Fiona's POV:
Sa buhay may mga makikilala tayong mga tao at magsisimulang mag-isip kung anong magiging papel ng taong iyon sa mga buhay natin. Makakasama natin sila, magiging kaibigan na kung minsan ay nauuwi pa sa pagkaka-ibigan. Meron din naman tayong makikilalang mga kaibigan, mga kaibigan na takbuhan natin sa tuwing may problema tayo. Mga kaibigang handang umakap satin sa mga oras ng pagdudusa natin.
Naniniwala ako na sa buhay ay may makikilala tayong mga tao na may mga papel talaga sila sa buhay natin na gagampanan, maaaring bilang leksyon satin para sumaya, magtiwala, lumaban o di kaya maging ang leksyon para sumuko. Lahat sila may rason kung bakit natin sila nakikilala at nasa atin yon kung pano pa natin sila kikilalanin sa mga dadaan pang mga araw na kasama sila....
"Oi te saan ang isip natin? Sa mars? Sa earth o sa moon? Lalim psh" biglang sulpot ni Trisha na kaibigan ko, agad naman akong napaayos ng upo dala ng pagkakagulat nito sakin.
"Naiisip ko kasi kung paanong paghahandaan ang birthday ko next month, alam mo naman ang mommy gusto laging may eksena" kunwaring sabi ko pero totoo din yon, magbibirthday nako next month at debut ko iyon kaya ang gusto ng mommy ay bonggang handaan
"Hindi ka pa ba nasanay sa mommy mo HAHAHA ayos naman na lahat ah masyado ka namang kinakabahan, anyways punta ka mamaya sa party ah di ka dapat mawala don" biglang sabi nya sabay upo sa tabi ko kasabay non ay ang pagpasok ng prof namin kaya di ko na nagawang sagutin pa sya
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
BREAK TIME
Nagmamadali akong hinila ni Trisha papuntang canteen para sa 40 minutes break namin.
Pagkadating sa canteen ay ayun na naman ang mga nakakabinging bulungan ng mga ibang estudyante don, umupo naman ako agad sa nakasanayan naming pwesto at hinayaang si Trisha na ang mag order. Habang naghihintay ay napansin ko ang bagong pasok na lalake na hindi pamilyar sakin ang mukha, mukhang bago ayun agad ang nasa isip ko.
Nasundan ng napakalakas na tilian ng mga babae at mga binabae ang canteen habang papasok ang lalakeng iyon na deretcho lang ang tingin sa counter, nagulat pako ng biglang tumingin sa gawi ko ang lalake. Hindi ako sigurado kung sakin sya tumingin pero malakas ang kutob ko na sakin nga sya tumingin
Baka type ako >.<
Napatalon ako sa gulat ng bagsakang inilapag ni Trisha ang mga order namin sabay tawa nya ng malakas sa harapan ko na animo'y nang-aasar.
"Oh ano teh hulog panty mo? HAHAHAHA makatitig ka don parang titignan ka naman non HAHAHA" iiling habang tumatawang sabi ni Trisha at umupo na sa tabi ko
Tahimik kaming kumakain ni Trisha habang pasimple pa din akong nalingon sa lalakeng iyon kahit nakakarindi na ang mga tilian ng mga tao sa canteen gawa ng presensya nya ay hindi ko magawang mainis dahil sya lang nakikita ko
So fetch tih!
Napapailing nalang ako sa inaasta ng mga ibang estudyante dahil lang sa lalakeng iyon ng walang ano-ano'y biglang lalong lumakas ang tilian, maging ako ay parang manginginig ang kalamnan ng biglang tumingin sa gawi namin ang lalake
Ako ba tinitignan nya?
Totoo kaya ang hula ko na type nya ko? 0.0
Kung ako ay hindi na mapakali ay ganun din si Trisha na panay ako hampas at kurot sakin at paulit ulit na sinasabing
"Satin sya nakatingin! Satin sya nakatingin! Satin sya nakatingin!" Paulit ulit na banggit nya at nakakainis yon para siyang sirang-plaka pero dahil sa presensya ng lalakeng nakatingin samin ay hindi ko magawang mainis
Slow motion ang peg mga sis!
Agad akong natauhan ng makitang ngumiti ang lalake sakin na ngayon ay nakatayo na sa mismong harapan ko
"May I sit here? Wala pa kasi akong gaanong kakilala, I've noticed your table na dalawa lang kayo so if you—-" hindi na natuloy ng lalake ang sasabihin ng biglang hinila sya ni Trisha -.-
"Ah yes pogi dito kana kami lang naman dalawa nitong kaibigan ko ang nakaupo, anyways ako nga pala si Trisha." Agaran namang pinunasan ni Trisha ang kamay nya bago iabot sa lalake
parang tanga -.-
Ngumiti naman ang lalake dahil sa kakulitan ni Trisha at laking gulat ko ng sa harap ko nya inoffer ang kamay nya.
"I'm Luke, and you are?" Tanong ng lalake sabay ngiti ng matamis sakin. Magulat-gulat pako dahil sa ginawa nya pero agad din naman akong nakarecover at inabot ang kamay ko din sakanya
"I'm Fiona, nice to meet you Luke." Kalmadong pgpapakilala ko at inabot ang kamay ko sakanya, nabigla pa ko ng maramdaman ang bahagyang pagpisil nya sa kamay ko.
Para akong lumulutang ng oras na iyon pero hindi ko pinahalata. Agad naman na kong naupo matapos namin magpakilala, sa sobrang lutang ko e hindi kona mapansin na nagpakilalaan din sila ni Trisha. Nabalik nalang ako sa katinuan ng maramdaman kong bumubulong na sakin si Trisha
"Ang taray ng lolo mo trespassing, ako nag abot ng kamay sayo umuna HAHAHA mukhang bet ka ionnaaaaa" (ionna also read as iyowna) kinikilig na bulong nya sakin, hindi ko naman maiwasang matawa sa inaasta nya.
Naupo na si Luke sa harapan namin at kumain na kami, 40 minutes lang ang break kung noon ay nabibilisan ako sa oras ng break time namin dahil pakiramdam ko e kulang-kulang iyon pero ngayon ay animong sobrang bagal ng oras gayong gustong-gusto ko din naman.
Hindi na muling umimik pa si Luke at panay ang sulyap lang sakin habang kumakain, pinipilit ko nalang magkunwaring hindi naiilang sa presensya nya para hindi nya mahalatang balisa din ako. Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagring ang bell senyales na tapos na ang breaktime, agad naman akong napa-ayos at mabilisang mag retouch ng matte lipstick ko upang magmukha naman akong presentable kahit papano. Naramdaman ko nalang ang tingin ni Luke habang ginagawa iyon
Gosh hindi pa pala umaalis tong lalakeng to nakakahiya tuloy >.<
Nagmadali akong tinapos ang ginagawa ko at hindi nakaligtas sakin ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa mga labi nya at iiling-iling na tumayo habang ako ay balisang napatayo kasama ni Trisha
"Uy Luke mauna na kami ha terror kasi yung next subject namin bawal ma-late see you next time!" Malakas na sabi ni Trisha kahit nasa harap lang namin ang kausap, gawa siguro ng pagmamadali.
"Ah yeah, nice to meet you again Trisha... and Fionna." Hindi ko alam kung anong meron sa pagkakabigkas nya sa pangalan ko pero naramdaman kong nanindig ang balahibo ko sa madiin na pagkakabigkas nya sa pangalan ko
"Ah yes nice to meet you too una kami bye!" Ani trisha sabay hila sakin, ngingiti naman akong napalingon pabalik kay Luke at laking gulat ko ng nakangiti din syang nakalingon samin at kumaway pa ng bahagya sakin habang nakangiti bago tumalikod
It's nice to meet you too, Luke...
BINABASA MO ANG
Progress Love For Luke (Endless Love)Book 1
RomanceKilalanin at sabay-sabay na subaybayan ang trahedyang bubuwag sa perpekto na sanang love story nina Fiona at Tyler at kung paano ng mga ito malalagpasan. Abangan sa susunod pang kabanata... Story Language: TagLish