CHAPTER 93

122 22 4
                                    

TALKING TO THE MOON AGAIN...

KALI'S P.O.V

"Nay Aurelia!" Sigaw ko ng makita ko ang aking ina.

"Nay!" Sabay-sabay namang sigaw ni Guia, Xavier, Ate Adhira. Habang si Kuya Lucian ay lumapit naman kay Nay Aurelia at niyakap ito. Kaya pumunta narin kami sa kinalalagyan nila at niyakap din siya.

"Kaano-ano niyo ang batang babaeng iyan?" Tanong naman ni Prince Rhys. "Kuya Rhys, 'di mo ba na rinig ang itinawag namin sa kanya? Siya ang nanay namin. Si Nay Otima Mae Aurelia Picosa." Sagot naman ni Guia. Nakita naman namin ang pagkabigla sa mukha ng mga Royalties.

"O-Otima Mae A-Aurelia? A-Ang Legendary Holder of Youth at isa sa maalamat na  limang Sentries. A-Akala namin ay patay na kayong lahat?" Nauutal na saad naman ni Rhys. "Ang tanging miyembro na namatay sa aming lima ay si Ainesh Otizam lamang at wala ng iba pa." Sagot namna ni Nay Aurelia.

"Totoo ba ito? Grabe parang kailan lang, nangangarap akong makaharap kahit isa man lang sa inyong limang Sentries mahal na Otima at ngayon narito ma na sa aking harapan. Maaari ko po bang hawakan ang inyong kamay?" Manghang saad naman ni Prince Glenn. Sabay lapit sa amin habang nakatulalang nakatingin kay Nay Aurelia. "Oo naman, iho." Pagsang-ayon naman ni nanay. Kaya naman dali-daling hinawakan ni Prince Glenn ang kamay ni nanay. Ngunit nagulat na lang kami ng biglang matumba ito at ng tignan ko ang prinsepe ay todo dugo ang ilonv nito at tulala na nagparamdam ng kaba sa amin.

"GLENN!" Sigaw ng mga Royalties sabay lapit sa kinalalagyan namin.

"Ano pong ginawa niyo nay?" Kinakabahang tanong ko kay nanay. "Wala man akong ginawa anak." Kinakabahang sagot din naman ni Nay Aurelia.

"Pagpasensyahan niyo na po siya. Ganyan lang po talaga si Glenn kapag masyado siyang na-pressure. Paumanhin po pero ipupunta muna namin siya sa clinic. Paalm po mahal na Otima." Sagot naman ni Princess Shaine na kakambal ni Prince Glenn. Tumango naman si nanay at tumakbo na papuntang clinic ang mga Royalties.

"Bakit po pala kayo naparito?" Tanong ko kay Nay Aurelia nang makalayo na ang mga Royalties. "Sasagutin ko na lang mamayang nasa Dorm Room na tayo ang mga tanong niyo. Ngayon ay gumamit na lang tayo ng quick step para mabilisan tayong makapunta roon." Sagot naman ni Nay Aurelia. Kaya naman pumikit na kami...

...

Nang maramdaman ko na na narito na kami sa harapan ng Dorm Room namin ay agad ko ng binuksan ang aking mata. Nang pagkabukas ko ng aking mata ay nakita ko naman ang mga kasama ko na nakatitiglang sa akin habang pinipigilan ang tawa.

"Feel na feel ah, Etits HAHAHA." Tumatawang saad naman ni Ate Adhira na nagpataas ng aking kilay. "Hays." Saad ko na lang sabay buntong hininga at lumakad na palapit sa pinto at binuksan na ito.

"Mga anak, umupo muna kayo at ipaghahanda ko kayo ng makakain." Saad naman na nagpaningning ng mga mata namin. Shit! Na-miss din namin ang luto ni Nay Aurelia. Noong nasa Floresta Encantada pa kami para magbakasyon ay siya lang lagi nag-luluto. Kaya talagang na-miss namin 'to. Nagsi-upo naman kami sa mga sofa na narito sa sala at sinandal ang ulo namin.

"Hays, nakakapagod 'yon ah. Grabe halos magtatatlong araw na tayong walang kain." Saad naman ni Guia at nang tignan ko siya ay nakahawak ito sa kanyang tiyan. "Hays, oo nga Gi. Grabe napagdaanan natin doon." Saad naman ni Ate Adhira.

Bigla namang tumayo si Kuya Lucian na nagpataka sa amin. "Akyat na kami, una na kaming magpahinga ng babe ko." Walang emosyong saad nito sabay hila kay Xavier. "Wait lang, Adrien, gusto kong matikman luto ni Nay Aurelia." Saad naman ni Xavier. "Okay, katapos akyat na tayo ah." Saad naman ni Kuya Lucian. Nag-cringe naman ako dahil doon kaya napatayo ako na nakakuha ng atensyon nila.

THE FRUITATION OF PROPHECY (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon