chapter 15 ~ The Twins

21 1 0
                                    

Chapter 15

( ung sa media po yung nasa left is si lou at sa right , si louie. :) ) 

[Kyla]

Natapos yung nangyari kagabi at ako naman tulala pa din. Wala lang feel ko lang na mag-emo for today. Sa tingin ko kasi ngayon ay nagpra-practice sila sa basement eh. Kaya naman ako dito, nakasalampak lang at nanunuod ng anime. Pinapanuod ko yung akatsuki no yona. Ang cute ni Ao.

“psst, huy grabe naiintindihan mo ba yan?” tanong ni lou, Japanese kasi yung language at may English subtitle lang siya pero hindi ko na siya pinansin dahil ayokong iniistorbo ako lalo na kung nanunuod ako ng anime. “snob.” –louie

Yung kambal ngayon ang kasama ko kasi nga di ‘ba nagpra-practice sila? Unli niyo grabe.

Tumayo ako para pumunta sa kitchen pero ang naabutan ko ay isang lalaking nagluluto.

“kyle?”

“yo, good morning. Nagluluto ako ng pang breakfast kaya pwede ka ng magintay dyan. Kaya ko na to.”

Tumango nalang ako, marunong naman pala ‘to magluto psh.

“kamusta na yung practice niyo sa baba?” tanong ko. “ung practice naming tinatanong mo, pero ako hindi ? how cruel will you be?”

“yieee, ang sweet niyo naman boss!”-louie

“shut up!” sabay na sabi naman ni lou at ni kyle.

Umm…o-ok?

~*~

“lalabas muna kaming tatlo, magba-bake kasi ako ng cupcakes at kulang yung ingredients sa ref.” sabi ko habang inaayos yung sapatos ko.

“eh? Kumpleto kaya dun sa loob! Saka wag muna isama sila lou! Ang kulit kulit kaya nyan!” sabi naman ni alexa.

“that’s the point. Hindi ba’t nagpra-practice kayo? Ano nalang mangyayaari sa practice niyo kung kukulitin lang kayo nitong makulit na kambal nito. Edi nganga kayo di’ba? Saka may naisip na ba kay kung ano ipe-perform niyo?”

Umiwas naman ng tingin si kurt at si ace. Pumipito pito pa nga sila. “ah… so ganon… sa buong maghapon wala kayong ginawa? Tayo!”

Nakaupo lang kasi sila sa sofa dito. At nanunuod ng tv. Kala ko naman may progress na yung ginagawa nila yun pala wala pa din! “eh kasi naman kyla!, nakakaboring kaya magisip saka naguusap kami ni kurt!”

“pakyu ka, magbreak na nga kayo. As in now na! nyeta! Tumayo na kayo at magpractice. At kapag naabutan ko kayong dalawa na nag-uusap at wala pa kayong progress huh. Sisiguraduhin kong wala kayong makakain this past 4 days.”

“weh?” –ace, kurt , alexa

Sinamaan ko sila ng tingin, “I’m dead serious.”

“myghad kyla! Pinatay mo pa yung sarili mo dahil seryoso ka?! Jusko marimar!” –lou

“kyla, wag ka naman magbiro ng ganyan wag naman oh. Hindi pa nga tayo nakaka 20 na chapter mamamatay ka na agad—“ bago pa niya maipatuloy ang sasabihin niya ay pinaguntog ko na ang ulo nilang dalawang kambal.

Ano ba yan! Ang gulo!

“basta alexa ayokong madadatnan ko kayong magkasama ni kurt. Ace, ibalita mo sa’kin kung nag-uusap sila. Pag di mo sinunod, you’re dead.”

He gulped. “ y-yes ma’am.”

“good. O sya, tara na.”

~*~

Love is ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon