Prologue

389 6 6
                                    


Note: This is the second book of Her Stupid Cupid (click the external link). This is a 10-15 Chapter book/story. Thanks. Mag-ingay guys hahaha.

Dedicated sa kanya dahil sya lang naman ang gumawa ng book cover. Maraming salamat. Labyu. <3

His Stupid Victim

Prologue

Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ang text sa cellphone ko. Idinial ko agad para makausap si Hannah.

"Hann. Takte ka bat ngayon mo lang sinabi sa akin na ngayon na pala ang last day ng art exhibit nay an?!",asar kong bulyaw sa kanya.

Narinig ko ang mumunting tawa nya. Baliw talaga tong babaeng to.

"Buti nga't sinabihan pa kita. Ewan ko talaga sayo bat gustong gusto mo ang mga gantong art exhibits.",asar nya ring sabi sa akin. Iniimagine ko palang na namumula na sya sa inis dahil di nya kelanman magets kung bakit ganto ako kaadik sa mga bagay na tungkol sa mga angels.

"Sige na. Babye na. Kitakits mamaya. ",sabi ko at binaba na ang tawag.

Tiningnan ko ang mga batang busy na busy sa pagpipinta at gamit ang mga art materials na dinala ko para sa kanila. Siguro naman napasaya ko sila. Nilapitan ko na si Sr. Suzy

.

"Sr. Suzy alis na po ako. May pupuntahan pa kasi po ako.",sabi ko.

"Oh sya mag-ingat ka at baka mawalan pa tong mga batong to ng kanilang Ate Gandang Siga.", sabi nya at ngumiti. Napangiti rin naman ako sa sinabi nya.

Hinarap ko na ang mga batang busy pa rin.

"Kids. Aalis na si Ate Gandang Siga.",sabi ko.

Tumayo naman silang lahat.

"Babye Ate Gandang Siga. Next week po ulit ah!",sigaw nila sa akin habang bakas na bakas sa mga mukha nila ang saya.

Bumalik na sila sa pagpipinta at umalis na rin ako. Huminga ako ng malalim. Yun ang lagging ginagawa ko kapag napapatingin ako sa asul na kalangitan. Napapaisip ako minsan kung tama nga ba ang pinaniniwalaan ko. Kung totoo ka nga ba o kathang-isip ko lamang. Kung nagkita nga ba tayo. Kung nagkasama nga ba tayo. At kung minahal nga rin ba kita.

Isang taon. Isang mahabang taon na rin ang nakalipas. At habang tumatagal ay nawawala nang paunti-unti ang mga alaala ko sayo. Natatakot ako na baka magising ako isang araw na pati ang mga alaala mo ay iniwan na rin ako.

"Gandang Siga!",may sumigaw mula sa likuran ko kaya lumingon ako.

Si Kurt. Ang taong di ko pa rin maalala. Yung taong laging kumukulit at parang buntot na sunod nang sunod sa akin. Nakangiti sya at alam kong sinusundo nya ako.

Napasulyap ako muli sa mga ulap.

Babalik ka pa ba? Kasi maghihintay ako. Hindi. Susundan kita dyan. Hintayin mo lang ako. Kagaya nang sinabi ko dati ako ang maghahanap ng paraan para makasama ka.

(HSC Book2) His Stupid Victim {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon