Lira POV
Andito ako ngayon sa school,maaga kasi ang pasok namin ngayon dahil umaaga ang MAPEH namin .. So ang dami ko nanamang dala ..
At sa kamamadali ko pa kanina naiwan ko yung salamin ko at di pa ko nakakapag suklay dahil basang basa buhok ko, di pa nga ako nag aalmusal eh ... Pero nagtataka ko kanina .. Pano yung salamin ko nung hinahanap ko wala talaga sa kwarto ko at pag baba ko wala na si ate di manlang nagpaalam ..Kaya Nandito ako ngayon nagtatago ayoko magpakita baka asarin nila ko umagang umaga ehh..
Hoy lira!! -aika
Oh ikaw pala bakit?
Bat nagtatago ka dito??saka ikaw bayan?-aika
Alangan ...
Blooming ka ata?? Ayyiie nagpapaganda ka kay james no o nagtatago ka kay james ???hahaha-aika
Hoy! Anu ba marinig ka nila !saka luhh hindi no! Wala ko gusto dun ...kilabutan ka nga!
Ayy we?? Eh bakit parang ...... Wala ka atang salamin ngayon at .... Nakalugay ka??-aika
Ahh yun ba??? Hayyyyy... Basa pa buhok ko saka kasi naman,hindi ko makita salamin ko kanina at .. Di ko alam kung pano nawala sa kwarto ko..kaya nga nagtatago ko eh baka pagtawanan nila ko,saka dun ko lang naman nilagay yun kagabi... :(((
Eh baka naman kasi sa iba mo nalagay at hindi sa kwarto mo.. Aika
Hindi ahh ... Nilagay ko talaga ... Nahihilo na nga ko eh .. Di kasi ako sanay na wala yun ...
(Prrrtt..!!.) klass pila na kayo 5min. Start na tayo..
Ohh pumito na si sir ,teka hanapin mo kaya sa bag mo... Hinanap mo naba dun?-aika
Ou..
I check mo ulit.. Baka natabunan lang yun ... -aika
Hmm.. Sige ..
Sige .. Tutulungan na kita ..-aika
(Pumunta kami ni aika sa locker namin kasi nandun yung bag namin .. )
Oh ito bag ko ... Dalian natin baka pagalitan na tayo .. -ako
Hinanap na namin ni aika sa bag ko .. Hanggang sa kinuha ko yung pencil case ko...
Teka ...??may nakapa ako..
Binuksan ko kaagad ...
Teka aika ano to???
Ha??Contact lens yan ha?saan galing??-aika
Dito sa pencil case ko ..
Teka??? Ahhh alam ko na! Plinano to ni ate! kaya pala wala na yun kanina pagbaba ko sa kwarto,at kaya pala nung nakaraan tumawag yung doc. Na nagsusukat sakin, at nung nakaraan ay pinapunta ako tapos sinukatan.. !
..yung babaeng yun talaga.. Ayoko nito eh!! Bwiset!!Eh kung ganun.. Isuot mo na ,nagmamadali na tayo wag kana mag inarte jan..!-aika
Hayy sige na nga...
At sinuot ko naman na ... At bumalik na kami ... Medyo ok naman gamitin mas komportable pala ...
Pero malayo palang nakita namin na nakapila na sila at ..
Nagagalit na si sir .. Kami nalang inaantay .. (Lagot)Pagka pila namin ..
Nakatingin silang lahat saakin ..
(Sabi na nga ba eh .. Ayoko na .. )
Miss lira ..-sir
Yess po sir...
Blooming ka ata ha.. -sir