False Suspect

131 9 5
                                    

Gabi na nung umuwi si Hunter sa bahay nila. Agad siyang pumunta sa kwarto niya at nilabas ang voice recorder. Buong tapang niyang pinlay ang last recorded voice nito.

"Wooh! Hahaha! Nandito kami at nagtatago.."

Napakunot ng noo si Hunter. Matagal na ang recording na ito at kasama pa siya nung nirerecord ito. Bumilis ang takbo ng kanyang puso.

"Hindi! Hindi ito maaari!" Bulong ni Hunter sa kanyang sarili.

Paulit-ulit na nag-play ang voice recorder kahit ito'y pinatay na niya. Kaagad niya itong kinuha at pumunta siya sa banyo ng kwarto niya at agad na sinira ang recorder at itinapon sa labas.

"Pinatay ko si Jayden..Mamamatay tao ako!"

Tumulo ang mga luha ni Hunter habang pinagmamasdan niya ang sarili sa salamin. Sa sobrang galit niya sa kanyang sarili ay sinuntok niya ang salamin hanggang sa mabasag ito. Napahingal siya habang pinagmamasdan ang kamao niyang puno ng dugo at bubog.

"Mamamatay tao ako..Pinatay ko si Jayden.."

Sinabunutan niya ang sarili at sinapak. Hinubad niya ang kanyang damit at nag-shower.

Narinig ng kanyang ina ang pagkabasag ng salamin sa itaas ng kwarto ni Hunter.

"Anak? Ano 'yan? Mag-ingat ka naman. Baka masugatan ka-Ay susmaryosep!" Sabi ng ina ni Hunter.

Nagulat ang kanyang ina nang makita niya ang anak sa may hagdan. Nakayuko ito at basang-basa ang katawan.

"Nandyan ka pala! Magsalita ka naman. 'Wag mo akong gulatin ng ganyan. Teka? Ba't basang-basa ka? Magbihis ka nga do'n sa taas."

Hindi umimik si Hunter at tila nakatingin lang sa sahig habang tumutulo ang tubig na galing sa basang buhok niya.

In The Eyes Of A Killer ( On Hold, Editting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon