Chapter 7

489 55 3
                                    

Brei's POV


LOVE. Paano mo ba masasabing love na ang nararamdaman mo para sa isang tao? I'd never experienced nor felt love before kaya hindi ako nakakarelate but I've seen what my friends went through. Kung sakali man na papasok ako sa relasyon, I want it to be like Jaydee and Frances relationship. Sobrang tagal na nila pero never nilang sinaktan ang isa't isa ng sinasadya.

Hindi naman ako nagmamadali, di ko naman sinasabing 30 na ako at kailangan ko ng mag-asawa kasi baka tumanda na akong dalaga. Hindi talaga promise chz

Honestly, I went through a lot of blind dates and stuffs. Kaso wala talagang nakakakuha sakin eh. I don't know. Maybe love is not for me

"Aubrey ano ba kasing type mo sa lalaki?" tanong ng katabi ko ngayon.

"Bakit? iseset-up mo nanaman ako? tapos wala namang magwowork. Nako Lara tigilan mo na ako sa mga ganyan" sagot ko sakaniya. Nasa condo ako ngayon kasama ang best friend kong si Lara. Before ko pa makilala sila Jaydee, Amy, Laney at Gabb, best friend ko na si Lara. Simula high school magkakilala na kami.

She's also into girls gaya ng mga kaibigan ko. Ako lang nag-iisang straight sakanila. Kaya siguro single pa din ako, kailangan ko na yatang lumihis ng landas charr

"Ewan ko ba sayo aubrey, ang choosy mo pa kasi. Dami ko na pinakilala sayo, wala ka man lang napili" sambit ni Lara

"Eh sa walang nakakakuha sakin eh. At saka stop muna ako jan, napagod nako. Hihintayin ko nalang na may dumating para sakin. Ayoko ng ipilit pa. Kung darating man, edi maganda. Kundi, edi matandang dalaga."

"Ikaw bahala. Nakita mo pala yung sinend ko sayo kagabi? Ang ganda no? sexy pa" -Lara

"Oo, hmmm pwede na sige. Bagong nililigawan?" -Ako

"hindi ko siya nililigawan, more like M.U kami. The feelings are mutual whahaha" -Lara

"siguraduhin mo lang magwowork na yan, wag ka gagaya kina gabo at amanda. Jusq! Yung dalawang yun!" -Ako

"Oh bakit? Lodi ko nga yung dalawang yun ih. Galing nila HAHAHA—ARAY!!" Sinapok ko siya after niyang sabihin yun

"Magtigil ka Lara, yung dalawa diko na mapipigilan pero ikaw! Subukan mo lang maging babaero masasapok ka ulit sakin. Okay lang yang ganyan na ginagawa mo, atleast tinatry mo magwork" pangaral ko sakaniya, wow kala mo talaga dami na experience

"eh bat sila dimo pinipigilan?" -lara

"anong hindi? kung alam mo lang, ilang beses na namin silang pinagsabihan. Di lang talaga sila nakikinig samin" I said. Wala eh, matitigas ang ulo lalo na yang si Gabb.

--

(otp Amanda)

[Hello pre] -Amy

"Oh?"

[may ginagawa ka ba? inip ako]

"Wala, nandito ako sa condo kasama ko si Lara"

[Uyyy si tolits, pwede ba ako pumunta jan?]

"Ikaw bahala sige" manggugulo nanaman si amanda dito

[Sige, i'll be there in 30 mins]

"alright, take care" nag-english ang bruha kaya napa-english na din ako

"Sino yun?" tanong ni lara

"Si amanda, naiinip daw kaya pupunta siya dito" -Ako

"Nice! Nice!" Sabi niya, sinamaan ko siya ng tingin. Alam ko na binabalak neto. Makikipag-kwentuhan nanaman to kay Amanda about sa babae


--

Mag isang oras na wala pa din si Amanda. Kala ko ba 30 mins amp doctor ba talaga mga kaibigan ko? Bakit palaging late

ilang minutes pa ang lumipas ng may kumatok sa pinto. Ako na nagbukas kasi naliligo si Lara ngayon

"Oh pre kala ko di kana makakadating eh" bungad ko sakaniya, nakita ko naman na may hawak siyang supot ng alak

"Ano yan? Taragis ka! Wala kang sinabing mag-iinom tayo" -ako

"Napadaan ako sa isang grocery kaya naisipan kong bumili na. Boring naman kung kwentuhan lang tayo diba, samahan na natin ng alak" sabi niya

"Pumasok kana nga" -ako

"Asan si Lara?" -Amy

"Naliligo, akina muna yan ireref ko muna habang di pa nagstart" sabi ko at kinuha ang supot na bitbit nya

Napapadalas nanaman ang inom namin ah? Pero ayus lang, eto nalang nakakapag-pasaya sakin HAHAHAHA

--


Amy's POV


Napapansin ko lang, ang sweet at clingy ni brei kay lara samantalang ang sungit sungit niya samin. Sure bang straight tong kaibigan namin?

Kanina pa ako nandito sa condo ni brei. Nakakainip kasi sa bahay, day off namin dalawa kaya naisipan kong puntahan siya na saktong andito din pala si tolits

"Eh tapos anong ginawa mo after ng sex niyo?" tanong ni lara sakin, kinwento ko kasi sakanya yung sex ko with Yssa last time. O diba naalala ko pa name nya! HAHAHAHA

"Nakatulog din ako eh, pero maaga ako nagising kasi ayoko maabutan niya pa ako sa tabi nya, mahirap na baka di niya ako tigilan HAHAHAHA" mayabang kong sabi

"kadiri ka talaga amanda" sabi ni brei

"Porke wala ka pa experience, nandidiri ka? baka pag narasanan mo na, di ka din tumigil" sagot ko sa sinabi niya

"Yan? magkakaexperience? choosy pa sa choosy yan tolits" sambit ni lara

"Kung nangangarap ka ng kagaya ng relasyon ni dong at queen. Wag kana. Bihira lang ang taong makakaranas ng ganon. Swerte nga nila eh, pero kung di sila pinagtagpo ulit sigurado ako kasama din namin si dong mambabae" ngisi kong sabi

Kahit naman ako, bilib sa relasyon nila. Sino bang hindi? Si Jaydee lang nakakatiis sa kasungitan ni Frances. Naalala ko pa noon, nagiging soft si frances sa tuwing si jaydee ang kausap niya. Pero ngayon napapansin ko puro sagutan sila lalo na sa work. Malay ba natin sa bahay nila, malamang sweet mga yun. lagi may dilig. SANA ALL!! Pero ang strong pa din nila. Halata pa din yung care nila sa isa't isa.

--


Frances' POV


Hindi ako makatulog, anong oras na ba? I checked the time and It's already 2am. Tinignan ko yung katabi ko, ang sarap ng tulog. Kinumutan ko muna siya bago ako tumayo. Kinuha ko yung picture sa wallet ko sa may drawer tapos lumabas ako ng kwarto papuntang sala

Umupo muna ako at tinitigan ang picture na hawak ko..

"I miss you.." I said and then tears went down to my cheeks..

--

(A/N: Bigyan ko muna exposure yung mga ibang characters hehe saktan ko kayo jan eh. CHOZ😂)

Once More (Frandeesal)Where stories live. Discover now