Human Trash

393 20 0
                                    

Pagkatapos ng klase ay agad na lumabas si Jamille sa room...Dumaan siya sa isang tahimik na hallway ng biglang lumabas ang 3 demonyitang sina Sophia,Kelly at Allison sa isang room at hinarangan ang daan niya...Naka-cross arms silang 3 at naka-smirk....

"Uuwi kanaba?" sabi ni Kelly

Tumango si Jamille....

"Hmm...Ang aga naman..Let's have fun first!" sabi ni Kelly

Nagtataka na si Jamille...Napahigpit ang yakap ni Jamille sa mga librong dala niya...Ng biglang may napansin siyang mga anino sa likod niya...Dahan-dahan siyang lumingon at bumungad sakanya ang 3 mga lalake na nakangisi...

Puno ng takot at kaba si Jamille...Gusto niyang tumakbo at tumakas pero tila napako ang kanyang mga paa at hindi makagalaw...Nangangatog siya sa nerbyos..

"Get her!" sabi ni Sophia

Agad namang binuhat nina Jayden at Jett si Jamille at tinakpan ang bibig...Kahit anong pagpupumiglas ni Jamille ay hindi siya makawala sa mga matitikas na mga bisig ng mga lalaking bumubuhat sakanya....

Dinala siya ng mga ito sa likod ng eskwelahan kung saan nakalagay ang mga malalaking garbage containers...Pinasok nila si Jamille doon at sumabog sila sa kakatawa...

"Hahaha! You deserve to be in there! Human trash! Bwahaha!" sabi ni Sophia

"Ahw...Home sweet home..Hahaha"sabi ni Kelly

"Have fun in there! Hahaha" sabi ni Allison

Kinuha nila ang mga gamit ni Jamille at tinapon sa kabilang garbage container...Iniwan nila si Jamille na nasa loob parin ng basurahan...

Biglang bumuhos ang mga luha ni Jamille...Hindi niya inakalang impyerno rin pala ang mararanasan niya dito....

Basura..

Yan ang tingin nila kay Jamille.....Pero...hindi na ito bago kay Jamille na ituring na basura dahil maski sa bahay nila ay ganun din ang turing kay Jamille....Ang Tita Ada niya nalang ang kasama niya sa bahay nila kase ang mga magulang niya ay namatay sa isang sunog na siya rin ang dahilan....Pakiramdam niya nga ay ang malas niya....Hatid niya ay malas....Si Jamille ay nakakapag-aral dahil sa isang scholarship at isa rin siyang working student....Isa siyang taga-luto sa isang burger junction...Tuwing umaga..nag-aaral siya at tuwing gabi naman...nagtratrabaho siya...

Pagod ang naramdaman ni Jamille....Gusto na niyang sumuko....Bakit ba ganito nalang parati ang hatid sakanya ng buhay?.....Napapikit nalang siya....

"Jamille?"

Minulat niya ang mata niya ng dahan-dahan at tumingala....

"Anong ginagawa mo dyan Jamille?"

Nakita niya si Darth na tila takang-taka kung bakit siya naroroon....

"I-iwan mo na ako"

"Hindi pwede"

Inabot ni Darth ang kamay niya kay Jamille...

Tumingin si Jamille kay Darth at nakita niya sa mga mata nito ang pagka-bukal sa loob na tulungan siya....

Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay ni Darth at tumayo siya at lumabas sa mabahong basurahan....

"Here"

Sabay abot sa mga gamit ni Jamille na ang dumi at basa...

Kinuha niya ito at pinagpag....

"Sina Sophia ba ang may gawa nito?" sabi ni Darth

Tumango si Jamille...

"Diba? Sabi ko sayo...kung kailangan mo ng tulong..lapitan mo lang ako..Wag kang mag-alala..pagsasabihan ko sina Soph-"

"Wag!............Wag"

"Bakit?"

"Hayaan mo na ako.."

Lumakad si Jamille pero napansin niyang sumakit ang paa niya....Pagtingin niya....Natusok pala ito ng bubog...

Nakita ni Darth ang tumutulong dugo sa paa ni Jamille kaya agad niya itong nilapitan at binuhat....

"Saan mo ako dadalhin?" sabi ni Jamille

"Sa clinic...gagamutin ko yang sugat mo"

Pagkadating sa clinic ay ginamot ni Darth ang sugat ni Jamille....

"Alam mo? Pangarap kong maging doktor!" sabi ni Darth

Ngumiti si Darth at tiningnan si Jamille na nakahiga sa clinic bed at tila gustong umiyak...

"Jamille...its okay to cry when you cant take the pain...Remember....even the clouds cry when they cant carry the rain" sabi ni Darth

Tumingin si Jamille kay Darth at unti-unti.....Bumuhos ang mga luha na galing sa mga mata ni Jamille na dati pa ay gusto ng lumabas...

"Sige..iiyak mo lang yan.."

Bumuhos ng bumuhos ang mga luha ni Jamille...Pakiramdam ni Jamille ay nabawasan ng kahit papaano ang mga problemang dinadala ni niya...Basang-basa na ng mga luha ang unan...

Ngumiti si Darth at lumapit kay Jamille....Pinaupo niya ito sa clinic bed....

"Alam mo..minsan..dahil sa sobrang sakit na naranasan ko....umiyak ako ng sobra sa kwarto ko..grabe ang pagtulo ng mga luha ko...parang walang hangganan...basang-basa nanga yung unan ko....nagsalita ang unan ko...sabi niya...umiiyak ka na naman...basang basa na naman ako...pero okay lang yan....mapabuti lang ang pakiramdam mo...tapos nun, alam mo ba anong ginawa ko?"

Nagtaka si Jamille at curious na curious....

"Ano?"sabi ni Jamille

"Syempre tumakbo..kaw ba naman makakita ng unan na nagsasalita...kakatakot kaya yun!" 

Napatawa si Jamille...Ngumiti naman si Darth....

"Alam mo..friends comfort you when you cry...but true friends will do everything to see you smile"

Ngumiti si Jamille... 

"Salamat Darth ah? Kahit papaano...nawala ang mga problema sa buhay ko"

"No problem...just call me...and I'll be right by your side...anytime..anywhere.."

"Salamat talaga...Sige aalis na ako...may trabaho ba kase ako"

"Ah..sige..mag-ingat ka"

Umalis nanga si Jamille...At dumiretso sa trabaho niya... 

TSK.TSK.KAWAWA TALAGA SI JAMILLE...KUNG KAYO SI DARTH AT NALAMAN NIYO NA GINANON ANG KAIBIGAN NIYO,ANONG GAGAWIN NIYO?....PLEASE VOTE AND COMMENT :D

In The Eyes Of A Killer ( On Hold, Editting)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon