Back To MY Past

162 2 0
                                    

Lillian's POV
Gabing-gabi na hindi pa rin ako makatulog dahil nakita ko ulit si Vhine.
Sya ang First love ko. Nung nakita ko ulit sya parang tumibok ulit yung puso ko para sa kanya.
Sabi nga kasi nila First Love Never Dies.
Pero, magmumukha naman akong paasa kay Alex.
Sinabihan ko sya na manligaw sya tapos iba pala yung bibigyan ko ng "oo" ko.
Hindi pala sya. Hala! Paano na toh?!
Mahal ko si Alex kaso nung dumating si Vhine tumibok ulit eh.
Hindi naman pwedeng magmahal ako ng dalawang tao. Diba?!
Dapat isa lang! ISA!
Hala! Ano pinaglalaban ko dito?!
O sya, matutulog na nga ako! Bukas ko nalang iisipin ang nga ganitong bagay!
Dadami ang eyebags ko nyan eh! Hahaha!
Okay, Goodnight~
*
"Lill, gumising ka na. Kakain na tayo." Sabi ng isang lalaki saakin.
Sino toh?
Malalim ang boses nya. Minulat ko ang mga mata ko.
Kaso, pilit na pumipikit eh. Kaya pinilit ko pa.
Pagbukas ko, si PAPA!
Bumangon agad ako at niyakap si Papa.
Tumawa naman si Papa. Grabe, hindi ko to in-expect!
"Papa, kelan ka pa umuwi?" Tanong ko kay papa sabay hiwalay sa yakap.
"Kagabi lang kami umuwi ng mama mo. Sa ngayon andun sya sa baba hinihintay ka." Sabi saakin ni papa.
"Aah! Ok po!" Sabi ko "susunod nalang po ako sa baba."
"Sige." Sabi ni papa at umalis na ng kwarto ko.
Teka, hindi ba nagtaka si papa kung bakit ganito na ang itsura ko?
Ay oo nga pala! Hindi nya nakita yung nerdy days ko.
Naghilamos na ako ng mukha at inayos ang sarili ko tsaka bumaba.
Pagbaba ko nakita ko sina ate kumakain na.
Hmm! Bacon and fried rice! Sarap!
Tumingin ako kay mama, kumunot ang noo nya.
"Sino ka?" Tanong ni mama.
"Ma, may amnesia ka ba?" Tanong ko.
"Sino ka ba? Ba't ka nasa pamamahay ko?!" Sabi ni ma saakin.
Tinatakwil na nya ako???
"Ma, ako to si Lillian!" Sagot ko.
"Ma, Lillian just have a make-over recently! Ako ang nagpa-make-over sa kanya." Sabi ni Ate kay mama.
"Wow! You look so beautiful anak!" Sabi ni mama saakin.
"Thank you, Ma!" Sabi ko sabay kain.
Lumamon agad ako. Kumuha ako ng bacon and rice.
White rice kinuha ko, I don't eat fried rice.
Ansarap ang pagakain! Para akong hindi kumain ng isang buwan!
Ewan ko pagka-gising ko nakaramdam ako ng gutom.
Pagkatapos ko kumain, pumunta ako sa banyo at naligo.
Baka ma-late ako saschool.
Paglabas ko ng banyo sinuot ko agad yung uniform ko.
Nag-medyas na rin ako, tapos sinuot ko naman yung sapatos ko.
Pagbaba ko nakita ko sina Ate at Léan nakatingin saakin ng wierd.
May dumi ba sa mukha ko? Kakaligo ko lang ah.
"Bakit?" Tanong ko sa kanila.
"Walang pasok! It's saturday!" Sabi jilang dalawa ng sabay!
"Saturday pala. Hindi ako informed!" Sabi ko at babalik sa kwarto ko para magpalit.
"Hindi ka informed o may gusto kang makita saschool kaya masyado kang spaced out." Sabi ni Ate saakin.
"I'm not spaced out, ate. Magbibihis na ako." Sabi ko sa kanay.
"If that's what you said, okay then." Sabi ni ate At nag-laptop ulit.
Nakakapanghinyang si Ate ngayon.
Teka, alam ba nila nanlilogaw na si Alex?
Hindi pa pala! Patay kang bata ka.
Sasabihan ko nalng kay Alex na sya ang bahala sa pagsabi nun.
Papayag naman sina mama at papa eh.
Then, pumunta ako sa kwarto at nagbihis na ko.
Pero, bakit nawala sa isip ko na saturday? Ano bang nangyayari saakin?
Dati gustong-gusto ko na saturday na agad, pero ngayon nakalimutan ko na.
Pagka-bihis ko bumaba agad ako at nag-cell.
Lumapit naman si Ate saakin. May binulong sya.
"Lill, may manliligaw ka pala! Wala kang sinasabi." Sabi ni Ate ng pabulong.
Napatingin ako sa kanya. Si ate naman naka-ngiti ng malapad.
"Paano nyo nalaman?" Tanong ko rin ng pabulong.
"Kasi-"
"Why are you guys whispering?" Tanong bigla ni Léan.
"Ah... Wala! Wag mo kaming intindihin!" Sabi ni Ate kay Léan.
Guys pansin nyo? Englishera tong si Léan?
Ako pansin na pansin ko eh. Hehehe!
Inamin ko kay Ate yung manliligaw ko.
Sya naman, kilig na kilig. Pero sabi nya paano daw si Vhine kung bumalik sya bigla.

Alam kasi nina ate yung kami ni Vhine. Hindi pang nila alam yung kay Alex.
Yan na naman yung kay Vhine! Okay na eh! Masaya na yung storya dumagdag pa sya eh!
Sabi ko kay Ate na yun nga nakita ko si Vhine nung ball pero hindi ko alam kung nakita nya ko. At kung makita nya man ako di ko alam kung nakilala nya ako. Kilala nya ako bilang nerd hindi maganda.

Si Ate ang pinaka-close ko sa pamilya. We always share kung anong nararamdaman namin and stuff.
I'm sure kung makikilala nya ako at kung makikita nya ako, sure akong malaking gulo ito!
Imagine, may manliligaw ako, si Alex. Tapos may ex-boyfriend, Si Vhine.
Paano kung may care pa rin si Vhine sakin? Paano kung magselos si Alex? Paano ko to aayusin kung saka-sakaling mangyari toh?

Aish! Malaking gulo ang ginawa kong pag-oo nung past at ang pag-oo ko ngayong present.

Sana walang gulo. Sana peace lang ang meron. Sana maayos ko lahat toh.
--------------
Guys, na-mro-mroblema na si Lillian. Tulungan nyo syang ayusin ang problema nya by just commenting your answers/thoughts. Kung sinobg may magandang sagot i-fi-feature ko dito yung sagot nya. Plus, may dedication pa sya! Thanks!
VOTE. COMMENT. BE. A. FAN. :)

The Nerd PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon