***
Bukang Liwayway Foundation Inc.
Martes, Oktubre 2, 2001Maalinsangan ang panahon at ilang mga bata ang walang humpay na tumatakbo sa malawak na hardin ng bahay ampunan. Halo-halong saya at iritan ang maririnig sa paligid. Maging sa pribadong opisina ay maririnig ang mumunting tilian ng mga naglalaro ng taguan at tumbang preso. Hindi rin nakatakas ang tunog ng mga dumaraan na mga dyip at traysikel, kasama na ang paghuni ng mga ibon sa 'di kalayuan.
At mula sa loob ng isang opisina na damang-dama ang lamig mula sa aircon ay tahimik na nakamasid si Tayla sa labas. May ngiti sa kaniyang maamong mukha habang nakatanaw sa mga bata.
Kahit na nasa ampunan ang mga bata, nakapagsasaya pa rin sila nang magkakasama lalo na sa mga panahon ng pangungulila at kalungkutan.
Naupo si Tayla nang maayos at marahang hinaplos ang kaniyang dilaw na bestida na may mga tupi-tupi sa laylayan. Bumalik ang tingin niya sa mga bata sa labas at muling binalot ng kaba ang dibdib.
Naramdaman ni Tayla ang kamay ng kabiyak na hinawakan ang kaniyang kamay na nakapatong sa kaniyang sariling hita. Nakaupo sa kaniyang tabi si Graham at paglingon niya sa asawa ay nakangiti rin ito sa kaniyang direksiyon.
"Graham," malambing niyang tawag sa mister.
"Are you excited, Tay?" malambing na sagot ng banyagang lalaki.
Tumango-tango ang Australiana sa kaniyang asawa at pinisil ang kamay nito. Napakagat pa siya sa ibabang labi bago sumagot, "Yes, Graham. I'm ecstatic. I feel restless!"
Hindi na nawala ang abot-tainga na ngiti ni Graham. Halos maningkit ang kaniyang mga mata dahil na rin sa kaparehong kasabikang nararamdaman gaya ni Tayla. Pareho nilang hinintay ang araw na iyon.
"It won't be long now, darl. It won't be long."
"Yes, you're right," nakangiting usal ng ginang.
Huminga nang malalim si Tayla at muling nilingon ang mga bata sa labas. Halos mapatalon siya nang makita ang isang batang babae na nadapa at agad na tinulungan ng ibang kalaro nito. Umiiyak ang bata, at kahit mahina ay naririnig sa opisinang kinaroroonan nila.
Ilang saglit pa ay nagmamadaling lumapit ang isa sa tagapangalaga ng ampunan sa bata. Inalalayan niya ang batang babae na makatayo, pinagpagan ang damit, at saka sinuri kung may sugat o galos. Gaya ng tagapangalaga, nakahinga rin nang maluwag si Tayla nang makitang maayos lamang ang bata. The kid was already flashing a toothy grin at everyone.
'Kids can be very clumsy,' natatawa niyang isip habang pinagmamasdan pa rin ang mga musmos sa hardin. May ilang lumapit sa kumpulan bago muling nagpatuloy ang paglalaro nila. Aakalaing walang nangyari doon.
Bumukas ang pinto at muling bumalik ang mga mata ni Tayla sa opisina. Marahan niyang pinisil ang kamay ni Graham na nakatingin na rin sa paparating na opisyal ng ampunan. Tumayo silang dalawa at nasasabik na sa balitang bitbit ng ginang para sa kanila.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Kiss in Batangas | Self-Published
Fiksi UmumAdopted at birth, Katherine's only birthday wish is to know more about her biological mother. But as she starts her quest, Kath finds herself in the middle of a search and a blossoming romance that turns her world upside down. *** Geared for an adve...
Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte