Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter 2: Ang Liham

6.4K 328 238
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

"B-BUT I'm not . . ." naguguluhang sagot ni Katherine at humigpit ang hawak sa maliit na maleta. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng kaniyang puso.

"Not? But this is my address, Miss," sagot ni Crisostomo at ibinalik ang ID niya sa pitaka.

"But . . . but . . ." Napakagat ng labi si Katherine at napahawak sa noo. "If you live here, do you know Pia Cantos?"

Nangunot ang noo ng binata bago sumagot, "Who is Pia?"

Napalunok si Katherine at ramdam ang panlalamig ng buong katawan. "M-my mother," hirap niyang sagot. "She lives in that address."

Nagsalubong ang kilay ni Crisostomo at napailing. "No, I don't know her. My family lives there."

"There must be a mistake . . . It's the address in the letter she left me."

"What letter?"

Binaba ni Katherine ang bag at kinuha ang isang notebook.

Binuklat niya ang notebook at kinuha ang isang liham na medyo nangungupas na ang kulay.

"This letter," aniya sabay abot sa binata ng liham. Lumapit si Crisostomo at tinanggap ang liham.

"Is it okay for me to read it?"

Tumango si Katherine sa kaniya. "Yeah, go ahead." Maingat niyang kinuha ang sulat mula sa loob at binuklat. Namangha pa siya sa magandang pagkakasulat ng liham.

***

Anak ko,

Kung darating man ang araw na hahanapin mo ako, gusto kong ipaalam sa 'yo na hindi ko ginustong ipaampon ka. Pero kailangan. Hindi kasi kita kayang buhaying mag-isa dahil bata pa lang ako at maraming pangarap sa buhay. Hindi rin ako pinanindigan ng tatay mo . . . pero huwag mong iisipin na hindi kita minahal. Kung kaya ko lang mag-isa, hindi kita ibibigay sa iba at baka magkasama tayo hanggang sa kasalukuyan.

Pero . . .

Alam ko lamang na mas maaalagaan ka ng pamilyang kumupkop sa 'yo. Alam kong hindi ka nila pababayaan at kaya nilang ibigay ang lahat ng hilingin mo.

Patawad kung hindi kita naalagaan nang maayos pero naniniwala akong mas mapabubuti ang lagay mo sa pamilyang pangarap na magkaanak kaysa sa isang kagaya ko na maagang nabuntis.

Kung dumating man ang araw na hanapin mo ako sa Pilipinas, maghihintay ako sa xx Mangoville Subdivision, Manghinao Proper, Bauan, Batangas. Pangako.

Pero kung hindi man dumating ang araw na 'yon, ang tanging panalangin ko ay maging masaya ka . . . na maging kompleto ka . . . na maging successful ka, hindi gaya ko. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita, anak.

Bittersweet Kiss in Batangas | Self-PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon