Sa St. Peter homes isinagawa ang wake ni Mr. Arnello Gomez.
Unang gabi palang ay dinagsa na nang malalapit na kaibigan, kasosyo sa Business, mga investor at ilang mga Politiko ang silid na inu-ukyupa nang mga labi nang Ginoo. Ang Ama nya ang humaharap sa mga dumarating na makikiramay, katuwang ang secretary nito at secretary nang kanyang Lolo, upang marahil gabayan narin ito sa pagkilala sa bawat taong dumarating, dahil malaking bahagi nang mga bisita ay mga bibigating negosyante. Habang ang Madrasta nya naman ay wari'ng kakawang tupa kasama nang mga amiga nito.
Tutol ang Madrasta niya na naroroon sya, mula pa man sa hospital ay ilang ulit na nitong pinamukha iyon sa kanya, kung wala siguro ruon ang Ama nya ay nakatikim uli siya sa Madrasta, pero ni paglapit lang nga sa kanya ay hindi nito magawa dahil namamagitan ang Ama nya.
Ngunit sadya talagang matindi ang galit nito sa kanya, dahil ng kadarating lang nila kanina sa funeral homes upang ayusin ang wake ng kanyang Lolo at wala pang mga bisita, nagkaroon ito ng pagkakataong makorner sya, nagulat sya ng biglang hilain nito ang nakalugay nyang buhok. Napasigaw sya sa gulat at sakit, kasabay ng paghawak nya sa buhok upang mapigilan ito sa paghila.
"Ang lakas ng loob mo'ng sampid ka! Wala kang lugar sa pamilyang ito! Dahil isa kang mamatay tayo!" Galit na bulyaw nito sa kanya, habang pahigpit ng pahigpit ang pagsabunot nito sa mahaba nyang buhok
"Dahil sayo! Dahil sayo! nawala si Megan! Ngayon na andito ka si Papa naman ang nawala! Ikaw ang nagdadala ng malas sa pamilyang to!" puno ng hinagpis na sambit nito, hindi pa ito nakontento at pinag-hahampas pa siya nito.
Hindi nya napigilang maiyak sa subrang sakit na nararamdaman, parang mapupunit ang kanyang anit sa subrang sakit ng sabunot nito, pero nagpumiglas sya upang makawala sa kamay nito. Noon pa man ay talagang mabigat na ang kamay nito sa kanya pero kung noon hindi sya makalaban rito, puwes hindi na ngayon.
When she's finally free, tahasang hinarap nya ito habang pinupunasan ang mukha nya. Nagtatagis ang panga niya dahil sa galit na nadarama, wala itong karapatang pagbuhatan sya ng kamay, dahil alam nya na ngayong wala siyang kasalanan.
"Don't lay another finger on me, at baka makalimutan kong Tiyahin kita." Agad na banta nya rito. Nang umamba itong susugod uli sa kanya, dinuro nya ito sabay atras.
"Don't you dare take another step closer or I will not hesitate to sue you for harrassment and defamation!" Mariing dungtong pa nya. Natigilan ito, alam nyang importante ang imahe nito sa publiko, dahil kilala ang Madrastang Heiress nang mga Gomez, simula ng mawala na ang kanyang Ina. Dahil ito nalang ang nag-iisang tagapag mana ng lahat ng ari-arian nang yumaong Ama.
Puno sa pag-gagalaiti ang kalooban ni Lianne habang lumalakad palayo rito. Pagpikit nya ay sumabay sa pagpatak ang luha nya. Halo-halo nanaman ang emosyon nya, habang iniinda ang sakit na dinulot ng pagsabunot nito. Naalala nya ang lolo nya, dahil sa mga panahong ginaganito sya nang Madrasta ay pinagtatanggol sya nito.Naalala nya rin si Megan. Ang kapatid nya sa Madrasta.
You didn't kill her, Lianne. It's an accident. Alo niya sa sarile.
Nanginginig na tinungo nya ang restroom para duon pakalmahin ang sarile.
Si Megan Montero ay ang nag-iisang anak nang Ama nya at nang Madrasta. Ngunit sa murang edad ay binawiaan nato ng buhay, dahil sa aksidente. Isa ito sa malagim na nakaraang ayaw na nyang maalala. She was too young when that dark night happen.
Hindi naman na naulit ang engkwentro nya sa kanyang Tiya, dahil busy na ito sa mga bisita, para itong chameleon dahil ang bilis-bilis magbago ng anyo. Sa kabila ng nangyari ay sinikap nyang isinawalang bahala ang lahat ng personal na issue nya sa pamilya makasama lang kahit sa huling sandali ang kanyang lolo.
YOU ARE READING
Business Contract
RomanceAgarang nagdesisyon si Lianne Montero na umuwi ng Pinas ng mabalitaan nyang na-ospital ang kanyang butihing Lolo. Batid nyang kalakip nito ang pagharap nya sa mapait na nakaraang sampung taon nyang pilit na kinakalimutan, sapagkat kailangan nyang ha...