[Kyla]
"ang kulit kulit niyo!" sabi ko sa dalawang kambal na kinukulit ako.
" eh~ , dali na kasi samahan mo kami sa secret base namin ~"
" base?! tamabayan kamo !" actually kasi di ko aakalain na magkaka-klase kami sa room. kahapon pala hindi sila pumasok dahil nag training lang sila magdamag.
ngayon naman na pinakilala ako ni alexa sa kanila, eto kinukulit ako . pati nga si alexa kinukulit ako.
" psst. kyla~ , sama ka na pls ? " -alexa
" ano ba kasing gagawin natin dun? " inis na tanong ko.
" tambay tayo dun~, nagpa-deliver kasi sila nang pizza. dali na sama ka na sa tropa namin ~"
" ay naku. pagkatapos kumain? "
" mag mo-movie marathon tayo~ " - lou
" tapos mag s-sleep over tayo dun ~" -louie
"hay naku . para kayong mga ewan. san ba kasi yun? "
nagtinginan naman silang tatlo at hinila ako palabas nang room. pumunta kami sa parking area at nakita yung sasakyan. " antagal niyo naman. " sabi ni kyle na nakasalubong ang kilay.
tinarayan ko lang sya.
pinasok nila ako dun sa kotse . basta malaking kotse siya. ang ganda pa. yung nagd-drive naman is si ace. " t-teka, minor palang kayo ah ? may lisensya ka ba ace?"
" yup~, hindi naman pwedeng wala. "
aba ayos 'to ah. siguro ginamit nila ang power of money para lang magka-lisensya . nagkwe-kwentuhan lang sila.
yung kambal na ke-ketchup. si kurt kinukulit si alexa. si ace nagso-sound trip habang ngda-drive. ako naman eto , nga-nga.
taena. OP ako sa kanila ah.
sa harap andun si ace at si kurt. sa gitna, yung kambal saka si alexa. kanina pa nga akong pinipilit ni alexa na makipagpalit daw ang pwesto dahil kinukulit daw siya ni kurt.
sa dulo naman ako saka si kyle. tahimik lang kami dito . walang nagiimikan. " wag mo kong titigan. alam kong gwapo ako. "
" kapal. kung ikaw na lang din ang gwapo, next topic na lang. " pagmamaldita ko dito.
" palibhasa panget. nabubuhay sa make up. "
" FYI , kahit wala akong make-up maganda ako. baka nga yang mukha mo pwet ko pa lang ."
" anong sabi mo?! nakakainis ka na ah!" tumingin naman yung mga kasama namin sa'min. " ts.. manihimik ka na lang nakakarindi yung bakla mong boses"
dahil sa inis niya, binato niya yung unan na nasa gilid niya kay lou. " aray naman T^T" -lou
" ang mean mo naman kay twin... " sabi naman ni louie
" pikon kasi eh. , wag niyo pansinin yan , bakla lang yan. pati sa lalaki pumapatol tsk tsk. " pang babara ko pa dito. " Aba't sumosobra ka na ah--!"
"hahahaha, for the first time kyle, may nambara sayo " sabi naman ni ace . " tsk. "
saan ba talaga kami pupunta? parang antagal naman ata -_-
don't tell me , kikidnapin nila ako?! . makatulog na nga lang.
after 25 minutes, naramdaman ko na parang may nagfa-flash na ilaw . " shhh. wag kayong maingay hihihi!" -alexa
" huy , i-bluetooth niyo sakin yan ah !" -louie
" huy sakin din !" -ace
i have a bad feeling about this. dahan dahan kong inimulat ang aking mata at nakita ang panginoon sa harap ko .

BINABASA MO ANG
Love is Zero
Romansasabi nila pag mahal ka ng mahal mo .. kayo na. pero sa istoryang ito hindi mo alam kung sasaraduhin o bubuksan ulit ng isang tao ang kanyang puso. sa panahon ngayon, marami ng nanloloko. dahil hindi sila nakukuntento sa isang tao. kaya dito natin ma...