***
"INAY, are ho si Katherine. Ka—"
"Kasintahan mo? Ay, magaling naman at naisipan mong mag-gerlprend na. Akala ko'y tatanda na akong ika'y wala pang nadyo-jowa," walang prenong saad ni Marites sa bunsong anak.
Sinuri ni Katherine ang matandang nakasuot ng bulaklaking daster na magkahalong dilaw at kahel.
"Ang inay ga! Hindi ko ho are girlfriend. Nakita ko ho sa palengke ay galing ibang bansa at hinahanap ang kaniyang nanay."
"O? Ay, bakit ikaw ang kasama? Sa iyo hinahanap? Kinidnap mo naman yata are."
"Ang inay ga naman. Ako ga'y mukhang kidnapper sa guwapo kong are? Saka ang hitsura ga nare ay mukhang na-kidnap? May dala pang maleta at bag?"
"Ay, ano nga?"
"Ayun nga ho, 'Nay. 'Yong address ho na ipinakita niya kasi ay itong bahay natin."
"Dito?" gulat na tanong ni Marites. "Bakit naman dine? Are ga ay taga-saan?"
"Sa ibang bansa."
"Saang bansa? Ika'y masasapok ko," anito at umaktong manghahampas ng abanikong nakuha sa katabing mesa.
"Ay, nakalimutan ko ho itanong."
"'Ta mo areng batang are! Hindi man laang itinanong ay dinala mo pa rito sa bahay. Baka are ay sindikato pala," 'di makapaniwalang anito.
"Ang inay ga naman!" Napakamot na lamang ng ulo si Crisostomo sa mga sinasabi ng kaniyang ina. "Ang hitsura ga nare ay sindikato? Ay, kulang na lang ay umiyak doon sa palengke kanina at maloloko pa sa sakayan."
"Uhm, excuse me."
Magkasabay na lumingon ang mag-ina kay Katherine na nakatitig lamang sa kanila.
"What is it?" tanong ni Marites sa dalaga nang medyo mataas ang tono.
"Are you guys . . . fighting?"
Nagkatinginan ang mag-ina at natawa. "No, we are not payting. This is our normal talk," saad ni Marites.
"Really?" Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ni Katherine. Dahil hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng mag-ina, mukhang nag-aaway ang mga ito dahil sa kanilang tono at mga punto.
"Yes, really. My son said you are looking for your mother?"
Nag-aalinlangang tumango si Katherine kay Marites bago sumagot, "Yes. Do you know Pia Cantos? The address I had said she lived here."
"Pia?" pag-uulit ni Marites at malalim na napaisip. "I don't know anyone named Pia Cantos. Are you sure it's Cantos? Not Santos? Or something different?"
"Well. . . ." Napakuyom ang mga kamao ni Katherine sa tanong ni Marites. All she had was the letter and her mother's name—Pia Cantos—nothing more.
"Cantos ang nakalagay roon sa sulat na ipinakita sa 'kin kanina, Inay. Iniisip ko nga rin kanina kung may malapit dito at baka maling address laang pala ang ibinigay ay hindi naman," dagdag ni Crisostomo.
BINABASA MO ANG
Bittersweet Kiss in Batangas | Self-Published
General FictionAdopted at birth, Katherine's only birthday wish is to know more about her biological mother. But as she starts her quest, Kath finds herself in the middle of a search and a blossoming romance that turns her world upside down. *** Geared for an adve...
Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte