Chapter 8

432 47 1
                                    


(Flash back Year 2010 - The break up)

Jaydee's POV

(otp)

"Mukhang maaga ako matutulog ngayon love antok na ako ih" I said. Kausap ko ngayon si Queen sa phone

[Jaydee wait..]

"Bakit po? may sasabihin ka?"

[Ahmmm ano kase.. alam ko nararamdaman mo na din naman]

"teka haha ano ba yun?"

[Alam ko ramdam mo na lately ang cold ko na sayo] she said. Kinakabahan na ako. Wala pa man pero nasasaktan na ako.

"queen deretsuhin mo na ako, ano bang gusto mong sabihin?"

[Jaydee.. Ayoko na] parang binagsakan ako ng langit sa narinig ko, ang sakit pa din pala. Kahit deep inside alam kong darating din to. Ilang araw ko ng nararamdaman na parang ayaw na niya. Ayoko lang pangunahan kasi baka pagod lang siya sa ginagawa niya kaya cold siya sakin.

[Hindi ko alam dong. Napagod ako. Napagod ako sa puro away natin. Araw-araw minu-minuto. Away dito, selos doon. Wala na tayong napag-kasunduan]

Gusto ko umiyak pero walang luha ang gustong lumabas sa mga mata ko. Ang bigat bigat bigat sa pakiramdam.

"Hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko sakaniya

[Hindi ko din alam. Sa mga araw na palagi tayong nag-aaway, feeling ko nawawala na yung pagmamahal natin sa isa't isa. O baka ako lang..]

"So.. anong gusto mong mangyare?"

[Let's.. break up.. Hindi na tayo nag-grow. Hindi na din natin kayang suportahan ang isa't isa sa mga bagay na gusto natin. Nakakasakal na dong.. sa totoo lang]

Hindi ko matanggap.. na sa loob ng dalawang taon. Ganito na pala ang nararamdaman niya.

"Baka dahil di lang tayo nagkakasama kaya mo naramdaman yan"

[Hindi dong.. matagal ko ng iniisip to. Nanjan pa ako sa manila, iniisip ko na to. Sa tuwing magkasama tayo, hindi na tayo masaya]

After I heard her reasons.. wala na akong magagawa pa. Tinry lang naman namin ulit.. We broke up 6 months ago, nagbalikan kami kasi sinubukan namin ulit iwork-out dahil mahal pa namin ang isa't isa.

"Buo na ba ang desisyon mo? Pag ba.. tinapos natin to magiging masaya ka?" I asked.

[idk. maybe. I wanna.. focus on myself first..]

"Sige.. Frances.. kahit na hindi ko ganon maintindihan kung bakit kailangan natin tapusin yung binuo nating relasyon.. papalayain kita.. hindi dahil sa hindi na kita mahal, pinapalaya na kita kasi alam kong desidido kana"

--

Days have passed since Frances and I broke up. I still miss her everyday. Dati kahit di kami gaano nagkakausap, okay lang kasi alam kong ako pa din ang mahal niya, ako pa din ang girlfriend niya. Kaso iba na ngayon, hindi na ako ang kausap, hindi na ako ang girlfriend.

Palagi ko pa din siyang iniistalk sa socmeds niya. Damn I miss her smile.

After that night, hindi pa talaga namin napaguusapan yung about samin. Parang binigyan muna namin ng time ang isa't isa para pag-isipan mabuti kung bakit namin pinili na maghiwalay nalang. So wala pa talaga kaming closure..

Kung ako lang, umaasa pa din ako.. Mahal ko eh..

--

(2 weeks after the break up)

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now