Chapter 2

4 1 0
                                    

Fionna's POV:

Habang nasa klase ay hindi pa din matahimik ang isip at puso ko sa pag-iisip kay Luke. Hindi ko magawang kalimutan ang gwapo nyang mukha, matangos nyang ilong at ang mapula-pulang labi nya tsk sobrang pinag-igihan siguro ni Lord nung ginagawa sya


"HAHAHAHAHA"


Hindi ko napansing tumawa palang talaga ko at laking gulat ng nanlalaki ang mga matang nakatingin na sakin ang mga kaklase ko habang si Trisha naman e pasimpleng natawa sa gilid ko, napayuko ako sa kahihiyan lalo ng makita ang galit na tingin ng prof namin




"I'm sorry miss" agad na sabi ko ng makabawi at lalo akong mainis ng lumakas ng kaunti ang pagtawa ni Trisha dahilan para makurot ko sya sa tagiliran at tignan ng masama. Akala ko ay titigil na sya ngunit nagulat ako ng mas lumakas pa ang pagtawa nito.


"Are you with us miss Fionna?" Seryosong tanong ng prof namin



Nakakahiya talaga T.T



"Yes miss, sorry." Nakayukong sagot ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng magtuloy na sya sa pagddiscuss nya. Naiinis na tinignan ko si Trisha ng mapansing panay pa din ang tawa nya ng tahimik

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK


Agad akong nagligpit ng gamit habang masama ang tingin kay Trisha, agad naman syang napahalakhak ng malakas matapos makita ang tinging pinupukol ko sakanya

"Ano ba kasing kababalaghan nanaman ang iniisip mo ha ionna talagang sa klase pa ni miss ka nag imagine HAHAHAHAHA jusq ka ghorl" ani nya habang patawa-tawa naming tinatahak ang daan papuntang parking lot, napapailing nalang ako at tawa ng konti sa kahihiyang inabot ko dahil sa pag isip sa Luke na yon

Pagkadating namin sa parking lot ay laking gulat ko ng makitang nakatayo si Luke sa harap ng isang itim na kotse, agad naman akong hinila ni Trisha papunta don

"Oi Luke!" Malakas na sigaw ni Trisha habang kumakaway pa


loka-loka to


"Oh hey Trisha— oh Fionna you're here too" nakangiting sambit ni Luke


"Hey" iyon nalang nasabi ko at kumalikot sa cp ko ng maramdamang nag vibrate ito

"Sha nasiraan daw driver namin kaya hindi tayo masusundo pano na to?" biglang sabi ko matapos kong mabasa ang message ng driver namin


"Gusto mo sabay kana sakin? May lakad din kasi ako now wala naman na tayo pasok pa mamaya may usapan kasi kami ni Theo na magkita after class" mahabang sabi nya, si Theo ang boyfriend nya. Agad naman akong nanlumo sa narinig ko tsk


Balak nanaman akong gawing third wheel mga mare



"Ganon ba? Sge kayo nalang magcocommute nalang ako nagccrave ako sa korean food punta akong mall e food court nalang siguro muna ko" sagot ko at agad namang tumango si Trisha sabay beso sakin matapos makita ang kotse ng nobyo



"Una nako Luke, See you tomorrow
ionna!!!" Malakas pang sigaw nya habang palayo ng palayo samin ni Luke



"Ah L-luke mauna n-nako, bye" hindi mapakaling sabi ko at agad na tumalikod sakanya, ngunit nagulat ako ng bigla ay higitin nya ang kamay ko. Nagugulat na tumingin naman ako kamay nyang humawak sa kamay ko




"What is it?" Tulalang tanong ko



"I just wonder if you want to go with me? Sa mall din kasi ang punta ko so yeah hehe" parang nahihiya pang sabi nya sabay kamot sa batok, pinanood ko naman ang paulit-ulit nyang paglunok habang binabanggit iyon


Nahihiya ba sya sakin?



"Sigurado ka ba? Baka naman makaabala ako sayo" sabi ko, ayoko tumanggi kasi ayoko namang isipin nya na ayoko sya kasama though di ko din sya ganun kagustong kasama basta ang gulo




"Yeah, wala din kasi ako makakasama maglunch ahm- my cousin was not yet done with his class so y-yeah I'm all alone" mabilis nyang sagot habang nakatingin ng deretcho sa mata ko


Gusto ko ng palamon sa kinatatayuan ko sa sobrang pagkakatitig nya >,<




"Okay? Then thank you, nakakahiya naman sayo pero thank you" sabi ko na tatawa-tawa para naman mabawasan ang ilang nya sakin, halata kasi masyado at hindi ko alam kung bakit



"Ahm this way?" Ani nya sabay turo sakin ng sports car nya na nasa gilid ng kinatatayuan nyang kotse kanina at agad ako pinagbuksan ng pinto. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko ng mga oras na inalalayan nya ko sa pagpasok sa kotse nya hanggang sa pagsuot ng seatbelt




Makakasama ko sya mag lunch, is this a date? waaaa I cannot!

Progress Love For Luke (Endless Love)Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon