3

2 1 0
                                    

"Uminon ka muna, Lianne." Pukaw nang Ama sa kanya habang tinititigan nya ang Lolo.

Parang binuhusan sya ng malamig na tubig ng marinig nya ang boses nito. Her whole body tense up, dahilan para hindi siya agad makapagsalita, pagkalipas ng ilang saglit ay nagawa nya itong harapin at kunin ang inaalok nitong tubig.

Naglakas loob rin syang tignan ito sa mga mata habang kinukuha ang tubig sa kamay nito. Naroon parin sa mga mata nito ang lungkot.

Nakaramdam sya ng pangungulila sa Ama.Sinuri nya ang mukha nitong tumanda na, ngunit hindi nawawala ang matipinong anyo nito, kahit may iilan naitong wrinkles.

Bigla ay naalala nya kung pano sya nito tratuhin ng mawala ang nanay nya na waring ayaw sya nitong nakikita, laging nakasalubong ang mga kilay na titingin sa kanya, na wari'y sya ang may kasalanan sa pagkawala ng Ina.

Unti unting nakaramdam ng kirot sa puso si Lianne kaya agad siyang napapikit habang umi-iwas ng tingin dito. Naramdaman nya ang pag-init ng kanyang mga mata kasunod nang muling pagbabadya nang kanyang mga luha, bumilis rin ng bahagya sa pagpintig ang kanyang puso, naikiyum niya ang kanyang mga kamay upang pigilan ang sariling maiyak. Sinikap nyang maging matatag sa harap nang Ama. Ngunit sa kabila niyon ay nagpasalamat siya sa Ama para sa tubig na binigay nito.

"Thank you po." Magalang paring sambit nya rito. Tsaka humigop ng kaunti sa tubig na inalok nito bago inilapag ang baso sa bed side table malapit sa kanya.

Nanatili lamang ang Ama na nakatayo sa kanyang tabi, pinapanood ang bawat pagkilos nya. Lalong nakaramdam ng discomfort ang dalaga kaya dali-dali syang tumayo, since tulog narin naman ang lolo nya, wala nang dahilan para magtagal pa sya ruong kasama ang Ama. Niyuko nya ang Lolo at pabulong na nagpaalam dito bago ito hinalikan sa noo. Tsaka hinarap ang Ama, at sinalubong ang mga mata nitong malungkot na nakatingin sa kanya. She gave him a straight face bago nagpaalam narin rito.

"Mauna napo ako."

Hindi na nya hinintay ang tugon nito. Agad nyang tinungo ang pinto palabas ng silid.

▪︎▪︎▪︎
Nagising si Lianne dahil sa ingay na nagmumula sa kanyang cellphone kinabukasan. Namumungay ang matang sinagot nya ang tawag mula sa hindi naka rehistrong numero.

"Hello, Lianne Montero speaking. Who is this?" bungad nya rito, habang pilit na bumangon sa kama, kasabay ng paghilamos nya sa kanyang mukha.

Hindi na maalala ni Lianne kung anong oras na sya dinapuan ng antok kagabi, dahil sadyang nahirapan syang makatulog marahil narin siguro sa malaking agwat sa oras dito sa Pilipinas at sa New York, kasabay rin nito ang tila hindi napapagod na pagtakbo ng isip nya dahil sa nangyari sa pagitan nila ng Ama kahapon sa hospital. Dahil rito buong gabing unti-unting nagising ang natutulog nyang hinanakit sa tunay na pamilya kasabay sa pagbuhos nang kanyang mga luha.

"This is your Papa."sagot nang nasa kabilang linya.

Waring nagising ang kanyang diwa sa narinig, agad na nagsalubong ang kanyang kilay. Galit ang unang bumangon sa kalooban ng dalaga, tatanungin na sana nya ito kung paano nito nalaman ang numero nya ng muli itong nagsalita.

"Kailangan ka nang Lolo mo rito, he might not make it." There is urgency in his voice that she knew right away it is serious.

She got up quickly without any clear plans in her mind. Everything went blank all she knew is, she needs to get to the hospital right away. Dali-dali syang nag-ayos, hindi na nya maalala kung paano sya nakarating kaagad sa hospital ng oras na iyon, ni ultimo itchura nya ay hindi na nya natignan bago paman sya lumabas ng condo.

Dinatnan nyang umaalingawngaw ang hagulgol sa silid kung san nakaconfine ang Lolo nya. Nangangatog ang kanyang mga tuhod habang dahan dahang lumalapit sa kama nang Lolo, hindi na niya nagawa pang tignan ang paligid ng silid. Parang tumigil sa pag-ikot ang kanyang mundo at nawala lahat ng tao sa paligid nya kasabay sa pagtahimik ng buong silid ng kompirmahin nang doctor na wala na ang lolo nya.

"Time of Dead, 10:42am."

Tuluyan ng bumigay ang tuhod nya dahilan para mapaupo sya sa sahig, napakapit siya sa dulo ng kama ng Lolo, habang nag-uunahang pumatak ang mga luha nya sa kanyang pisngi at tanging hagulgol nya lang ang kanyang naririnig.

Lolo, No don't leave me! Paulit-ulit na sigaw nya sa kanyang isip. Hindi pa ako nakakabawi sayo Lolo. Pagsusumamo nya

Parang slideshow na isa-isang rumihistro sa kanyang isip ang masasayang-alaala nila ng kanyang lolo. Mga panahong kasama pa nila ang kanyang Ina hanggang sa mga panahon na ang lolo nya nalang ang tanging kakampi nya ng mawala na ang kanyang Ina.

Inalala nya ang hindi nito pagbitaw sa kanyang mga kamay habang hinahatid nila sa huling hantungan ang kanyang Ina nung sampung-taong gulang palang sya na hindi nagawa ng kanyang Ama.

Dahan-dahan syang lumapit sa kanyang lolo, nangingig ang kanyang kamay habang inaabot ang kamay nitong wala ng buhay.

Sino na lang kakampi ko lolo. Himutok nya rito

Gusto nyang sumigaw, ngunit tanging hagulgol lang ang lumalabas sa kanyang bibig.

Kusang bumalik ang kanyang isip sa panahon kung saan pinagtatanggol siya nito sa kanyang Tiya Amanda, ang Madrasta nya at pangalawang asawa ng kanyang Ama, at buong tiyahin nya dahil nakababatang kapatid ito ng kanyang Ina.

Sa mga panahon na pinagbubuhatan siya nito ng kamay, ang lolo nya ang tila nagiging shield niya sa mabibigat na kamay nang kanyang madrasta, pikit mata ang kanyang Ama sa mga panahong iyon. Panahong kinakailangan nya ng tulong , pagmamahal at pagkalinga sa poder ng mga ito, tanging ang Lolo nya lang ang pumuna.

Lolo.

Naalala nya ang matatamis na ngiting iginawad nito sa kanya kahapon ng makita sya nito, at kung papaanong buong lakas siya nitong kinakausap kahit hirap na hirap na ito.

Hindi na mabilang kung ilang oras syang nakaluhod sa sahig malapit sa kanyang lolo at kung ilang luha na ang kumawala sa kanyang mga mata, ngunit hindi parin napapatid sa pagpatak ang mga iyon.

Nang siya ay mahimasmasan, umupo sya sa upuang malapit sa kama nang Lolo, at nanatiling nakatitig siya rito. Halo-halong sakit at pait ang nararamdaman nya. Parang ninakawan rin sya ng lakas dahil subra ang nararamdaman nyang panghihina.

Nagulantang na lamang sya ng makaramdam sya ng hapdi sa kanyang kaliwang pisngi. Ilang sigundo rin ang lumipas bago sya natauhan at hinarap nya kung sino ang lapas tangang sumampal sa kanya. Sinalubong sya nang tila nag-aapoy sa galit niya'ng Madrasta.

"Ang kapal ng pagmumukha mong magpakita rito!" Gigil na bulyaw nito. Namumula narin ang pisngi nito dahil sa galit habang nakatitig ito sa kanya.

Nakaramdam sya ng takot rito. Ngunit sinikap nyang magpakatatag, bago tahasang hinarap ang galit niyang tiya.

"I have my right to be here, I am also part of this messed up family." Mariing sambit nya rito. Nakipag sukatan sya ng titig rito.

I am not the girl you used to manipulate before. Banta nya rito sa kanyang isip.

"Matagal ng naputol ang koneksyon mo sa pamilyang ito, sampung taon kang hindi nagpakita, tapos ang lakas ng loob mong sabihin na parte ka ng pamilyang to! Sampid ka lang!" Ganti pa nito, at umambang sasampalin muli sya nito, ngunit napigilan na ito ng kanyang Ama bago paman dumapo ang kamay nito sa kanyang pisngi.

"Amanda." Mariing banta nito sa asawa habang hawak ang nakataas nitong kamay. Bahagya namang napaatras ang tiya ng gawin ito ng Ama. Ngunit maya ay nagpumiglas parin ito na makawala sa hawak ng kanyang asawa ngunit natigilan ito ng may dumating na empleyado sa hospital para kuhain ng bangkay nang kanyang lolo.

Inakay nang kanyang Ama palayo sa kanya ang asawa, habang hinahayaan ang mga nurse.

Ramdam nya ang masamang titig nang Tiyahin sa kanya. Nahihirapan man at pilit nyang pinagtibay ang kanyang loob, sapagkat hindi dapat nila sya makitaan ng kahinaan lalo pa ngayong wala na syang ibang makakapitan.

Business ContractWhere stories live. Discover now