RANDOM 95

929 26 72
                                    

Zyven's POV

Weekend ngayon kaya nandito lang kami sa bahay. Tinatawag na ako nila Mama kaya dumiretso ako sa kusina para kumain. We were eating peacefully pero si Zharm tutok pa rin sa phone niya kaya pinagsabihan siya ni Papa, kaya agad niya naman itong binaba. Sino kaya kausap niyan?

"Kuya, ginagamit mo pa ba yung dati mong number?"tanong ni Zharmaine kapatid ko. She's 2 years younger than me.


Umiling ako "Hindi na. Nakainsert lang sa luma kong phone." Hindi ko na nga yun nagagalaw wala namang important contacts tsaka mga important files na nandoon. Tsaka lahat ng active contacts ko nandito sa isang phone.


"Functional pa ba yun or hindi na?"tanong niya ulit

"Functional pa naman, di ko lang trip na gamitin kasi nga dati pa yun eh. Nakatago lang sa drawer ko." Tumango naman siya sa sinabi ko

"Bakit? Gusto mo hingiin?"


"No kuya, nagtatanong lang"sagot niya. Binalewala ko na lang.



Start na ng classes kaya start na din ng stress. Na appoint pa ako maging Vice-president ng organization namin. Gusto ko sanang tanggihan pero dagdag experience na rin. Gusto ko rin maenjoy ang college years before I graduate. Buti na rin to para naman magkaroon ako ng ganap.

Ngayong 4th year na ako, mas naging busy na, kakastart pa lang ng first semester pero tambak na ng gawain. May mga minors pa na mga bida bida, sarap bigwasan.


Hanggang sa nag exam for prelims, buti na lang nag aral ako sa exam nato. Hello Midterms nanaman. After exams, syempre di mawawala ang gala, pampawala ng stress sa exams.

Nagyayaya mga tropa ko pumunta ng Puffs, isang club malapit sa university kaya sumama ako. Hindi naman ako masyadong umiinom eh, sumasama lang ako kasi nandoon yung tropa. Ayoko kasi sa feeling ng lasing na lasing masakit sa ulo kinabukasan.



Madaling araw na nang napagdesisyonan naming umuwi, nakainom ako pero nasa tama pa isip ko, ginawa tuloy akong uber driver ng mga mokong nato, kung di ko lang to mga kaibigan iniwan ko na to sa kalsada.

Nandito ako sa kwarto ngayon, wala akong ganap ngayon kasi ginagawa ko naman on time yung mga floorplans and layouts ko kaya di ako nagcacram. Pati yung mga reports ko nakagawa na rin ako ng powerpoint para doon, I know how to manage my time. Nabored ako kaya napag isipan kong kunin yung luma kong phone. Agad ko itong in-on.

Pagka on na pagka on nabigla ako kasi ang daming messages. Sino tong nagflood ng messages?


Uknown number naman, sino to? Nagscroll ako sa pinaka start ng message. Eto yung number na ginamit ni Zharm pang text dati para magpasundo. So it means classmate to ni Zharm dati?


Binasa ko na lang yung mga texts niya, natawa na lang ako, ang random naman neto, nagsesend ng rants, lyrics kung ano ano lang. Akala siguro tinapon na ng may ari ang simcard kaya ginawa niya itong diary haha ang cute.

Epistolary: Random (WAW TEXT SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon