First Advice

130 1 0
                                    


Problems.

What do this word mean to you?


Problem is something that people always have and always will. Eto yung mga bagay na nakakapagpabagabag sa atin. Mga bagay na iniisipan natin ng solusyon. At kung minsan ay iniiyakan pa nga.


Malaki man o maliit na problema, kelangan solusyonan. Minsan kailangan ng agarang solusyon para hindi na lumaki pa. Pero minsan, mas mabuti yung hayaan mo na lang yung problema. Sabi nga nila "Hayaan mong ang problema ang mamroblema sayo."


Minsan, mas magadang hindi mo pagtuunan ng pansin ang problema para hindi ka masaktan at bawas stress din sa pag-isip. Problems are sometimes better leaved alone. Let it be. Kasi dadating at dadating din yung panahon na matatapos yung problema mo nang hindi mo namamalayan. You will be having that feeling of relief at mapapaisip ka na lang na "Onga noh, naging problema ko pala yun dati."


At sa panahong yun, problem solved na sya. It has been solved without you knowing how or giving a specific solution for it. It just happened because you let it be. Mapapangiti ka na lang or even matatawa pag naalala mong minsan, namroblema ka sa bagay na yun.


Pero hindi dapat yun inaalala at tinatawanan lang. Dapat kinukuhanan din yun ng aral. Aral na hindi ka na gagawa or uulit ng ganung pagkakamali. Aral na somehow eh magtuturo sayo ng isang paraan kung paano ihandle ang mga problema.


May mga panahon na makakaramdam tayo ng pag-iisa. Yun bang tipo na pakiramdam mo walang nagtitiwala sayo o sa kakayahan mo. Yung pakiramdam mo ikaw na lang yung lumalaban para sa sarili mo.


Yung pakiramdam na parang lahat ng tao pinagdududahan ang mga kaya mong gawin. Yung mga panahon na pakiramdam mo sobrang nanghihina at napapgod ka na.


Mga panahon na naiisip mong sumuko na lang. Sumuko dahil parang hindi mo na kaya. Pero ito yung mga panahon na mas kailangan mong maging malakas. Dahil sa mga panahong nanghihina ka, dun ka dapat na mas maging malakas.


Kailangan mong humanap sa sarili mo ng kahit katiting na pupwede mong pagkunan ng lakas. Lakas upang kayanin mo ang anomang bagay nang mag-isa. Lakas para tumayong muli sa pagkakadapa at patunayan unang una sa sarili mo na kaya mo.


Dahil hindi mo magagawang patunayan sa ibang tao na kaya mo kung mismong sa sarili mo, hindi mo kayang mapatunayan.


Kailangang magtiwala ka sa sarili mo na kaya mo. Dahil ang bawat pagtitiwala at pagtatagumpay ay nagsisimula sa ating sarili. Wala tayong magandang bagay na magagawa o mapagtatagumpayan kung pagdududahan natin ang ating kakayahan.


Kailangan matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa. Matutong hindi dumepende sa iba. Matutong kang dumepende sa sarili mo at sa iyong mga kakayahan. Hindi ko sinasabi na kailangan mong idistansya ang sarili mo sa iba.


Socialize.


You still have to socialize. Because you will or can learn more things when you're socializing. You still have friends. Friends that you can count on. Friends that can understand what you are going through.

Smile.

Laugh.

Have fun.

Because in having fun, you somehow forget your problems. Dahil sa ganito, mas matututo kang maging ibang tao. Ibang tao in a positive way. What I am meaning to say is that you will learn a lesson that will make you a transformed, better man or individual. You'll still act or should I say should. You should still act the way you do simply because that is you. Kumbaga, trademark mo yun. Dun ka nakilala, makikilala, tumatak at tatatak sa mga tao.


I'm not saying that changes are not good. We can't escape from changes. Because sometimes, there is someone or somebody that will come into your life and will bring some changes to you. But keep it in mind that you don't have or should not force yourself to change into someone.

Don't change into someone for people to like you. Wag mong pilitin ang sarili mo para matanggap ka ng ibang tao.

Tanggapin mo kung ano ka. Dahil hindi ka matatanggap ng ibang tao kung hindi mo tanggap kung ano o sino ka mismo. Dahil katulad ng sinabi ko, nagsisimula ito sa ating sarili.


May mga taong dadating sa buhay mo na makakapansin ng masasama mong pag-uugali at ginagawa. Mga tao na may sapat na lakas ng loob para sabihin ang mga iyon sa iyo. Mga tao na sa kabila ng mga masasamang personality na nakikita nila sayo, a hindi pa din umaalis sa tabi mo. Sila yung mga taong totoong nagmamahal at naniniwala sayo. Sila yung mga tao na tanggap kung ano at sino ka. At dadating lang ang mga taong yun sa panahong natanggap mo na ng buong buo sa sarili mo kung sino at ano ka.


Sinasabi ng iba na dapat wala kang pakialam sa sasabihin at iisipin ng ibang tao sayo. That's true. Dapat wala kang ikabahala as long as alam mo sa sarili mo na tama ang ginagawa mo at wala kang natatapakang mga tao. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi mo na papakinggan at iisipin ang mga sasabihin nila.

Hear and Consider.

You should always hear their sides and opinions. Consider them and ask yourself.

"Tama ba yung mga sinasabi nila tungkol sayo?"

"May ganun ba talaga akong pag-uugali?"

"Ganun ba talaga ako kumilos at magsalita minsan?"

"Ganun ba kasama ang mga ginagawa ko?"

"May nasasaktan o nasasagasaan na ba akong tao sa pagkilos at pagsasalita ko?" at iba pang mga tanong tulad nyan.


Sagutin mo sa sarili mo. Isipin mo kung anong epekto sa ibang tao ng mga ginagawa mo. Isipin mo kung nasasaktan mo na nga ba ang mga ao sa paligid mo. Ang mga taong naniniwala at nagmamahal sayo. Ang mga taong matatakbuhan mo anumang oras. Ang mga taong handang tanggapin ka sa kabila ng iyong mga pagkakamali. Mga taong hinding hindi ka iiwan hanggang sa huli - ang iyong pamilya.

Kapag naisip at nagpagbulay-bulayan mo na sa iyong sarili ang sagot sa mga katanungang ito, dun ka naman dapat mag-isip at magdesisyon kung kailangan o babaguhin mo ba yung mga pag-uugaling yon. Ang pagbabago ay dapat bukal sa loob mo. Magbabago ka dahil yun ang gusto mo. Magbabago ka hindi dahil nagi-guilty ka sa mga nagawa mo. Magbabago ka hindi dahil sa ibang tao. Magbabago ka dahil yun ang gusto mo. Yun ang sinasabi ng puso't isip mo. Gawin mong dahilan ang sarili mo para sa pagbabago. Wag kang magbabago nang dahil sa ibang tao dahil pag dumating yung panahon na mawala sa buhay mo yung dahilang yon, maaari kang bumalik sa dating ikaw. Sa dating ikaw na carefree. Ginagawa lang ang mga bagay na gusto at makapagpapasaya sayo without knowing na nakakasakit at nakakasagasa ka na sa ibang tao.


Change for the better. Inspire people by that change.


Learn from yourself.

Learn from your mistakes. And let other people learn from you as well.

AdvicesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon