Vhine Santiago

205 3 0
                                    

Vhine's POV
Ako si Vhine Santiago, kaklase ako ni Lillian noong 1st grade hanggang 6th grade.
Tapos, pumunta akong Canada.
Pero bago ako pumunta ng Canada I left a note for Lillian.
FLASHBACK•
Last 3 days na ng school namin ngayon.
Wednesday, March 18, ****. 6:30 am.
Papunta na ako ng school ngayon. Ayokong ma-late kaya maaga ako.
Kung sinabing kong last 3 days na ng school sa kanila.
Kasi ako last 2 days ko nalang ako sa school na toh.
Sad nga eh, maiiwan ko na yung taong mahal ko.
Si Lillian Castro....
Mahal ko sya kaso hindi nya alam yun.
Kilala akong bad boy ng school na toh, pero bumabait ako pagdating sa kanya.
Kilala din akong playboy sito kaso sya lang talaga ang laman ng puso ko.
Putek! Ang corny ko na masyado! Masyado na akong bakla!
May mga rumors ng daw na gusto din ako ni Lillian.
Pero hindi ako naniniwala sa mga yun.
Kasi ang alam lang ni Lillian ay mga libro.
Nerd kasi si Lillian. Alam ko ding wala syang alam sa pag-ibig.
Masyado syang inosente para sa mga ganun!
Pero ayos na sakin yun. Kilala akong bully laso hindi ko sya binubully kasi baka layuan nya ako.
Kaya dapat goodboy ako sa kanya.
Isipin nyo lang isang school's bad boy heartthrob magkakagusto sa isang nerd na walang ayos manamit, buhaghag na buhok at lahat.
Hindi kasi ako tumitingin sa panlabas na anyo, tumitingin ako sa panloob na anyo.
Kahit tahimik lang sya masyado akong nahulog sa kagandahan ng loob nya.
Mabait si Lillian, matalino at hindi mahilig sa gulo.
Maganda naman kasi si Lillian kung tutuusin.
Hindi lang talga sya pala-ayos, pala-lagay ng kolorete sa mukha.
Isa lang syang simpleng babae na manang manamit.
So back to reality.
Andito na ako sa school at papunt na sa mga barkada ko.
Kaso pag-bukas ko ng pinto may naka-bunggo akong babae.
"Ay, sorry." Sabi nung babae saakin at kinuha ang gamit nya.
Si Lillian to.
Tinulungan ko sya tsaka ako nag-salita.
"Ayos lang. Ingat ka lang ah." Sabi ko at nginitian sya.
"Salamat." Sabi nya.
Ayoko ng palampasin ang panahon kakausapin ko na sya.
"Ah Lillian," sabi ko lumingon sya "totoo ba yung mga naririnig ko na gusto mo raw ako."
"Paano mo nalaman yung pangalan ko?" Tanong nya.
"Wala lang. So ano? Totoo nga?" Tanong ko ulit.
"Ahh.... Ehh... S-siguro?" Sabi nya.
*dug**dug**dug*
Siguro. Yung siguro na yun pwedeng oo!!! YESS!!!
Gusto nya rin ako!!!
"Eh, Ikaw? Sino gusto mo?" Tanong nya.
"Ako? Yung gusto malapit lang sya sakin. Kausap ko na sya ngayon." Pagka-sabi ko nun napa-tingin sya sa mga mata ko.
"A-ako ba yun?" Tanong nya.
"Oo. Ikaw yun Lillian. Mahal kita." Sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman sya ng napaka-laki tapos niyakap nya ako ng mahigpit.
"Lillian, bakit?" Tanong ko at niyakap rin sya.
"Dahil sa wakas gusto rin ako ng mahal ko!" Sabi nya sakin.
"So, tayo na ba?" Tanong ko.
Bigla syang humiwalay sa yakap.
Napa-lunok rin sya.
"Ah.... S-sige. Kaso baka maging komplikado ang relaayon natin. Alam mo na, famous ka nobody ako..." Sabi nya at tumigin sa mga daliri nya.
"Hindi yan! Basta, tayo na ah!" Sabi ko at niyakap ulit sya.
Niyakap nya rin ako. Kaso iiwan ko rin sya pagtapos ng 2 days.
Parang ayaw ko ng pumunta ng Canada dahil sa kanya.
Mabuti ng wag kong sabihin para hindi sya mag-alala.
Pagtapos nun nag-simula na ang klase.
*
Natapos na lahat ng klasw namin at hinatid ko si Lillian sa bahay nya.
Pagtapos ko syang ihatid umuwi na rin ako.
*
Andito na ako sa bahay, nagpapahinga.
Iniisip kung paano ko sasabihin kay Lillian na aalis na ako pag tapos ng araw bukas.
Ugh! Ang hirap naman nito! Ayaw ko na!
*
Dating na ang araw kung kelan bukas na ako aalis.
Kailan ko ng gawin lahat-lahat.
Pag-dating ko ng school, hinanap ko agad si Lillian.
Hinila ko si Lillian sa likod ng school.
"Teka, Vhine! Saan tayo pupunta?!" Tanong nya
"Basta" sagot ko.
Pagdating namin sa likod ng school sinabi ko na lahat kung gaano ko sya kamahal.
Napa-ngiti ko naman sya dahil sa mga sinabi ko.
"Vhine, bakit mo ba sinasabi ng mga lahat ng toh? Parang sa tono ng mga boses mo parang wala ng bukas." Sabi nya at medyo tumawa.
"Lillian, wala ng bukas para sakin. Kaya kung halimbawang aalis ako wag mo akong ipagpapalit, hintayin mo ako ah." Sabi ko sa kanya.
"Syempre iintayan kita." Sabi nya saakin.
Niyakap ko sya ng napaka-higpit.
"Ahhkkk! Hindi ako maka-hinga Vhine." Sabi nya.
Hinalikan ko naman sya sa labi.
Nagulat sya dun, peck lang naman eh.
"Ikaw ah. Nagnanakaw ka ng halik." Sabi nya na ikinatuwa ko naman.
"Mahal kita, Lillian. Mahal na mahal." Sabi ko.
"Mahal rin Kita, Vhine. Mahal na mahal na mahal kita. Kaya wag mo akong iiwan ah, wag mo akong saktan." Sabi nya saakin.
Ouch!! </3
Nakaramdam ako ng guilt sa sinabi ni Lillian.
Lillian, patawad kung sasaktan kita. Patawad kung iiwan kita. Wag ka mag-alala babalikan kita.
*
Natapos ang araw ko ng masaya.
Andito ako sa kwarto nag-iisip ng mga masasayang araw namin ni Lillian.
Sana hindi na matapos ang araw na nakilala ko sya.....
Kaso wala na kaming magagawa, bukas na ang alis ko.
Teka! Pwede akong mag-iwan ng note sa locker ni Lillian!
Tama! Mag-iiwan ako!
*
Pumunta ako sa school para idikit ang note sa locker ni Lillian.
Hindi nya ako makikita dahil nandun na sya sa klase.
Pumunta ako sa locker nya at dinikit duon ang note.
Lillian,
Patawarin mo ako kung masasaktan ka sa mga sasabihin ko. Aalis na ako ng bansa. Pupunta na ako sa Canada. Alam ko masakit para sayo. Sakin din masakit na iwan ka. Alam ko ang sama kong tao dahil alam ko na ngang aalis ako gumawa pa ako ng relasyon. Wag ka mag-alala hindi kita ipagpapalit. Mahal na mahal kita, Lillian.
Love, Vhine
Pagkatapos kong iwan yung note umalis agad ako.
Ayaw kong makitang umiiyak si Lillian ng dahil sa pag-alis ko, nasasaktan ako.
Paglabas ko ng school dumiretso agad ako sa sasakyam dahil papunta na akong airport.
*
Papunta na ako sa loob ng eroplano.
Grabe, bawat hakbang bumubigat ang loob ko, nakakaramdam ako ng lungkot.....
Papunta palang ako ng eroplano miss na miss ko na sya.
Naglakad lang ako papunta sa upuan ko.
Pag-upo ko naka-ramdam ulit ako ng lungkot kaya bumuntong hininga ako.
Miss ko na si Lillian.....
Umandar na ang eroplano. Simbolo na aalis na ako ng bansa at hindi na muling makikita si Lillian.
Paalam, mahal ko.... Paalam, Lillian.....
•END OF FLASHBACK•
Kaya yun ang nangyari.
Ngayon, bumalik na ako para kay Lillian.
Dahil miss na miss na miss ko na sya.
Sana hindi nya ako pinagpalit para sa iba.
Dahil sya parin ang laman ng puso ko......
--------------
HELLO!!!!!! Ano ayos ba si Vhine? Kung hindi aalisin ko na sya sa storyang toh!! Ahahaha! XD
Nga pala, @mariel_malik, sa next chap nalang pala kita iinsert.
Btw, dedications are still open just PM me. :D
Sorry kung short. Ako na bahala sa spacing nito.

The Nerd PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon