaga. Tinext ko na rin siya pero kahit isang reply ay 'di man lang niya nagawa.

Dahil nawalan na rin ako ng pag-asa na ma contact siya. Napagdesisyonan ko na lang na puntahan na lang siya sa condo niya.        




*******

A/N: Ciao! This is Nox~ please care to leave a comment or any suggestions to improve this chapter and story. This is just a one shot story with 5 chapter so I hope I can give you that satisfaction with this story. That's all, See ya~

Forlorn Fairytaleحيث تعيش القصص. اكتشف الآن