MISSION#02...
KALI'S P.O.V
"Ano ka ba, Rhys? Bakit ka umiiyak? Please tell me." Sabi ko sa kanya.
"Sephtis, m-magpapakasal na kami ni Nirvana." Sabi ni Rhys na nagpatulala sa akin at bigla na lang nagpatulo ng luha ko. Nabigla naman ako ng biglang yakapit ako ni Rhys.
"Sephtis, huwag mo akong iyakan. Huwag mong iyakan yung lalaking hindi ka man lang kayang ipaglaban." Saad nito sa akin. Napansin ko namang nabasa ang balikat ko na nangangahulugang umiiyak parin si Rhys. Huminga naman ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Katapos non ay bumitaw ako sa yakap at hinarap si Rhys.
"Rhys, 'di ba nag-usap n-na tayo l-last time? Hindi ba nang mag-usap tayo ay pinakawalan na kita? K-Kaya ayos lang sa akin kahit magpakasal ka kay Nirvana lalo pa at pinagkasundo na kayo." Saad ko sa kanya habang magpipigil na umiyak. Masakit? Oo sobrang sakit na pakaaalan mo yung taong mahal na mahal mo. Pero kailangan, kase parehas lang kaming mahihirapan kapag pinagpatuloy pa namin ang pahlaban.
"Sephtis, kung hindi kita kayang ipaglaban, ako naman ang ipaglaban mo ah, please." Umiuyak na saad nito sa akin.
"Rhys naman, magiging selfish naman ako kapag ginawa ko 'yan." Saad ko habang nakangiti. Pero sa loob-loob ko ay sobrang sakit na ang nararamdaman ko.
"Sephtis, mahal mo ba ako?" Tanong nito habang pinupunasan ang mga luha.
"Oo, sobrang mahal na mahal kita. Kaya nga pinapakawalan na kita kase alam kong iyon ang makakabuti sa iyo, sa atin." Nakangiting saad ko sa kanya. Ngumiti rin naman ito sabay talikod sa akin.
"Masaya akong marinig iyan mula sa'yo kahit sa huling pagkakataon." Saad niya sabay nag-ejection. Nang mawala naman siya ay sakto naman ang pagtawag ni Guia gamit ang TeleCom.
"Kuya, handa na ang pagkain." Saad niya sa TeleCom. Hindi ko naman siya sinagot at agaran na lang aking mag-quick step sa loob ng Dorm Room. Doon nga ay nakita king nasa hapag-kainan na sila kaya naman pumunta na ako roon at umupo.
"Oh, anak saan ka galing?" Tanong naman ni Nay Aurelia habang sumasandok ng soup.
"W-Wala nay, nagpahangin lang." Sagit ko naman. Patuloy ko parin nilalaban ang luha na gustong pumatak sa luha ko. Masakit parin ang ang nararamdaman ng puso ko.
"Anak, may problema ba? Bakit nakabusangot ka riyan?" Tanong ni Nay Aurelia. Hays, sabi na nga ba at mapapansin niya eh. "W-Wala ito nay, m-may iniisip lang ako." Sagot ko naman.
"Okay, basta kapag may problema ka ay huwag kang maghihiyang magsabi sa amin." Saad naman ni Nay Aurelia at umupo na para kumain.
"Mushroom puree pala ang niluto niyo nay, favorite ko ito." Nakangiting saad ko sa kanya.
"Alam ko. Kaya iyan ang niluto ko." Sagot naman niya.
"Mga anak, nabalitaan niyo na bang nag-announce na ang Hari ng Reino do Fogo na ikakasal na pala ang bunso niyang anak na si Prince Rhys?" Saad naman bigla ni Nay Aurelia na nagpabigla sa akin. Nagulat naman ako ng mabigla rin ang mg akasamahan ko at napatingin sa akin.
"O-Opo nay, alam ko. S-Sinabi niya k-kanina." Nauutal na sagot ko habang nilalabanang pumatak ang mga luha sa aking mga mata.
"Anak, anong problema? Sabihin mo sa akin." Seryosong tanong naman ni Nay Aurelia. Kaya 'di ko na napigilan ang mga luha na kanina pang gustong bumagsak. Kaya naman tinakpan ko na lang ang mikha ko gamit ang dalawang palad ko. Narinig ko naman ang pagtunog nv mga upuan na nagangahulugang tumayo silang lahat at ilang saglit lang ay nakaramdam naman ako ng napakaraming yakap.
BINABASA MO ANG
THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)
Fantasy(𝗕𝗫𝗕) [𝗥𝗘𝗜𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗕𝗢𝗢𝗞#02] Kali, Guia, their two siblings, their friends, and the Royalties united to travel to every kingdom with the goal of completing the missions that they are given to them and learning from them, which is...