Chapter 13

499 62 1
                                    

Frances' POV


Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung kanina. Am I overthinking? Pero paano kung tama yung hinala ko? Paano kung sa tagal na namin ni Jaydee, ngayon na siya nagsawa sa ugali ko? baka ngayon na siya maghanap ng iba

Narinig kong may bumusina sa labas. Si Jaydee na yata yun pero bakit pa siya bumusina, lumabas ako at tinignan kung siya nga. Bumungad sakin si Gabb na akay akay si Jaydee. "Napano yan?" tanong ko kay Gabb.

"Nalasing na, masyado ata nag-enjoy kanina. Tungga ng tungga ayan tuloy, tumba" sagot ni gabb

"Nag-inom pala kayo, di siya nagsabi" -Ako

"Ahh hindi ba nagpaalam?" Tanong ni gabb, umiling nalang ako

"Ako na magpapasok sakaniya" -ako

"Ako na, baka dimo kaya" she said then tumango nalang ako at inalalayan sila

Pagkaalis ni Gabb pinuntahan ko agad si Jaydee para mahilamusan at mapalitan ng damit pero nung pupunasan ko na siya, bigla niyang hinawakan kamay ko

"Hindi ako lasing. Ako na" she said then binitawan ko yung towel na hawak ko. Tumayo siya tapos kinuha yung towel niya, pagewang gewang pa siya maglakad kaya sinundan ko siya hanggang sa makarating siya ng cr

Anong meron at nag-inom nanaman sila? Baka mapadalas nanaman yun. Hayy

ilang minuto lang lumabas na si Jaydee sa cr, hinintay ko siya kasi baka ano na mangyare sakaniya dun

"Are you okay?" I asked.

"Anong pake mo kung okay ako o hindi?" she said kaya nagulat ako

"Ano bang problema mo?! Kanina ka pa sa hospital"

"WALA!!" Sigaw niya, "then why are you acting like this?!!!" Naiinis kong tanong

"JAYDEE ARE YOU HIDING SOMETHING FROM ME?!"

"WHY WOULD I?! EH ASAWA KITA. HINDI NGA AKO NAKAKALIMOT EH."

"AH TALAGA? EH BAKIT DI KA NAGSABI NA MAGIINOM KAYO NGAYON?"

"WOW NAGSALITA YUNG NAG-INOM KAGABI TAPOS HINDI NAG-PAALAM AT HINDI KAAGAD NAKAUWI. NAGHINTAY LANG NAMAN YUNG ASAWA NIYA PARA SURPRESAHIN SANA SIYA KASI ANNIVERSARY NILA PERO NABALEWALA YUN KASI NAKALIMUTAN NIYA!" Galit na sigaw ni jaydee. I was shocked. What— anniversary namin kahapon? what.. i did not know.. omg.. what am I thinking.. natahamik ako bigla.. Kaya pala hindi niya ako pinapansin at ganon ang trato niya sakin..

"I was so excited to surprise you because I know that you had a long tiring day.. Akala ko kahit papaano mapapasaya ko yung araw mo." Mahinahon na yung boses niya.. "Kaso nag-enjoy ka na pala, ni hindi ka man lang nagsabi" and now she's crying..

ilang minuto ang lumipas bago ako nagsalita..

"I'm sorry jaydee.. im really sorry.. alam ko wala akong karapatan para  mag-reason but.. i just want to.. explain myself.. Sobrang puno ng schedule ko kahapon love.. alam mo naman yun diba? and then kagabi nag-aya si doc abby.. you know na minsan lang siya magaya ng ganon.. and about not telling you, my phone died so I have to charge it pa.. So while charging hindi na naalala kasi umiinom na kami at nalasing ako.. hindi ko nga alam paano ako nakauwi.."

"ako.. ako sumundo sayo." f— ngayon mas naguilty ako lalo.. lumapit ako sakaniya at niyakap siya

"I'm sorry love.." Hindi ko na mapigilang di umiyak.. Ang bobo ko sa part na yun.. Hindi na nga namin nacelebrate last year tapos pati ngayon.. and it's my fault.

"Sobrang sakit love eh.. kasi after ilang years.. ngayon nalang sana ulit tayo magcecelebrate.. magde'date.." Umiiyak pa din siya.. nagiiyakan lang kaming dalawa.. hanggang sa niyakap na niya ako pabalik..

"pwede naman natin ituloy love.. okay? bukas let's celebrate it" Tumahan na ako sa pag-iyak..

"Are.. are you sure?" tumingin siya sakin, she wiped her tears tapos hindi niya maiwasang mapangiti.. look how rupok she is to me. Kaya napangiti din ako eh

"Oo love. Babawi ako" I smiled at her then gave her a smack on the lips

Humiga nakami pareho sa kama. We are hugging each other lang. Para kaming bumalik sa umpisa.. I feel safe kapag yakap yakap niya ako.. ugh it's been awhile.. Namimiss ko yung ganito kami. Yung walang away.. yung masaya lang..

Kinabukasan nagising ako ng wala si Jaydee sa tabi ko. Tinignan ko yung oras and it's only 6am, maaga ba pasok niya? tatayo na sana ako ng bumukas ang pinto ng kwarto namin, "Ooops my queen! wag kana tumayo. Breakfast in bed for my wife" nakangiting sabi ni jaydee na may dalang tray. Hindi ko matago yung ngiti at kilig ko sa ginawa niya. Sabi ko ako babawi pero tignan mo kung anong ginagawa niya! My heart huhuhuhuhu!T.T

"Bakit ang sweet! Anong meron?" nakangiwi kong sabi. Kinikilig talaga ako, ngayon nalang ulit niya ako ginawan ng ganito

"Bawal ba love?" sumimangot siya kunware, umiling ako

"Edi kung lagi mong ginagawa to, hindi sana tayo nagaaway" -Ako

"Okay, sure" lumapit siya saken tapos nag-back hug siya. Hanggang when kaya to?


--

Maaga pala ang out ko today, si jaydee kaya? Ako nalang mag-aayos ng date namin mamaya sa bahay. Napag-usapan namin na sa bahay nalang kami magcelebrate. Itatayo namin ulit yung tent na inayos nila. tapos magwawatch kami ng movie

Nasa counter ako ng makita kong dumaan yung babae sa room na laging pinupuntahan ni Jaydee. Oo nga pala, hindi ko pala natanong yung about dun. Hindi naman din kinukwento ni Jaydee. Dati kahit di ako nagtatanong, magkwekwento at magkwekwento siya..

Ahh basta wala wala. wag na mag-overthink queen.

"Doc brei!" tawag ko kay Doc brei na naglalakad

"Oh doc bakit?"

"Ahh.. I just want to say thank you for helping jaydee with the surprise.. yun pala yung tinatanong mo sakin kahapon" I said

"Ahh wala yun. Okay na ba kayo?" she asked

"Yes.. I said sorry na. Nagagalit pa naman ako sakaniya kasi ang sama ng trato nita saakin kahapon yun pala kasalanan ko din"

"Alam mo doc mabuti naman naayos niyo kaagad, baka kasi mag-aya ulit uminom yun. Masira na atay namin" -brei

"I'm sorry"

"joke lang doc, di na mabiro. Gusto nga namin kasi nalilibre kami" -brei

"wait, si Jaydee gumagastos?"

"ahhh ehhh HAHAHAHA! sige na doc may patient pala ako. Babye!" nagmadali siyang naglakad paalis. Magkakaugali talaga silang magkakaibigan

--

(A/N: Kamusta?😊)

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now