Second Advice - Love (part 1)

54 1 0
                                    


Love.

It is the best feeling in the world. To love and to be loved. To have that someone who will love you for who you are and what you are. That someone who can and will accept the whole you. Your strength. Your weaknesses. Your flaws. Your beauty. Your attitude. Your everything.


That someone who can bring out the best in you. That someone who will be with you in the ups and downs of your life. That someone who will lead you to a better life. That someone who believes and will believe in you when no one else does. That someone whom you can see the better you.


Loving is about giving and receiving. Give and take ika nga. Tulad nga ng sabi ni Jackie sa Crazy Beautiful You, hindi pwedeng bigay lang ng bigay. Dapat matuto din tayong tumanggap. Kasi kung hindi, mauubos tayo.


Tama nga naman. Pag nagmahal ka, hayaan mong mahalin ka din. Hayaan mong ibalik sayo ng tao yung pagmamahal na ibinibigay mo. Lalo na kung sobra kang magmahal. Yung tipong wala ka nang ititira sa sarili mo. Hindi mo pwede at lalong hindi mo kayang pigilan at piliin ang taong magmamahal sayo.


Maaaring may mag mahal sayo na hindi mo gusto. Pero hindi dahil hindi mo sya gusto ay babalewalain mo na lang sya. Ibalik mo yung pagmamahal na binibigay nya sayo. Not necessarily the same amount and intensity of love na meron sya sayo but atleast the love that you can give.


Maraming klase ng pagmamahal. At kahit anong klase pa man ng pagmamahal ang meron ka para sa iba, ang mahalaga yung nilalaman at intensyon nito. Basta may mabuti kang hangarin at intensyon at nandun yung pagmamahal, mapapansin mo na lang na masaya ka.


Love makes you happy. It makes everyone happy. Pero sa love hindi pwedeng happy lang (dapat walang ending!). Joke. Kidding aside, sa love hindi mawawala yung sakit. Sa kahit anong klaseng love, hindi mawawala ang sakit. Hindi maiiwasang magkasakitan.


Magkasakitan does not necessarily mean physically. Pwedeng magkasakitan verbally and emotionally. Verbally kasi minsan kahit gaano natin kamahal ang isang tao, dadating at dadating sa punto na mapupuno tayo. Na mauubos ang pasensya natin at may masasabi tayo na hindi natin sinasadya. Mga salita na agad natng pagsisisihan sa oras na marealize agad natin ang epekto ng mga salitang iyon.

That's normal. I mean, tao lang tayo. Oo mahal natin at iintindihin natin. Hanggat maaari pipilitin nating intindihin kung bakit nya o nila nagawa sa atin yung mga bagay na sana or dapat hindi nila ginawa. And in that way, masasaktan tayo emotionally - which is hindi naman natin maiiwasan - pero pwede naman nating i-avoid.


Maiinis tayo. Magagalit. Makakapag-isip ng kung anu-ano, minsan masasama at negative na bagay pa. At sa pag-iisip natin, nakakabuo tayo ng kung anu-anong picture sa utak natin na hindi natin namamalayan na naisasagawa na pala natin - which is again, pagsisisihan natin.

But you shouldn't regret anything you did and said because in the first place, ginusto mo din naman yun. Sasabihin nung iba, 'hindi ko sinasadya', 'I didnt mean it that way' 'nabigla lang ako kaya ko yun nasabi' but no. Yes, pwedeng hindi 100% na ginusto mong sabihin yung mga salitang yon but still, a part of you really mean that.


Wag natin lokohin ang mga sarili natin. Wag natin paniwaliin ang sarili natin na meron at pwede kung alam naman natin sa loob natin na wala at hindi.


Wag natin paasahin ang sarili natin sa mga bagay na hindi pwede. Hayaan mong dumating yung araw na pwede na. Na meron na. Hayaan mong kusang dumating yung magagandang bagay. Hindi yung paaasahin mo ang sarili mo. Ikaw lang din ang masasaktan. At hindi imposibleng saktan ka ng ibang tao kung ikaw mismo sinasaktan mo ang sarili mo.


True enough pagdating sa pagibig lahat nagiging tanga. Or should I say nagpapakatanga? Ganun talaga. Pag mahal mo, lahat gagawin mo. Lahat kakayanin mo. Yung tipong okay lang na ikaw yung masaktan wag lang sya. Okay lang na ikaw yung mahirapan wag lang sya.


Pero ang pagpapakatanga, napipigilan yan. Hindi dapat inuugali yan. Kasi bakit ba nagpapakatanga ang mga tao sa pagibig? Para mapanatili ang relasyon? Yung tipong kahit nagloko na sya ay okay lang sayo? Kahit meron syang iba habang kayo, naiintindihan mo? Kahit ilang ulit ka na nyang sinaktan at ginago papatawarin mo pa rin? Para ano? Para isave yung relationship nyo?


Hindi dapat ganun.


Okay lang magpakatanga sa pagibig kung masaya ka. Pero kung nasasaktan ka na, time out muna. Preno muna. Magisip ka muna. May nagawa ka ba sa kanya para gawin nya sayo yun? May pagkukulang ka ba? Masyado ka bang mahigpit? Demanding? Clingy? Nasasakal na ba sya sayo? At higit sa lahat, deserve mo ba ang ganoong pagtrato? Deserve mo ba na magsuffer at masaktan ng ganun? Deserve mo ba na lokohin ka ng taong pinili mong mahalin? Deserve mo ba na umiyak ng paulit ulit nang dahil sa kanya?


Kung ang sagot mo sa mga tanong na yan mostly ay hindi. Tigilan mo na. Pakawalan mo na ang sarili mo sa mga sakit. Spend time for yourself. Hanapin mo uli ang sarili mo dahil baka sa pagpapakatanga mo hindi mo na pala alam ang worth mo. Ibaling mo ang atensyon mo sa ibang bagay.

Makisalamuha ka uli sa mga kaibigan mo dahil baka marealize mo na ang dami mo na palang namiss gawin kasama sila. Ang dami mo na palang hindi alam tungkol sa kanila. Marerealize mo na sila pala yung nandyan sa tabi mo simula pa nung una at hindi ka iniwan. Sila pala yung nandyan para sumuporta sa mga desisyon at ginagawa mo. Sila pa rin pala yung sumuporta sa relasyon mo kahit na nung umpisa ay tutol sila dahil dun ka masaya. Sila pala yung mga taong pansamantala mong nakalimutan dahil masyado kang abala sa pagbibigay ng oras mo sa taong sa huli ay sasaktan ka rin naman pala at iwan.


Tulungan mo ang sarili mo. Walang sinuman ang higit na makakatulong sa'yo kundi ang sarili mo.


Dahil baka dahil sa pagpapakatanga mo, makalimutan mo na kung pano maging masaya.


Dahil baka sa pagpapakatanga mo, makalimutan mo na ang halaga mo.

AdvicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon