SPECIAL CHAPTER (ZY x PIE)

1K 32 27
                                    


"Chill ka lang, you look tense"Sabi ko at tinignan ang taong katabi ko na nasa shot gun seat


"Baka kasi ano, what if ayaw sa akin ng Mama mo? What if ipagtabuyan niya ko? Anong sasabihin niya pag nalaman niyang I'm younger than you? Na ka age ko lang kapatid mo. Baka alam mo yun, mas gusto niya ng someone mature for you. Someone na ka age mo?"sabi niya avoiding my gaze.


Palihim akong natawa sa isip ko, kung ano ano naman inooverthink nito. 2 years lang naman gap namin anong masama. kaya mahina kong pinitik ang noo niya. Nabigla naman siya sa ginawa ko kaya sinamaan niya ako ng tingin, ang cute niya talaga para siyang keychain. Ang sarap iuwi.



"You're just over thinking too much Pie. Kilala ka na niya di ba? Hindi naman siya strict and terror gaya ng iniisip mo. "sabi ko 



"Kilala niya ako bilang kaibigan ni Zharm, hindi bilang girlfriend ng kapatid ni Zharm"sabi niya kaya hinawakan ko ang kamay niya, her hands are cold. I intertwined my hands with her



"She'll like you okay?"Sabi ko and kissed the top of her hand, giving her assurance. I still can't believe I can already do these things with the girl I like



"Ilang girls naba ang napakilala mo sa Mama mo?"bigla niyang tanong



"Wala pa. Ikaw pa lang"



"Weh di nga?"



"Oo nga"sabi ko and manuevered the steering wheel para lumiko kami



"Yung iniyakan mong ex noong freshman ka pa? Di mo man lang napakilala?"




Umiling ako "We were both not serious that time. Tsaka hindi umabot sa point ma parang gusto ko siya maging part ng family ko"



"Not serious pero iniyakan?"



"Come on, immature pa ako that time. I didn't really know what Like and Love was, until you came along"sabi ko at tinignan siya. I just wanted to see her reaction



She just rolled her eyes at inismiran ako and she slightly push my head. Bakit kahit anong gawin niya, it makes me fall for her.




"So serious ka sa akin kasi ipapakilala moko?"tanong niya kaya tinignan ko siya ulit at tinaas ang dalawang kilay bilang pag sang ayon. Nakita ko naman siya na parang nagpipigil ngumiti. Cute.



"Ano kaya kung sabihan ako ng mama mo ng  'Eto, isang milyon, layuan mo ang anak ko' "biglang sabi niya ulit



"Oh, anong sasabihin mo pag nagkataon?"



"Higher, Tita"sabi niya at tumawa. Nakakahawa yung tawa niya kaya natawa na lang din ako. Nagtatawanan lang kami habang nag dadrive. Atleast nag loosen up na siya, di na kagaya ng kanina na halatang sobrang tensed.




After ng ilamg minutes nakadating na kami sa bahay. Agad kaming bumaba at inalalayan ko si Pie na nagdala ng cake. Siya daw nagbake niyan eh. Pinatikim niya sa akin dati and sobrang sarap.




Pumasok kami sa bahay, agad naman kaming pinagbuksan ni Mama. Parang palabas din ata siya.




"Hello po Tita"sabi ni Pie at nagmano



"Piandra iha, napadito ka? May lakad kayo ni Zharm?"sabi ni Mama at nagpabalik balik ang tingin sa aming dalawa ni Pie. Umiling naman si Pie



"Ma, Girlfriend ko nga pala"sabi ko at inakbayan siya. Agad naman nanlaki ang mata ni Mama.



"Si Piandra ang girlfriend mo? Bakit di mo sinabing may girlfriend kana na dadalhin dito?! Di tuloy ako nakapaghanda"sabi ni Mama at pinaghahampas ako




Epistolary: Random (WAW TEXT SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon