CHAPTER 5: MEMOIR

1 0 0
                                    


CHAPTER 5: MEMOIR

After 4 years


Nalampasan ni Scarlet ang kamatayan at nagtagumpay ang isinagawang heart transplant sa kanya. Nagshift ito mula sa kursong Business Management at nagdesisyong mag-aral ng Medicine at magdoktor, dahil sa nangyari sa kapatid ay nangako itong ililigtas ang mga buhay ng mga taong nangangailangan ng tulong.

Samantalang ang kanyang Ama na si Edward Ho ay nagsikap upang ibigay ang lahat sa kanyang pamilya at sa pagkakataong ito ay 'di na niya nakakalimutang maglaan ng oras para sa kanyang pamilya.

Ang asawa naman niya nitong si Belle ay naging mas malapit sa nak nitong si Scarlet. Lalo na sa bunso nilang anak na si Cloud na ngayo'y 2 taong gulang na.

Ang bestfriend naman nitong si Summer at ang ex-boyfriend nitong si Lae ay 4 na taon ng nagsasama at nakabuo na rin ng sarili nilang pamilya kasama ang anak nilang si Rainer na ipinangalan kay Rain at Summer na ngayo'y 3 taong gulang naman.

Marami na ang nagbago simula ng mawala si Rain, unti-unting nagka-ayos ang mga magulang nito at ngayon ay pinipilit na makabangon ulit at mapanatiling masaya ang kanilang pamilya.

Pero ano na nga bang nagyari kay Rain matapos ang pag-uusap nila ng doctor sa ospital?

*******

Sa sementeryo ay naroon si Lae at hawak-hawak sa kanyang kamay ang isang kapirasong papel kung saan naroon ang huling sulat ni Rain para sa mga taong mahal niya na ibinigay ng doctor pagkatapos ng operasyon ng Ate niya.

Nasa tapat na siya ng puntod ni Rainkung saan ito nakahimlay, hindi nito maiwasang 'di mapaluha. Binasa niya ulit ang sulat na nakapaloob sa papel na hawak niya at napatulo ang kanyang mga luha na kanina pa nagbabadyang pumatak kahit na ano pang pigil nito.



To My Beloved Ones,

Mama, huwag niyo pong pababayaan ang sarili niyo. Lagi niyo pong aalagaan ang sarili niyo pati na po sina Ate Scarlet at Papa. Ipagluto niyo po sila palagi ng paborito nilang adobong manok. Huwag niyo rin pong kalilimutang paalalahanan si Papa na inumin ang maintenance niya at 'wag na po siyang magpupuyat at kakain na po siya ng tama sa oras. Mag-iingat po kayo lagi Mama. Tandan niyo po palagi na mahal na mahal ko po kayo. I love you ma! You're the best Mom for me in the entire universe!

Papa, Salamat po na kahit na sa huling pagkakataon ng buhay ko ay naramdaman ko manlang na mahal niyo ako. Yun na po ang pinaka memorable na nagyari sa talang buhay ko. Huwag niyo pong pababayaan sila Mama. Sana po bigyan niyo na sila ng oras. Huwag na po kayonng masyadong magpupuyat pagkat nakakasama po 'yan sa kalusugan niyo. Salamat po Papa... mahal na mahal ko po kayo.

Ate Scarlet, ate alam ko pong kahit pinapakita niyo pong ayaw niyo sa akin ay pinipilit niyo paring magpaka'Ate sa akin. Alam ko pong pinapagalitan niyo lang po ako kasi ayaw niyo akong mapalayo ng landas. Salamat po at naging Ate ko kayo. Ate alam ko pong pangarap niyo ang maging doktor at hindi ang pag bi'business kaya sana po gawin niyo kung ano ang talagang gusto niyo. I love you Ate Scar! Alam mo kung gaano kita ka mahal.

Gurl, Summer... alam kong matindi ang galit mo sa akin dahil sa pag-aakalang inagaw ko ang lahat sa'yo. Pero sana gurl mapatawad moa ko kung totoo man ang lahat ng iyon. Gurl alagaan mo nang mabuti si Lae at mahalin mo siya ng buong puso. Sana maabutan ko pa ang magiging anak niyong dalawa. Sana kayo ang makapagpapatunay na totoong may FOREVER! Salamat at nakilala kita at naging magbestfriend tayo. Kahit na anong mangyari ikaw pa rin ang pinakamamahal kong bestfriend na si summer na nagpapaliwanag sa mundo ko sa mga oras na nawawalan na ako ng pag-asa. I love you gurl!

Lae, pinapatawad n akita at pinapalaya na rin kita. Sana mahalin mo nang tapat si Summer. Salamat at nakilala kita at naging parti ka ng buhay ko.salamat na kahit na bilang kaibigan lang talaga ang tinuring mo sa akin ay nandiyan ka pa rin at inalagaan moa ko at minahal sa paraang alam mo. nirespeto moa ko at ipinagtatanggol sa mga nanghuhusga sa akin. Minahal mo ako sa abo't nang makakaya mo, hindi moa ko iniwan ng mga oras na kinailangan kita. Nandiyan ka palagi upng bigyan ako ng lakas, at kahit na nagbreak na tayo ay lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at 'di yun magbabago kahit na kalian. I love you Lae! Mag-iingat ka palagi.

At sa mga taong mahal ko, paalam na sa inyo. Iingsatan niyo palagi ang inyong mga sarili. Sana ay sa bawat oras na makalipas ay palagi kayong masaya. Mawala man ako dito sa mundo ay nandito pa rin ako para bantayan kayo. Mahal na mahal ko kayo!

Your Guardian Angel,

Rain Carly Ho <3



Iyon ang mga salitang mababasa sa kapirasong papel kung saan nakasaad ang liham na habilin ni Rain para sa mga taong mahal niya.

Hindi n ani Lae napigilan pa ang mga luhang walang haumpay na bumabagsak sa kanyang mga mata.

"Mahal din kita Rain! Salamat!"

Forlorn FairytaleWhere stories live. Discover now