CHAPTER 1

10 1 0
                                    

Chapter 1

"Miss,mayroon pa po bang color red na ganitong dress?"tanong ko sa saleslady na nasa harapan ko.

"Ah,yes po, ma'am.Sunod po kayo sa akin."I smiled and followed after her.

"Ma'am,upo po muna kayo r'yan."Turo niya sa may couch.

Lumingon muna ako para tignan pa ang ibang maaari kong magustuhan.Bumibili kasi ako ng dress para sa end year party namin sa friday na gaganapin sa birthday ni Sean,isa sa pinakamalapit ko na kaibigan.

Habang naghihintay napag-desisyunan ko na magtingin muna ng heels para sa party.Kinuha ko iyong 6 inches na silver gold ang kulay.Paglingon ko,someone caught my attention.Guy who's wearing plain white shirt and checkered pants.He's around 5'11,he has hazel brown eyes.Mapula pula rin ang labi at matangos ang ilong.

Grabe,Lord!May blessing!Tuwang-tuwa na sabi ko sa sarili.

"Ma'am,ito na po ang hinahanap niyo!"Biglang tawag sa akin ng Saleslady.Bumalik ako sa katinuan at napangiti sa kanya.

Tumingin ako ulit sa lalaki at napatingin din siya sa akin na kunot ang noo.

Problema no'n?Sungit pala, pass.

"Okay na po ba, Ma'am?"Tanong sa akin ng saleslady,tumango naman ako bilang sagot.

Kinuha ko rin ang heels na napili upang ibigay sa babae at sumunod ako sa kanya papuntang counter upang magbayad.Inilabas ko na ang credit card ko at ibinigay ito sa cashier.Bigla namang may sumulpot sa likod at kaya mapabalikwas ako.

"Hoy,anong ginagawa mo rito?"Salubong sa akin ni Sean.

"Tang ina mo!Papatayin mo ako sa gulat!"Kunot noo kong sabi sa kanya.

"Ay,wow ha!Gulat ka pa sa kapogian ko."He smirked.

"Don't you see?S'yempre nandito ako para bumili ng dress,ang tanga mo!"Banat ko sa kanya.

"Ay,salamat ha!Libre mo na pala ako."Pang-uuto niya sa akin.

Kinuha ko na ang pinamili ko para makaalis na sa pang-aasar nitong si Sean.

"Ikaw tigil-tigilan mo ako,Sean Patrick!"Tinuro ko siya.

"Hoy,gagi,walang banggitan ng pangalan,mamaya i-search nila ako sa facebook."Lumingon ako sa paligid.I rolled my eyes.

"Hey,Xav,Come here!"Palingon ako sa lalaking tinutukoy niya.

"Kanina pa kita hinahanap."Reklamo ng lalaki sa kanya.

Nagulat ako dahil magkakilala pala sila nitong kaibigan kong kumag.Napatingin ako sa lalaki at ganoon din siya sa akin.

"Hoy,Zea,alam kong gwapo ang pinsan ko pero mas gwapo ako."Ngumiti siya ng nakakaasar.

"Ano naman?"Pang-babara ko sa kanya.

"Huwag mo naman ako ipahiya.Ay,Xav,si Zea nga pala,yaya ko."Sinuntok ko siya sa braso.Nakita ko naman iyong Xav na natatawa kaya napairap ako.

"Hoy,masakit ha!"Reklamo sa akin ni Sean.

"Deserve mo."Akmang sasapakin siya ulit pero nakailag siya.

"Zea,Si Xavier,pinsan kong gwapo pero mas gwapo ako."Pagpapakilala niya.Nginitian ko lang ang lalaki ng tipid dahil naaalala ko ang pagsusungit niya.

"Zea,una na kami,gusto mo ba sumabay?"Aya ni Sean sa akin.

"No thanks,kaya ko mag-isa."Masungit kong sagot sabay kuha ng gamit ko.

"No thanks,kaya ko mag-isa."pang-gagaya niya pa.

SOMEONE'S GONNA LOVE MEWhere stories live. Discover now