Chapter 1: Notebook

433 16 5
                                    

Chapter 1: Notebook

A year ago..

         "best, tahan na! hindi ako sanay na nakikita kang umiiyak ee. huwag kang mag-alala makikita rin natin yun" pagpapatahan sa akin ng bestfriend ko

         "kasi naman e, *punas muna ng mga luha sa pisngi gamit ang kamay* magagalit sa akin si tita kapag nalaman nya to. alam mo namang siya nalang inaasahan ko sa pag-aaral ko e." humihikbi kong sagot

        "hindi pa naman lumilipas ang ilang oras e, mahahanap pa natin yun, wag kang mag-alala kasi." buti pa si bestfriend positive thinker

        "best, maghiwalay nalang tayo, balik akong room tapos ikaw punta kang Linear Park, doon tayo huling nanggaling, diba?" mabuti pa nga

        "oo sa Linear Park nga." walang ganang sagot ko

        "kita nalang tayo sa white house pagkalipas ng dalawampung minuto"

        "sige."

[ A/N: para po sa hindi nakakaalam ng white house, hindi ko rin po alam kung bakit white house tawag dun ndi naman purong puti yun ee., basta anu yun waiting shed sa harap ng tennis court ]

Habang naglalakad ako papuntang Linear Park papakilala muna ako at kung bakit ako naiyak. 

Ako nga pala si Lianne Hudson, certified PUPian, I took BS Biology, at nasa second semester na ako bilang freshman dito sa PUP. pero hindi ako kasama doon sa mga aktibista na naghahagis ng mga upuan o kaya naman yung sumasama sa rally. Pero nakikiisa rin naman ako minsan sa pinaglalaban nila, hanggang isip nga lang ang pagtulong ko.

I'm half british and half filipina. Dad ko ang brirish halata naman sa apelyido ko diba? But I haven't given the chance to met my dad because he left me to my mom. And my mom did the samething.

She left me to my grandparents, buti nalang din nandyan ang aking butihing mga tita na sumasagot sa aking gastusin sa eskwelahan.

Siguro my parents hate me, kaya ganun ganun nalang ako sa kanila. hindi ganun kahirap na pagpasapasahan nila ako, diba? Pero wala naman akong sama ng loob sa kanila. No hard feeling kung baga..

Pero hindi rin sila dahilan kung bakit ako naiyak..

kasi naman..

Kasi naman, nawala ko yung notebook ko, notebook LANG naman.

Ang problema nandun yung pambayad sa tuition fee ko, PAMBAYAD! ewan ko ba kung bakit doon ko pa kasi iniipit yung 2000 na binigay sa akin ni tita kanina.

*flashback*

calling..

tita kOng SEXY.

walang magrereact, tita ko may sabi na yan pangalan niya sa contacts ko.

        ako: hello po, tita!.

        tita: Pamangkin, daan ka muna dito bago ka pumasok.

        ako: bakit po?

        tita: ay bakit ayaw mo ng pambayad ng tuition fee?

        ako: tita naman ee!

        tita: gusto mo naman pala e, nagtatanong pa kasi  e.

        ako: papunta na po

hays, ganyan talaga ni tita ko mag-usap parang magkaedad lang. Isipan ko nalang daw na magkapatid kami e. Atleast alam ko yung feeling ng may kapatid.

tita's haus..

        "ahmm, Lianne may cake sa refrigerator."

        "salamat po tita."

Ganito talaga kapag pupunta ako kila tita, authomatic na kakain ako ng kahit anong meron.

        "pwede ka rin magbaon kung gusto mo."

aba! syempre gusto ko.

        "sige po."

        "Lianne eto na yung pambayad ng tuition fee mo"

        "salamat po tita. pe-pero ba-"

hindi na pinatapos ni tita yung sasabihin ko, siya na kasi nagtuloy.

        "bakit 2000?"

        "opo." Nag-nod lang ako

        "kasi isang buwan nalang pasko na."

         "eh?"

        "haha! ikaw talagang bata ka! nakakatawa yung ekspresyon mo, sana nakuhanan kita, hahaha!"

hala! nakakatawa kaya talaga?..

        "bakit nga po?"

        "pamasko ko na sayo yan."

        "ba-bakit napa-"

ayun hindi na naman ako pinatapos ng aking sasabihin.

        "bakit napa-aga?, kasi Lianne sa pasko baka hindi na kita mabigyan kasi marami ring inaanak ang tita mo." tapos bigla siyang nagpeace sign.

        "salamat po, sige po papasok na ako"

        "sige, ingatan mo yang pera ah!"

        "sana laging magpapasko" bulong ko

        "may sinasabi ka ba, Lianne?"

        "wala po! sige po aalis na ako."

        "ingat! pati yung pera!"

haha! si tita talaga, teka ipit ko muna to sa notebook ko.

*end of flashback*

ayun naman pala doon ko kaagad nilagay yung pera, tsk!

 *hays*

Pati yung nagsisilbi kong I.D. pero regi card lang ay nandoon rin. Paano na ako makakapasok sa PUP nyan araw-araw? Ano nalang pipirmahan ng mga prof. ko? Paano na kinabukasan ko? 

 Linear Park..

yuko-yuko muna ang drama ko para mahanap ko yung nawawala kong notebook. Kaya lang nasobrahan ata yung pagyuko-yuko ko hindi ko pinapansin yung dinadaan ko kasi may nabangga ako. Pero hindi ko talaga sinasadya, peksman..

        "aray!" lakas nun ah, napaupo ako e.

        "miss, sorry. hindi ko sinasadya.." mararamdaman mo sa boses ng lalaking nasa harapan ko na sobrang concern sya. dapat lang naman ah!

        ‎"miss, miss, miss?" nabawi ko lang katinuan ko nung kinaway-kaway na nung nasa harap ko kamay nya.

Hala! bakit ganito pakiramdam ko? Ni hindi ako makasagot sa tanong nya. Parang habang tinatayo ako ng lalaking nasa harap ko e nagslowmotion lahat ng pangyayari..

        "miss, sige una ako., sorry uli" napatango lang ako..

Habang naglalakad na siya palayo.,

        "Sana kinuha ko pangalan nya, gwapo pa naman"

Pero may isang bagay na mas lalong kinatulala ko.. maliban sa kaparehas nya ng mata si Vincent..

kasi, kasi, kasi..

Kasi yung suot niya..

Signs and WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon