Chapter 1

226 5 9
                                    

His Stupid Victim
Chapter 1- The Victim

"Dito na lang ako.",sabi ko kay Kurt kaya hininto nya ang kotse.

"Anong oras ka lalabas? Hintayin na lang kita.",tanong nya.

"Kurt. Wag mo na lang akong hintayin. Wala ka namang hinihintay.",sabi ko. Oo na hugot yun. Gusto kong malaman nyang di ko kayang tanggapin yung sinasabi nyang magkarelasyon kami.

Kitang-kita ang lungkot sa mga mata nya kahit na nakangiti siya. Sorry, Kurt. Alam kong nasasaktan na kita pero di ko kayang paasahin ka sa wala.

"Alam mo namang maghihintay ako diba? Pero sige di ako maghihintay babalikan na lang kita.",sabi nya habang nakangiti sa akin.

Napalunok ako ng wala sa oras. Lumabas na ako ng kotse at naglakad papaalis. Alam ko kasing any moment baka tumulo ang mga luhang pinipigilan nya sa pamamagitan ng kanyang pagngiti.

Naglakad na ako papalayo sa kotse. Sa di kalayuan ay nakita ko si Hannah.

"Hannah!",sigaw ko.

Nilapitan nya ako.

"Ang hyper mo talaga! Halika na nga.",sabi nya habang nauunang maglakad papuntang art exhibit area.

Naging magkaibigan kami ni Hannah dahil sya lang naman ang organizers ng mga gantong event. Lagi kasi akong nagpupunta sa mga art exhibit na ang subject ay tungkol sa mga anghel. Napansin nya ako at naging magkaibigan kami.

"Uy kelan mo ba ako ipapakilala dyan sa boyfriend mong artist?",tanong ko. Hanggang kwento na lang kasi sya sa akin tungkol sa boyfriend nya.

"Ewan ko dun. Busy lagi.",parang wala sa mood nyabg sabi kaya di na ako nagsalita pa.

Naglalakad na kami sa hallway na may mga nakadisplay na mga paintings. Binubusog ko na ang mga mata ko hanggang sa napahinto ako sa nakita ko.

Napatitig ako. Isang painting ng isang mortal at anghel. Magkahawak kamay na nakalutang mula sa magkabilang dimensyon.

"Maganda ba?",tanong nya.

Tumango ako habang nakatitig sa painting.

"Mabuti pa yung painting binibigyan nya ng time. Eh samantalang ako parang minsan nakakalimutan nya na.",sabi nya.

Napalingon ako sa kanya. Ano ba tong pinagdadrama ng babaeng to. Huminga sya ng malalim.

"Oo na boyfriend ko na ang may gawa nyan.",sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ko. Grabe ang laking revelation nun ah!

"Wow. Swerte mo Hannah.",sabi ko.

Nakasimangot lang sya. Ano ba tong babaeng to.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Ang weird nyo. Pag untugin ko kayo eh.",bulyaw nya.

Nginitian ko lang sya. Aba aba feeling ko magkakasundo kami ng boyfriend nitong si Hannah mahilig rin ata kasi sa mga anghel.

Nalibot na namin ang buong art exhibit.

"Wala na akong utang sayo ha?",sabi nya.

"Wag ka na ngang bad trip dyan. Di bagay sayo.",sabi ko.

"Oo na.",padabog nyang sabi.

Para talagang bata. Tss.

"Ipakilala mo ko dyan sa boyfriend parang madami syang alam tungkol sa angels eh.",sabi ko.

"Yes pag nagkatime talaga yung kumag na yun. Syempre gusto kong makilala nya rin ang siga kong bestie.",sabi nya.

Napailing na lang ako sa sinabi nya bipolar kasi kanina inis na inis ngayon naman nakangiting aso. Ewan ko nalang talaga sa babaeng to. Pero infairness mahal ko yan.

"Sige alis na ako. May dinner pa kasi mamaya kina Vic. Alam mo na masyadong OA. Ikaapat na buwan na daw kasi ng kanyang pagbubuntis.", asar kong sabi.

Natawa naman si Hannah.

"Sige ingat ha?! Tatakasan mo ba ulit si Kurt?",tanong nya.

Nginitian ko lang sya at umalis na. Napansin kon wala yung kotse ni Kurt. Tinotoo nya pala yung sinabi ko. Huminga ako ng malalim at pumara ng taxi.

Nang nakarating ako sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto. Ito pa rin naman ang dating kwarto ko. Walang nagbago. Humiga ako sa kama. Nandito pa rin ang mga stars na ginawa nya. Napalingon ako sa side table at inabot ang isang teddy bear na bigay nya sa akin.

Inabot ko rin yung remote at ini-on ang TV.

"Hi ako si Yuri. At mahal na mahal ko tong lalaking nasa picture. Sya ang cupid ko.",sabi ng sarili kong nasa screen habang pinapakita ang picture namin.

Napasubsob ko ang mukha ko sa tedyy bear kasi maiiyak na naman ako. Araw araw kong piniplay ang video ng sarili kong kiniwkento ang lahat tungkol sa kanya.

Ginawa ko yun ng mapansin kong unti-unting nawawala ang alaala ko tungkol sa kanya. Kaya araw araw pinapanood ko ang video na ito para kahit sa alaala man lang mabuhay ko pa sya.

Napapikit ako sa sakit at di na mapigilang tumulo ang mga luha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(HSC Book2) His Stupid Victim {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon