"To Mr. Arnello Gomez please." Agad na anunsyo ni Lianne sa nurse na nasa concierge ng VIP patient.
Sumabay na si Lianne sa kuya nya papuntang hospital kaninang papasok ito, kahapon pa niya planong bisitahin ito, ngunit pinigilan siya ng kapatid at iginit na sumabay nalang siya rito kaya wala siyang nagawa kundi sundi ito.
"Room 610 po." Sambit naman nang nurse after nitong i-check ang kanilang system. Nginitian nya ito bago hinanap ang room nang kanyang Lolo.
Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Lianne habang tinutunton ang VIP room nang Lolo. Kanina pa mabilis ang kabog ng kanyang dibdib habang binabaybay nila ang daan pa-hospital. Ngayon naman ay magkahalong kaba at lungkot ang nararamdaman nya. Lungkot at pagka-miss para sa kanyang Lolo at kaba naman habang iniisip na maaring madatnan nya ang kanyang Ama o ang pangalawang asawa nitong si Amanda sa silid nang Lolo. Marahil sa halo-halong emosyon ay unti-unti naring umiinit ang kanyang pisngi at mga mata.
Mas lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib ng nasa harap na sya ng silid. Nanginginig ang kanyang kamay habang ilang saglit pang nanatili lamang siyang nakahawak sa pinto ng silid, habang nagtatalo ang kalooban kung bubuksan ba ang pinto o aalis nalang. Ngunit ilang saglit pa ang lumipas ay unti-unti nyang pinihit pabukas ang pinto, kasabay ng pag-hugot nya ng malalim na hangin dahilan para tumigil ang kanyang paghinga, inaasahang kakalma ang kanyang kaloonan.
Ngunit tuluyang sinakop ng kaba ang kanyang dibdib, ng bumungad sa kanya ang nakaupong pigura nang kanyang Ama, kasabay niyon ang pag-ahon ng mga hinanakit nya rito na noo'y akala nya naglaho na kasabay ng panahon. Nadatnan nya itong nagbabasa ng diaryo sa sofa'ng malapit sa higaan nang kanyang Lolo, nabitawan nito ang hawak ng mapatayo ito at gulat na napatingin sa pagbukas ng pinto. Ilang sigundo rin itong nanatili sa ganoong posisyon, nakatitig sa kanya, bago makabawi sa pagkabigla, hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagbabago ng emosyon sa mata nang Ama. Ang pagkabigla nito ay napalitan ng pangungulila, lungkot at pighati. Kapansin pansin rin ang pagtatagis ng mga bagang nito.
Sya ang unang umiwas ng tingin rito ng hindi na nya maatim na titigan pa ito, sapagkat napupuno ng pait ang damdamin nya. Hindi ito ang pakay nya ruon. Sinipat nya ang higaan nang kanyang Lolo bago taas noong pumasok na siya sa loob ng silid. Ramdam ni Lianne ang pagsunod ng tingin sa kanya nang Ama, ngunit isinawalang bahala nya iyon. Pilit niyang ipinokus ang kanyang buong sarile sa kondisyon nang Lolo.
You came here for lolo, you don't have to deal with him right now. Paalala nya sa sarile as she walk toward her grandfather.
Hindi nya napigilang mapalunok ng madaanan nya ito patungo sa higaan nang kanyang Lolo, dahil nanunuyo na ang kanyang lalamunan, tsaka huminga ng malalim upang pakalmahin ang kanyang puso bago sinipat ang matanda.
"Lianne," mahinang tawag nang Ama sa kanya ng makabawi ito mula sa pagkabigla. Hindi makaka-ila ang lungkot sa boses nito sa pagtawag sa kanya, puno ng pagsusumamo. Napakunot ang nuo niya ng makadama ng kunting kirot sa dibdib, pilit niyang iwinaksi nya iyon sa kanyang isip.
Hindi na nya ito nagawa pang lingunin, dahil napansin nya ang pag-galaw ng mga tulikap sa mata nang kanyang Lolo. Agad syang napaupo sa tabing upuan malapit rito.
"Lolo, I'm back." Tawag nya sa Lolo ng unti-unti itong magmulat ng mata. Pagka-sambit niyon ay nag-uunahang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Naglaho ang kanyang kaba at napalitan ng lungkot para sa kayang Lolo, waring naglaho ang lahat sa kanyang paligid at panandaliang nakalimutan ang presensya nang kanyang Ama sa silid.
Marahil nakilala sya nito dahil ngumiti ito sabay nanghihina siyang inaabot, agad nya namang sinalubong ang kamay nito. At dinala iyon sa kanyang mga labi habang mahinang humahagulgol. Her pride left her for a moment. She let her emotion overflow, even just for this very hour.
"Lianne." Nanghihinang sambit nang matanda.
Napayuko ang dalaga, ipinatong nya ang kanyang nuo sa kamay nitong hawak nya at duon tuluyang inilabas ang sakit na nararamdaman para sa kalagayan nang kanyang butihing Lolo. Ilang minuto rin ang lumipas bago sya nahimasmasan ng tignan nya muli ito, nakangiti parin itong nakatitig sa kanya kasabay niyon ang mahinang pagpisil nito sa kanyang kamay, na parang pinapakalma siya nito. Inayos nya ang kanyang sarile bago ito kinausap, pinunasan nya ang mga luhang nasa pisngi, bago tinapunan ng malambing ngiti ang kaharap.
Limitado man ang lolo nya sa pagsasalita ay hindi maitago ang kagalakan nitong nakikipag-usap sa kanya. She doesn't waste even a bit of second to savour the moment she have with her Lolo. She talked and listen to him patiently.
And when she saw how sleepy he is , she gave him a goodnight kiss and a tight hugged before tucking him in, but she stayed in his side.
▪︎▪︎▪︎Hindi parin makapaniwala si Andrew ng makita nya sa kanyang harapan ang kanyang panganay na anak na si Lianne, alam nyang kaya ito dumating kahapon ay para sa lolo nito sa Ina. He anticipated her arrival when his father in-law had an heart attacked, he knew for sure na hindi matitiis nang dalagang hindi ito mapuntahan. Kaya agad syang nagbayad nang tao para matsagan ito, paglapag palang ng eroplanong sinasakyan nya nakarating na ang balitang sakay nga ng flight na iyon ang anak. Makalas ang kutob nyang ngayon ito dadalaw sa hospital kaya naman pinilit nya ang kanyang asawa na magpahinga muna ngayong araw at sya naman ang magbabantay sa Ama nito, upang makapang-abot sila nang Anak. Mas makabubuti rin sa Anak na sya ang madatnan nito ruon kaysa si Amanda.
Kagabi pa sya hindi makatulog dahil ang totoo'y nasasabik syang makita muli ang anak at the same time kinakabahan, dahil alam nyang may hinanakit ang anak sa kanya. Kaya naman pinaghandaan nya ang pagkikita nila, ilang ulit nyang pinaghanda ang sarile para sa pagkikita nila, kung pano nya ito kakausapin at kung ano ang una nyang sasabihin sa anak. Ngunit, naglaho ang lahat ng iyon ng nasa harap na nya ito.
Naistatwa sya nang iluwa ng pinto ang pigura ng kanyang anak, hindi agad siya nakabawi sa pagkabigla dahil unang tingin palang nya sa anak ay nakita nya na ang mukha nang kanyang yumaong asawa.
Bella sambit nang kanyang isip, habang sinusuri ang anak. Every feature of her face shows Bella's face.
Agad na nakaramdam siya ng lungkot at pagsisisi, lalo pa ng mabasa nya ang halo -halong sakit, takot at galit sa mga mata nang anak.
Natiklop rin ang kanyang dila, at hindi siya nakapagsalita, kahit alam nyang marami syang gustong sabihin, hindi nya alam kung saan sya magsisimula.
YOU ARE READING
Business Contract
RomansaAgarang nagdesisyon si Lianne Montero na umuwi ng Pinas ng mabalitaan nyang na-ospital ang kanyang butihing Lolo. Batid nyang kalakip nito ang pagharap nya sa mapait na nakaraang sampung taon nyang pilit na kinakalimutan, sapagkat kailangan nyang ha...