Chapter 3: Gate

254 12 3
                                    

Chapter 3: Gate

Lianne's POV

Hays, lunes na naman. Dalawang araw na mula nung mawala yung notebook ko. Sana kung sino man nakuha nun ay ibalik na sayang naman yung pambayad ko ng tuition fee pati narin yung napaaga kong pamasko. tsk!

Pero higit sa lahat,  hindi ko maalis sa isipan ko si mr.Blue, hindi dahil sya si mr.Blue kundi dahil sa mata nya. Naaalala ko kasi talaga sa kanya si Vincent. miss ko na talaga yung taong iyon madalaw nga yun sa linggo.

Pasok na nga ako..

* Your beatiful eyes, Stare right into mine

And sometimes I think of you late at night

I don't know why, I wanna be somewhere 

Where you are, I wanna be where*

calling..

Sophia my bff..

Naku tumatawag na ang mahal kong bestfriend.

             "best, asan na ikaw?, dito na ako malapit sa gate." 

            "naglalakad na akong teresa, napa-xerox mo na ba?"

            "oo, intayin nalang kita. bili ka na dyan ng I.D. lace"

             "sige, sige."

at iyon, sinunod ko ang utos ni sophia kong mahal. bumili ako ng I.D. lace pati yung lalagyan ng I.D., nagtataka ba kayo kung bakit ako bumili nito? wala naman akong I.D.. e kasi yung pinaxerox ni bestfriend e yung regiCard nya tapos iyon yung ilalagay namin sa plastic na lalagyan ng I.D., remember nawala yung regiCard ko, kaya no choice I need to cheat., sorry.

ok, papasok na kami ng gate. hinga muna ng malalim., nakipila na kami sa mga estudyante. At last! nakalagpas din.

            "best apir naman tayo dyan!" at iyon nag.apir kami

            "salamat sa idea mo best aa." galing talaga ng bestfriend ko.

            "welcome, pero nakita ko lang yang style na yan sa ibang estudyante dito"  talaga? hindi lang pala ako gumagawa nitong kalokohan na to., buti naman.. pero kinabahan talaga ako sa ginawa namin kanina, I mean ginawa ko kanina.

Pasok na kaming classroom.

Sa room..

            "best, anong nginingiti mo dyan?" with matching hawak sa balikat at alog-alog pa sa kanya.

            "wala best, may bago lang akong crush" ayun, inlab pala.

            "katext mo?"

             "hindi, kaibigan lang niya katext ko." naguluhan ako dun ah!

            "ano?!"

            "katext ko yung kaibigan nya na kapit-bahay ko naman." gulong-gulo na ako aa.

            "so?!"

          "ipapakilala nya raw ako sa crush ko."

            "ayon naman pala, pakilala mo rin ako"

            "next time ka na, pag kilala na niya ako. tsaka lagi daw busy yun ee"

            "damot!"

            "hindi naman sa ganun best, alam mo na mas maganda ka."

            "so?"

            "baka sayo mainlove e."

Hindi na ako sumagot, nakanguso nalang ako tapos dumating na yung prof namin sa 'college algebra'. hays, papahirapan na naman ako nitong MATH na ito, kapag ako talaga naging presidente ng Pilipinas una kong ipapatupad na batas ay..

'ang pagpapatanggal ng MATH bilang isang subject' hehe. matching aja.aja pa.

            "best, bakit ka nagtataas ng kamay? alam mo sagot sa tanong ni ma'am? pashare naman."

            "ah.. e-eh?" hala, lagot! bka bigla akong tawagan ng prof. namin.

            "yes, Lianne? go to the board and answer the problem" ayan na, tinawag na nga ako, patay na. may pa aja-aja pa kasi akong nalalaman ee..

            "go, best! daya mo aa hindi ka nagshare ng sagot sakin." kung alam mo lang Sophia kong bestfriend, hindi ko talaga alam.

Nagpunta na ako sa harap at kumuha ng white board marker, binasa ang problem

"factor: : 9a^2 - 54ab + 81b^2" ang basa po dyan ay: 9a(squared) - 54ab + 81b(squared)

tsaka nagsagot.

Anong sagot niyo?, tulonggg!

“(3a-9ab)^squared” yan sagot ko.

Pray, pray, sana tama sagot ko. habang naglalakad ako pabalik sa upuan ko sa may bandang likuran.

          "ok, Lianne got the correct answer." yes! nakatsamba ako dun ah! buti nalang talaga nakapag-advance reading ako kagabi.

          "galing mo best." para yun lang, ito talagang bestfriend ko.

Natapos rin ang klase 1:30 na ng hapon, ang hirap maglakad dito sa Freedom Park ang init ee.

         "o ayan na bestfriend ha! nandito na tayo sa gate, ingat ka ah,." ay bakit hindi na ba siya nakakalabas ng gate ng PUP ngayon? hehe, mga iniisip ko naman.

         "bakit?"

         "may gagawin pa kasi yung organization namin e, alam mo na malapit na week ng college natin" ay oo nga pala no.

         "sige, ingat bestfriend ah! text mo ko kapag nakauwi ka na." makapagpaalala naman ako, parang nanay lang.

Kumaway nalang ako sa kanya nung medyo malayo na ako hanggang sa makalabas na ako.

Pagkalagpas ko ng riles ng tren, nakapakot nalang ako ng ulo kasi parang may nadaan yung mata ko na pamilyar na mukha pero hindi ko nalang pinansin.

Tsaka may naririnig nga rin akong tumatawag sa akin. Pero haler! hindi lang naman ako nag-iisang Lianne sa mundo. Hanggang sa maya-maya may biglang humila ng braso ko.

Marc's POV

Lunes na naman, nakakaasar talaga kanina pa ako tinetext nitong kaibigan ko. May papakilala daw siya sa akin. tsk. taga sa kanila raw. pake ko naman dun, e hindi ko naman kilala yun, nireplyan ko nalang siya na busy ako, totoo naman ah. busy ako! PERIOD.

Wala naman akong pasok kapag monday pero aalis parin ako, magbabakasakali na makita ko si Lianne doon sa school nila. naks, kala mo kung sino akong kakilala siya. Pero parang pamilyar talaga siya sakin, parang nakita ko na siya. parang lang naman yun.

Kanina pa ako dito sa gate ng PUP. halos magdadalawang oras na rin mula nung dumating ako dito. shet! hindi ako to, hindi ako sanay na may hinihintay kung meron man ilang minuto. Tagal naman nun makauwi na nga lang, ay hindi punta nalang ako kila steven ng makapaglaro ng basketball.

Pero teka lang, parang si.. si.. siya yun ah! Habol-habol, sinisigaw ko din name niya pero hindi effective,

at last nahawakan ko rin braso niya.

         "Lianne!" naks, kala close kami e no.

         "Yes? Do i know you?" shet, pahiya ako dun ah! hindi pala siya.

         "Sorry, miss. I though ikaw yung kakilala ko." kakaasar! akala ko talaga siya na yun. Makapunta nalang talaga kila steven itetext ko nalang yun.

Sakay nalang ako ng jeep pa , at iyon nagsakayan narin ibang pasahero pero maluwang parin itong jeep na nasakyan ko. medyo disappointed parin ako akala ko kasi talaga si Miss Lianne na yun.:(

Nakahawak lang ako sa mukha ko, hays. nababading ako!

Signs and WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon