Hetti's Pov"Oh ano nanamang tinutulala mo dyan?" sabi ni Ash sakin, ka trabaho ko sa cafe na 'to, parehas kaming waiter at nahalata nya yata na nagkakamali na ako ng ilang beses. minsan naiisip ko gusto nya na akong sabunutan sa inis. Naguusap kami ngayon sa likod ng store, nakaupo lang ako sa lapag habang sya naman ay nagyoyosi. hindi ko gusto ang amoy ng sigarilyo pero dahil kailangan ko ng kausap sinamahan ko sya sa likod.
"Wala"
"Alam mo ikaw isa kang malaking bobo." Sinamaan ko sya ng tingin. anong bobo? dahil ba imbes na bente ibigay kong sukli kanina sa babae ay piso ang naibigay ko? o dahil sa kanina pa ako nakakatapon ng drinks?
"Ay sorry, ha? eto lang kasi ako, isang bobo" tumawa sya ng mahina.
"Ay buti alam mo!"
"Sorry na kasi, hindi ko din alam bakit ako ganito" I don't really know why I'm sad and depress this past few days. triny ko naman lahat para sumigla e, nanuod ako ng comedy films, kumain ako ng ice cream, tapos pilit kong nagbibike para hindi na ako maging malungkot at makalanghap man lang ng sariwang hangin.
pero kahit anong gawin ko, wala e, ganon padin. malungkot padin ako.
"You know what, you should take a rest, halatang pagod ka o baka naman broken hearted?"
"saan naman ako broken?"
"ediba inaabang mo yung lalake na laging nandito?" napataas ang tingin ko sakanya, tinapon nya ang yosing kanina nya pa hinihithit at kumuha ulit ng bago pang yosi, mukha ng adik si ash dahil sa pamumula ng mata. pero hindi yan nagddrugs ah! kilala ko yan, kapitbahay ko yan at dahil sa mahirap lang ang buhay hindi na sya natutulog dahil sa 24 hours syang nagtratrabaho para may makain sila ng pamilya nya.
Nakakaawa, Oo. gusto ko syang tulungan pero parehas lang kami ng situwasyon.
"Nahalata mo?"
"Malamang, tinitignan kita e."
"Ha??" Hindi ko na narinig yung sunod nyang sinabe dahil hininaan nya yung boses nya.
"Wala," sabi nya sabay iwas tingin. luh, may ganon ba hindi nya tinatapos sinasabe nya?
"Alam mo mukha syang mayaman" Kahit ako ay alam ko iyan. Englishero ba naman si Timothy e, tapos ang ganda pumorma, halatang mayaman talaga.
"Tingin mo babalik pa kaya sya?"
tanong ko, kahit na alam ko naman ang sagot."Ewan, ediba dumating na girlfriend nya?"
"Oo, pero hindi ko alam kung jowa nya ba yun o kapatid." Sige hetti, asa ka pa.
"Mukhang jowa, nakita mo ba yung ngiti nung nakita nya yung babae? ngiting inlababo!" sabi nya, sige ash saktan mo pa ako at baka sapakin na kita dyan.
"Hay ewan! tara na nga! patapos na break time natin" tinulungan nya akong tumayo at nagsimula na kaming pumasok sa store. Hay Hetti! umayos ka nga, kapag trabaho, trabaho lang! no negative thoughts okay? tandaan mo, lalake lang yan si Hetti ka.
Tyaka, di kayo bagay nun. Mayaman yun, e ikaw ba? huminto ka nga sa pagaaral para lang makapagtrabaho e. kahit man maging kayo hindi ka nya mapagmamalaki.
Shuta naman. pinapakungkot ako lalo ng mga naiisip ko. minsan try ko ding saksakin sarili ko e.
"Nakow po! may nakatapon ng drinks" bulong ni Ash sakin, tinignan ko yung tinuturo nya at nakita kong nakatapon yung bata ng juice.
"Ako na maglilinis, kuha lang ako mop" sabi ko. Trabaho muna isipin mo Hetti. trabaho ha? hindi lalaki.
Kinuha ko na at nagsimulang Imop yung lapag.