Chapter 11: Wallet

115 4 3
                                    

OMG!! antagal ko nang hindi nagbubukas ng account ko dito sa wattpad kala ko wala na to pero may nagcomment, napangiti ako at dahil sa kanya nag-update ako at i dedicate this chapter sa kanya. hihi.

sana magustuhan mo...niyo. (^_^) kahit medyo maiksi lang.

________________________________________________

Chapter 11: Wallet

Lianne’s POV

            Malapit na ako sa bahay namin, tapos si Sophia sa kabilang kanto lang naman. Medyo late nadin kaming natapos sa lakwatsa namin, haha J sa totoo lang hindi naman talaga yun lakwatsa, bumili lang naman kami ng gamit para sa pasukan, ilang araw nalang kasi 2nd year na ako! I mean kami pala ni Sophia. Yehey! nagTOMS WORLD din pala muna kami saglit at syempre kumaen sa MCDO :D

  “o paano Sophia dito na ako. Ingat ka a”

  “sige, salamat.”

            Papasok na sana akong gate kaso napahinto naman ako nung tinawag ako ni Sophia.

  “nga pala bestfriend, naiwan ata to ng MCDO mo nung nag movie marathon tayo”

  “anu bayan?”

  “pitaka. baka sa kanya kasi to e”

  “ganun ba, a sige salamat. Ibabalik ko nalang to sa kanya”

  “wag kang mag’alala hindi ko pinakialaman yan.”

  “haha, ikaw talaga. Sige na, pasok na ako”

  “sige”

            Wala akong kasama sa bahay ngayon, nadoon kasi sila lolo kina ate Alyanna, umupo muna ako sa sofa tapos tinitigan yun wallet ni MCDO tsaka binuksan. Hindi naman siguro magagalit yun kung papakialaman ko ng konti yung wallet niya. (evil smile)

            Tinitignan ko na yung mga picture dito sa loob ng pitaka ni MCDO. Nice ang cute ni MCDO nung bata pa siya, kahit naman ngayon a. Ay mali, gwapo na pala siya ngayon, hehe. Sino kaya ‘tong kasama niya sa mga litrato? Puro babae pa naman, amp! Mama kaya niya to? Maganda siya, may pagmamanahan naman pala e, hihi. Hala! bakit magkasama si Miss Princess tsaka si MCDO? O baka kamukha lang naman. Pero kasi kamukhang-kamukha e. a basta one day, madadagdag din picture ko dito, ang ambisyosa ko !

            Ano kaya tong nakatupi na ito? Baka love letter? Baka galing sa admirer? Admirer na gusto din niya? Kasi bakit naman niya itatago to, diba? Hindi! >.< gusto kong tignan pero feeling ko nagtataksil ako kay MCDO. Haha! Ang praning ko, sige bubuksan ko na. hindi naman ako papagalitan tsaka ilang araw nalang magkakaroon na ako ng karapatan sa kanya at lahat ng kanya. Hehehehe. Praning na ata ako.

Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo yung luha ko, pagkabuklat ko nitong inaakala kong love letter. Sana nga love letter nalang to, sana hindi ko nalang pinilit sarili ko na buksan to, sana hindi nalang naging makulit isip ko, sana hindi ako naging curious kung ano to, pero tama sila nasa huli ang pagsisisi. Nagtataka na ba kayo kung ano yung nakasulat? At bigla-bigla nalang kumawala yung mga luha ko?

Niloko biya lang ako? Paano niya nagawa to? Naguguluhan na ba kaya? Ako din e, gulong-gulo. Hindi ko alam gagawin ko, parang gusto kong magwala na ewan. Sandal lang itetext ko lang yung walang hiyang lalaki nay un.

to: My MCDO

>siguro dapat ko nang palitan pangalan niya sa contacts ko, never naman kasi siyang naging akin e. sadyang assuming lang?<

"magkita tayo ngayon sa may park, may ibabalik lang ako sayo tsaka may sasabihin din, ngayon na. hindi na to maipagpapabukas pa"

            Hindi na ako magpapalit pa ng damit, pinunasan ko lang luha kotapos dumiretso na akong park. Dala-dala yung pitaka ng lalaking yun.

            Nga pala yung nakasulat sa nakatuping papel ay… ay….

            ay...........

“My Signs and Wishes” tapos yung sa huling part may nakasulat na signed by: Lianne Hudson.

­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­_____________________________________

Marc Calvin’s POV

Grabe, buti nalang nakita ko tong kopya ko nung….   sikreto ko muna ha, sasabihin ko din naman next time e. alam ko kasi lagi kong iniipit sa wallet ko yun ee, nawala ko kasi ata yung wallet ko kaya hinanap ko to agad. Hindi ko alam kung anong mangyayri pag may nakabasa nitong iba.

Beep.beep

from: Iang ko

" magkita tayo ngayon sa may park, may ibabalik lang ako sayo tsaka may sasabihin din, ngayon na. hindi na to maipagpapabukas pa "

            Bakit ganun yung pakiramdam ko, na parang may masamang mangyayari. Bakit kasi nya ako papapuntahin ng ganitong oras, pwede naman bukas. Baka hindi na siya makapaghintay na sabihing gusto din niya ako? Haha! Masyado akong tamang hinala. Punta na nga lang ako dun.

           Papalit muna ako tapos papabango, mahirap nab aka mayakap ko si iang sa sobarang saya ko sa pag-amin niya.

            Andito na ako sa park, nakikita ko na si Iang nasa may duyan. Pero bakit ganun, parang ang lungkot niya? Kasi nakayuko lang siya.

            Lumapit na ako sa kanya at nagsalita, baka kanina pa to nandito.

“Iang?”

“bakit mo ako niloko? All this time akala ko totoo na lahat ng ito, na ikaw na talaga”

Tingin ko umiiyak niya siya ngayon at nakayuko padin siya. Pero naguguluhan ako, bakit ganyan ang mga sinasabi niya?

  “Iang bakit ka umiiyak? Hindi ko maiintindihan yung sinasabi mo?”

  “bakit? Tingin mo bakit? Malamang dahil sayo at sa panloloko mo!” – saglit niyang inangat yung ulo niya para titigan ako ng masama kaya nakita ko na mugto na yung mata niya.

  “ano?”

  “wallet mo nga pala, naiwan mo kila Sophia” – saglit siyang huminto, huminga ng malalim at muling nagsalita.

  “tsaka to”

            Kinabahan ako nung may binigay siya sa aking nakatuping papel. Tapos nung binuksan ko. Hindi ko alam pero may mga kataga akong nasambit.

  “mukhang nabisto mo na ako.”

            Pagkasabi ko nun, tumayo na si Iang sa duyan tapos umalis ng hindi nagsasalita. Pero bago siya tuluyang makalayo sa akin may tinanong siya.

  “may huling tanong lang ako, may sapatos ka bang asul?”

  “wala.”

            Ewan kung bakit yun ang sinabi ko pero ang gusto ko talagang sabihin ay “ou, Iang meron. Lahat ng sapatos ko kulay blue” pero tama na rin siguro yung ginawa ko para hindi na siya maguluhan pa.

  “iang, mahal na kita. Hindi, mahal kita. Patawad kung nasaktan kita. Kung nasasaktan ka nang ganito.” Nabulong ko nalang yan sa sarili ko habang tanaw-tanaw padin ang babaeng palayo sa akin. Palayo sa buhay ko.

            Kaya nung malayo na si Iang at hindi ko na siya tanaw, hindi ko na napigilan yung sarili ko. Tao lang din naman ako, nasasaktan, umiiyak. Ou umiiyak ako. Tapos bumuhas pa yung ulan, san ka pa diba?

  “ aaahhhh! Ang gago ko!”

Hindi ko nakontrol sarili ko, buti nalang walang tao sa paligid nung napasigaw ako. Ang tanga ko, bakit hindi ako nagpaliwanag na hindi akin yung inabot niyang papel kanina. At ano? Sasabihin ko na yung kopya ko nasa akin? Kung hindi nga naman ako tanga. Ang baliw ko para pakawalan ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Signs and WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon