PROLOGUE QUEEN OF THE LIGHT

95 4 2
                                    

Gabriel's POV


(Gabby's POV)

Spotlight
Ni: Marfel A. Culaton

BUMUKAS ANG PULANG TABING at iniluwa niyon ang isang malaking sofa. Sa tabi nito ay masasaksihan ang mga alitaptap na paikot-ikot sa lamparang puno ng buhay na nakapatong sa bilog na lamesita. Sa kanan naman ng malaking sofa makikita ang isang bukas na telebisyon, maingay at agaw atensyon.


Sa hindi kalayuan, may tatlong babaeng nagpre-prepare ng hapunan at ang dalawang lalake naman ay kampanteng nanood ng larong hilig ng mga kalalakihan. Walang iba kundi ang basketball.


"Mama, Papa nandito na po ako..." Bungad ko nang buksan ko ang pintong siyang nagsilbing dibisyon ko kina mama at papa pati sa mga kapatid ko. Nabingi ako sa malakas na hiyawan ng mga taong nakapalibot sa amin. Alam kong may mga nagkakagulo sa labas ng kinatatayuan naming mag-anak ngunit patay-malisya lang ako. Sa halip humalik ako sa pisngi nina mama at papa bago nag-mano.


"Anak halika na at kumain ka na. Kumusta ang OJT mo sa munisipyo ha anak? May mga nam-bubully ba agad sa iyo doon? Huwag kang matakot na isumbong sa amin ng papa mo iyong mga tao doon ah. Saka may mga nanliligaw na ba agad sa iyo doon, Gab." Kahit kailan talaga si mama. Walang-humpay ang pag-aalala.


"Ma? Bully agad? Ligaw po agad?" Lumabi na lang ako.


"Oh bakit anak? Sa ganda mong iyan, alam kong madami ka niyan."


Nahugot ko ang hininga ko at biglang rumehistro ang pagkunot ng noo ko sa.....Well maganda kong mukha. "Mama naman." Kahit paano eh naiilang pa din ako.


"Aba Gab, mana ka 'ata sa mama mo. Pero kung may mga nanliligaw man sa 'yo doon eh, study's first muna. Saka dapat dito sila manliligaw at pahirapan mo muna nang maapuhap mo kung sila nga ay sadyang may tiyaga saka kung gaano sila kasinsiredad sa iyo." Ngumiti sa akin si mama at napalingon ako sa ate at kuya ko dahil abot hanggang kabilang kanto ang mga tawa nila.


Ang hagalpak nila eh, parang walang pipigil lang?


Binatak ko ang isang silya at saka inumpisahang lantakan ang nakahandang hapunan. Ang bango ng pagkain.."Mama naman, over protective ka sa bunso mo eh. Malaki na po ako." Pagpapaliwanag ko kay mama matapos kong mailunok ang unang subo ng kain ko. Pero sa halip ay ipinag-sandok ulit ako ni mama.


"Kumain ka ng maigi." Sabay ngiti si mama. Hindi talaga nakakasawa katulad noong bata pa ako.


"Pero kahit na malaki ka na, mananatili ka pa ding baby girl sa amin ng mama mo Gabby." Gumatong pa si papa ka mama kaya binuntutan ng tawa ni kuya Ismael at ng dalawa ko pang mga ate.


Nahinuha ko sa mga mata ng mga kapatid ko na gusto nila akong asarin. Simangot at busangot na mukha lang ang isinagot ko sa kanila kahit pagod na pagod ako sa araw na ito.


Sumubo ulit ako ng sarsa ng sarsyadong tilapia pagkatapos ay kinurutan ang ang matabang isda. At ibinaling ko ang paningin ko sa ibang direksyon para ma-divert ang nag-uumpisa kong bad mood sa mga kapatid ko. Napansin ko ang mga alitaptap sa lamparang sagana ng liwanag kahit na may mga ilaw kami dito sa bahay.


Nakakatuwa ang mga alitaptap. Ang cu-cute nila...


Parang may kakaiba sa liwanag ng mga alitaptap na unti-unting lumibot sa aming mag-anak. muli aking bumaling kin papa at mama. Ngumiti ako s akanila at ipinagpatuloy ko ang pag-ubos sa mga inihanda ni mama. Pagod na din ako.


PERO NAG-UUMPISA PA LANG ITO. Nang matapos ang aming pagmamahalang mag-anak sa lugar na ito, oo sa lugar kung saan ako ang bida. Literal na salitang "bida", sabay-sabay kaming nagsipag-bow sa harap ng maraming tao. Katulad ng nakasanayan na naming marinig, hiyawan doon at paplakpakan dito. Haay, ag sarap sa pakiramdam ng ganito. Nakakpag-pasaya kami ng maraming tao, ng aming mga manonood sa pamamagitan ng pag-arte sa teatro.


Kahit nakakapagod, ayos lang kasi passion ko talaga itong pag-arte at iniingatan ko itong teatro na ito. Pagod ako pero hindi napapagod ang puso ko sa pag-iisip kung ano pa ang dapat kong gawin para ma-express ko ang sarili so sa mga audience at sa mga "taga-hanga" ko daw kuno. TEKA LANG NAKAKAPAG-ISIP BA ANG PUSO? Oh sige na nga, sa pag-tibok na lang.


Salamat sa mga alitaptap kanina dahil kahit munti lang ang mga ilaw nila, pakiramdam ko ang laki ng nai-ambag nila para sa presentation namin kanina.


Ang galing, para silang mga tururan at nasunod nila ang gusto ng direktor namin.


Talagang naroon sila sa lampara na inilagay sa set para magsilbing props kanina. O sadyang ganoon lang talaga ang mga maliliit na fireflies na iyon, kung nasaan ang liwanag ay narooon din sila. Para siguro matuwa at maglaro. They didn't even know that the light that comes from them gives enthusiasm to others. Katulad ko na lalo pang ginanahan kanina sa theather.


Hmmm, naisip ko baka hindi sila makontento sa sarili sa sarili nilang liwanag kaya naghahanap sila ng mas malaki pa.


Siya nga pla, ako si Gabriel, isang Mass Communication student at the same time ay theater actress dito sa SPOTLIGHT THEATER COMPANY. "Gabby / Gab" ang name character ko kanina sa presentation namin. Hindi na ipinaghiwalay ng director namin sa real name ko.


Passion ko na talaga ang umarte kaya naman madalas ako dito. Sa katunayan, ito ang santwaryo ko.


My greatest love... At hindi ako papayag na may pumigil sa akin para lang sumikat. I should be the BEST THAN THE OTHERS.....










==========================================================================================================================================

First published

May 2, 2015






SPOTLIGHT (ON-GOING :) )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon